6 - sayo

112 4 0
                                    

Nathalie's POV

Inayos ko yung damit ko, inalalayan ako ni Kent palabas ng sasakyan niya, at mula ngayon nasa harap na kami ng gate ng mansyon nila.

Grabe talagang ang sosyal ng dating nito ni Kent. Kakagaling lang namin sa bahay ko kasi pinilit ako kahpalit ni alien ng formal attire daw eh hindi ko nga alam kung anong meron at bakit naisipan niya yun.

Pagkapasok sa loob ng bahay niya napatanong ako bigla.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Kent. Kanina pa kasi nangungulit na samahan ko siya eh, anligalig jusko.

Hinila niya ako papunta sa garden nila, oo andito kami sa bahay nila. Pero kalagitnaan ng paglalakad namin tumigil kami sa may kusina nila.

"Oh? Anyare bakit tayo tumigil sa paglalakad?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sandali lang, may kukunin lang ako. Tara muna dito sa sala, upo ka muna." Utos niya. Tinulak niya naman ako papunta sa sala at pinaupo sa sofa nila.

"Babalik ako agad." Aniya. Tumango naman ako at tinignan yung buong sala nila. Grabe talaga ang ganda, kahit saang anggulo ang ganda ng bahay nila. Yung modern na modern dating nung decorations at designs.

Nagulat naman ako kasi may biglang nag-doorbell. Nakita ko naman yung isa nilang katulong pumunta sa pinto para buksan. Ako naman napatayo dahil baka kung sino yung nasa pinto. Pagkabukas may batang babae na napatakbo agad papasok kasunod ay mama ni Kent.

"Maddie, anak, wag kang tumakbo baka madapa ka!" Narinig kong sigaw ng mama niya sa batang babae.

May kapatid pala siyang babae, hala ang cute.

Napatingin naman siya sa akin at agad na napangiti, naglakad siya papalapit sa akin at binati ako.

"Oh! Nathalie my dear you're here." Niyakap niya ako and tbh nagulat ako. Niyakap ko din siya pabalik. Maya-maya pumiglas kami at napatingin siya sa akin at nangiti ulit.

"Anong ginagawa mo dito dear? Wala pa ba si Kent kaya hinhintay mo?"

"Ah hindi po tita, nasa taas lang siya may kinuha, hinila niya ako papunta dito sa bahay niyo." She chuckled a little.

"Yung batang yun talaga, kapag inlove yun kung ano-ano ng ginagawang kaabnormalan eh." Natawa naman ako.

Wait, inlove?

"Ma!" Nagulat naman kami pareho at lumingon kay Kent na sumigaw at pababa na siya ng hagdan.

"Oh anak, bakit mo naman pinaghihintay si Nathalie dito?" She said at kumamot sa batok si Kent.

Mannerism niya talaga.

"May kinuha lang." Nakipagbeso siya sa mama niya.

"Uh, dun lang kami sa garden ma, sige una na kami." Kinaladkad niya ako at hawak niya kamay ko. Gosh ang swerte ko talaga, tapos yung mom niya pa super bait sa akin.

Pagkapunta sa garden nila grabe ang ganda, para bang punong-puno ng magaganda at mababangong bulaklak. Tapos mayroon ding silang pool na malaki doon. Bigla ko naman namiss yung bahay namin sa South Korea.

"Anong ginagawa natin dito Kent?" tanong ko sa kanya. Hinila naman niya ako papunta dun sa swing set at pinaupo ako.

Umupo naman ako at siya ay nakatayo sa harap ko.

Pero hinila niya ako ulit patayo.

"Pikit ka." Aniya.

"Hala, masyado pa akong bata Kent, mahal ko pa sarili ko, wag ngayon omg please." Panloloko ko.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now