26 - forgiven?

49 2 0
                                    

Hannah's POV

Pagkadilat ko naaninag ko na yung araw. I groaned at napaupo sa kama. Pero pagkatingin ko sa paligid ko iba yung kwarto. Ano 'to dejavu? Napahawak ako sa ulo ko kasi ansakit at nahihilo pa ako.

"Oh, Hannah you're awake." Lumingon ako sa gilid at andun siya nakaupo. Mukhang kakagising lang din.

"Asan ako?" Tanong ko sa kanya. Kinusot-kusot naman niya mata niya. Nakakaattract tignan yung bagong gising niyang itsura.

"Ah, dinala kita dito kagabi. Sabi mo kasi ayaw mo umuwi kaya ayan." He was dozing off nung nagsasalita siya.

"Oh? HALA PANO SI KUYA CH-"

"Wag ka mag-alala alam niya." Nagulat naman ako.

"Alam niya na nandito ako? Pumayag siya?" Kasi kung oo aba himala ah.

"Oo, sinabi ko na rin kung paano kita nahanap. Wag kang mag-alala ulit kasi hindi siya galit. Nag-aalala lang siya lalo na't nalaman niyang nagkita ulit kayo ng tatay mo." I sighed deeply. Nabasbasan ata si kuya Charles.

Natahimik naman kaming dalawa dito sa loob.

"Thank you." Sambit ko habang hindi nakatingin sa kanya.

"Wala yun. Importante ligtas ka." I smiled. Caring pa din siya kahit kailan.

"Teka sino nandito sa bahay mo?" He chuckled lightly.

"Ako lang tsaka apartment ko 'to. Umalis na ako sa bahay ng mama ko." Sagot niya.

"Okay." Tipid na sabi ko at tumayo na.

"San ka pupunta?"

"Maghihilamos." He nodded at nagpunta naman ako ng banyo niya para maghilamos. Pagkapasok ng cr sinara ko pinto at napatingin sa salamin. Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na wala na eto pa rin pilit na bumabalik.

Bumabalik nanaman pagkagusto ko sa kanya.

Siguro tama lang 'to para paunti-unti ko ng makalimutan si Royce.

Umiling na lang ako at naghilamos na. Pagkatapos lumabas ako ng banyo at nadatnan ko sa kama si Jace na nakatulog na. Nilapitan ko siya at ang himbing ng tulog niya. Ngumiti ako at tsaka lumabas muna ng kwarto niya para makapagpahinga siya.

Nadatnan ko yung sala dito sa apartment niya, ang ganda at bagay na bagay sa gusto niya.

Ipagluto ko kaya?

Pumunta naman ako sa kitchen doon at naghanap ng pwedeng mailuto. Nagugutom na din kasi ako kaya magluluto ako.

May nakita akong egg, bacon at sausage sa ref niya kaya yun na lang lulutuin ko. Nag-fried rice muna ako, mas masarap kasi almusal pag may fried rice.

Oo di ako magaling magluto pero eto lang kaya ng powers kong iluto. Simple lang eh hahaha.

Matapos kong magluto ng mga ulam, naghain na ako at naglagay ng plato pati kutsara't tinidor dito sa lamesa. Kumuha din ako ng tubig pati may chocolate milk sa ref niya eh paborito ko pa man din yun.

Narinig ko namang bumukas yung pinto mula sa kwarto niyo at napatayo agad ako ng tuwid.

"Wow~ ang bango naman niyang luto mo Hannah!" Bati niya at kinusot-kusot pa mga mata niya.

"Ah eh, wala yun. Bilang thank you na rin dahil kagabi." I smiled at him and ngumiti din siya habang tuluyang nawawala ang mga mata niya.

"Um, K-kain na tayo?" Medyo nautal ko pang sabi kasi nakakapanibago nga ito.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now