22 - stay

69 3 0
                                    

Royce's POV

It's either to walk away or stay.

Palagi namang ganun eh.

Pero ako pinili kong mag-stay. Gusto ko ipaglaban siya. Hindi ko alam buong storya nila ng ex niya pero sa nakikita kong paglayo niya sa kanya ay hindi maganda ang nangyari sa kanila noon. Alam kong may sakit sa puso ni Hannah kaya gusto ko ako yung dahilan para maging maayos siya.

Matapos niya akong palayasin, kahit ayaw ko, ginawa ko pa rin, kesa naman magalit pa siya sa akin. Naglakad ako palabas at palayo ng bahay. Nung medyo malayo na ako, nilingon ko ulit yung bahay nila pero may naglakad papunta doon.

Sabi na susundan kami nun eh.

Hindi ko na pinansin yun, hahayaan kong makapag-usap sila ni Hannah.

Bumalik ako sa may sasakyan ko. Nag-drive na ako pauwi sa amin.

Pagkadating doon, bumaba na ako. Gusto ko muna magpahinga sa kwarto ko. Masyado na akong naiistress.

----

Pagkatapak ko pa lang sa loob ng campus, nag-ring na ang bell. Yaan na late na naman ako. Naglakad ako diretso ng locker ko at kumuha ng iilang gamit. Pagkatapos, pumunta na ako ng classroom namin.

Nakita ko may teacher na pero dumiretso lang ako papasok at sa upuan ko. Napatingin naman ako sa upuan na nasa likod ko pero walang nakaupo dun.

Absent nanaman siya?

Pagkalingon ko naman sa katabing upuan niya eh andun si Christian. Nagkatinginan kami pero umiwas agad. Bahala siya sa buhay niya basta lahat ng ginagawa ko para kay Hannah at subukan niya lang umepal.

Buti na lang nakatalikod yung teacher pag pasok ko. Kundi nakita pa ako nun.

Nilapag ko bag ko sa may desk at umupo dun. Sa buong lesson namin ng unang klase ramdam ko na may nakatingin sa akin kaya di ko maiwasan mapalingon. At kada lingon ko biglang iiwas ng tingin si Christian.

Problema nito?

Wag na wag niya akong iniinis nako.

Pagkatapos ng first subject umalis na yung teacher namin. Nagsitayuan yung iba para lumipat ng upuan para makipagdaldalan sa iba. Ganun naman palagi pag sa mga classroom. Tahimik lang ako sa upuan ko. Wala si Hannah kaya wala akong makadaldalan.

"Bro." Lumingon ako sa gilid ko at tumambad ang rectangle na ngiti ni Kent. At nandito din si Nathalie.

"Ano balita sa inyo ni Hannah?"

"Oo nga, tska bakit hindi nanaman siya pumasok?" Tanong nilang dalawa.

"Ayos lang naman kami para sa akin pero ewan ko lang sa kanya." Kumunot noo sila.

"Huh? Bakit naman? May nangyari ba?" Umiling lang ako.

"Basta, malabo intindihin."

"Hay nako bro, mahirap yan pero kayanin mo. Mahal mo diba? Panindigan mo!" Natawa ako sa sinabi ng matalik kong kaibigan.

"Sige, salamat." Umalis na sila kasi pansin nilang pagod ako.

Lumilipad isipan ko ngayon, wala sa classroom. Pilit kong iniisip kung nasan man ngayon si Hannah. Kung bakit hindi nanaman siya pumasok.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayang recess na pala. Kaya ayun tumayo na ako, naririnig ko pa sa likod ko mga sigawan nila Nathalie at Kent pero di ko na lang pinansin. Kumakalam na kasi tiyan ko.

Bumili ako ng sandwich sa canteen at bottled water tska lumisan dun. Ayoko muna makisalamuha sa mga tao. Nagpunta ako sa garden ng school at dun nagpasyang kumain. May bench naman dun kaya okay lang.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now