25 - lost star

49 2 0
                                    

Hannah's POV

"Bakit ba kasi ganito mga nangyayari sa akin?" Napalagok na lang ako ng isang bote ng beer at umiyak.

"Lahat naman ginagawa ko para maging mabuting tao sa iba pero ganito ang ibabalik nila sa akin? Ganito na lang ba palagi? Ang sakit sakit na." Pag-iyak ko at napasandal sa upuan.

Oo tumakas nanaman ako para makapunta lang dito. Hindi ko na alam gagawin ko eh, litong-lito na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi siya simpleng lalaki para kalimutan ko, niloko niya ako walang hiya siya.

Kahit ganun bakit may nararamdaman parin ako dun? Alam ko dapat si Jace na lang pinakinggan ko eh. Mas masakit ang pinadama sa akin ni Royce langyang yan. Napabuntong hininga ako at lumagok pa ulit ng isang bote.

Wala na akong pake, gusto ko makalimot kahit ngayon lang.

"Bakit ang daya ng mundo sa akin?" Napatingala ako at nakita yung lalaking nakahoodie tas nakasuot ng sumbrero at nagsalita siya. May hawak siyang gitara.

"Minsan mararamdaman natin na akala natin tamang panahon na, pero biglang gagawa ng paraan si Tadhana para itigil ang lahat. Paramdam na mali, mali pala maging tayo..."

"..Kahit hindi naman naging tayo." Tagos naman sa puso yung mga pinagsasabi nung lalaking yun bwiset.

"I want to find my lost star, pagala-gala lang siguro siya ngayon. So here's a song for you guys." Nagsimula na siya mag-strum nung gitara niya.

PLAY SONG IN MULTIMEDIA

"Please, don't see
Just a boy caught up in dreams and fantasies
Please, see me
Reaching out for someone I can't see

Take my hand let's see where we wake up tomorrow
Best laid plans sometimes are just a one night stand
I'll be damned cupid's demanding back his arrow
So let's get drunk on our tears

And god tell us the reason youth is wasted on the young
It's hunting season and the lambs are on the run
searching for meaning
Are we all lost stars trying to light up the dark?"

Napaka-kalmado nung boses niyang pakinggan, pero bakit ganun pamilyar? Hindi siya katulad ng dating kumanta nung huling punta ko dito pero pamilyar eh. O sadyang lasing na ako at kung ano-ano na naririnig ko.

"Sana mapatawad mo ako dahil hindi ko ginustong saktan ka." Ang lungkot nung boses nung lalaking kumakanta. Para kanino kaya yun?

Ininom ko yung last na bote ko at tumayo na para umalis. Naglalakad na ako sa street pero pagewang-gewang pa. Kaso nagulat ako ng may humatak sa akin at napatingin ako sa kanya at nanlaki mga mata ko.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko at pilit na pumiglas sa pagkakahawak niya. Hindi, ayoko maulit yung nakaraan. Ayoko. Nanginginig ako sa takot at medyo nanghihina.

"Sa wakas nakita na kita ulit. Akala mo papakawalan lang kita noon basta-basta? Nagkakamali ka diyan, pasalamat ka at naawa pa ako sayo noon!" Sigaw niya. Nakapikit lang mga mata ko para hindi ko siya makita. Kasi kapag nakikita ko siya naaalala ko yung mga ginawa niya sa akin noon.

"Walangya kang bata ka, wala ka ng nagawang matino!" Sinampal niya ako at napaupo ako sa sahig. Napahawak ako sa pisngi ko matapos niyang gawin yun. Tumulo ng kusa yung mga luha ko. Bakit ba kasi hindi pa ako sumama kay mama noon? Edi sana mas masaya at mabuti kami ngayon.

"Kahit naman may gawin akong matino hindi mo pinapansin!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Pinanlakihan niya ako ng mata at hinawakan parehong kamay ko.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now