17 - Let me know

73 4 0
                                    

Jace's POV

Nagagalit ako sa sarili ko kasi ang tanga ko para iwanan yung taong mahal ko pero pagbalik ko wala na eh, may mahal na siyang iba.

Pero hindi ibig sabihin nun susuko na ako.

Kaya eto ako ngayon, sinusubukan na suyuin siya hanggang sa mapatawad niya ako. Pero nung bumalik ako may umeepal na. Royce daw pangalan, mukhang pambabae naman pangalan tsk.

Ramdam ko naman na ayaw akong makita o makasama ni Hannah hindi naman ako ganun ka manhid. Pero wala, gagawin ko lahat para sa kanya.

Kaya tinitiis ko yung pananakit at pagtataboy niya sa akin.

Ngayon naman, hindi ko alam kung san siya napadpad. Kanina lang kausap niya si Nathalie tas biglang nawala. Kaya ayun hinanap ko siya. Lumabas ako ng warehouse at nakitang naglalakad siya sa parang damuhan na napapaligiran ng magagandang bulaklak.

"Hannah!" Sigaw ko ngunit di ko alam kung narinig niya ba ako o hindi lang ako pinansin kasi di siya lumingon eh

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hannah!" Sigaw ko ngunit di ko alam kung narinig niya ba ako o hindi lang ako pinansin kasi di siya lumingon eh.

Wala akong nagawa kundi sundan siya. Mahirap na mawala nanaman siya at kung saan mapunta. Ayoko na maulit yung dati.

Medyo padilim na din kaya delikado kung pagala-gala siya dun eh kasunod pa naman ng mga bulaklak ay parang gubat. Kahit anong tawag ko sa kanya di siya lumilingon kaya binilisan ko na lang ang paghabol sa kanya.

Nakita ko naman siya na dumiretso lang at napatungo na ng gubat. Kinabahan na ako at tumakbo na ako para mahabol siya. Nung mahabol ko siya parang wala siya sa sarili.

"Hannah!" Nung nakalapit na ako sa kanya, hinablot ko kamay niya para hilahin siya paalis dun pero wala. Ayaw niya, tuloy-tuloy siyang naglakad.

"Hannah ano ba delikado na diyan!" Sigaw ko pero hindi siya nakikinig. Wala akong nagawa kundi sundan siya. Hindi ko namalayan na nakapasok kami sa parang gubat. Ano 'to? Nakakatakot dito, para bang may susulpot na kung ano kahit anong oras.

Bigla kaming nakarinig ng paglipad ng mga uwak at dahil dun parang nagising sa katotohanan si Hannah.

"Ah!!" Sigaw niya at buti na lamang nasa likuran niya lang ako, tatakbo sana siya kaso bumangga siya sa akin. Hinawakan ko siya sa balikat niya at tinignan siyang mabuti. Nanlaki naman mata niya.

"Bakit mo ako dinala dito?! Jace ano 'to?!" Sigaw niya pa nagpupumilit pumiglas.

"Hindi kita dinala dito Hannah, kusa kang pumunta dito at pinilit kitang pigilan pero wala hindi ka nakikinig sa akin kanina!" Hindi ko maiwasan na mapasigaw. Napatahimik naman siya at kumunot yung noo.

Nakarinig kami ng ewan na tunog. Yung mga pang nakakatakot na palabas. At nagsiliparan nanaman yung mga uwak. Dahil sa takot hindi ko aakalain na mapapayakap sa akin si Hannah.

"Jace ayoko na dito, umalis na tayo please." Pagmamakaawa niya at nakatago yung mukha niya sa dibdib ko. Bumilis tibok ng puso ko dahil nga nakayakap siya sa akin. After long I've felt her hug me like this again.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now