13 - shooting stars

77 5 0
                                    

Royce's POV

Hindi bale na akong masaktan kesa naman si Hannah yung masaktan. Nagtataka pa din ako kung ano yung sinasabi niyang kailangan ko daw siyang layuan or else mapapahamak ako?

Hanggang ngayon nakatitig lang ako sa ceiling ng kwarto ko at sinusubukan i-solve yung mga sinabi ni Hannah.

"Tok tok? Papasok ako." Naistorbo naman ako ng may sumilip sa pinto at tuluyang pumasok. Hindi ko siya pinansin at nakafocus pa din ang isip ko sa sinabi kanina ni Hannah.

"Uy kambal, seryoso mo ata? Lalim ng iniisip mo ah." Umupo si Rachel sa dulo ng higaan ko.

"Wala ka na dun." Sambit ko tas tinalikuran siya. Wala kasi ako sa mood makipag usap kaya tinataboy ko lang siya.

"Sus, anong wala? Kilala na kita Royce, ganyang tono ng pananalita malamang may problema ka. Tska heller, nakalimutan mo ba kapag nasasaktan ka nararamdaman ko din. Kaya nga kita pinuntahan kita dito sa kwarto mo." Aniya.

Ganun talaga minsan pag kambal. Parang iisa lang kami pero magkahiwalay ang katawan. Sakit ng isa sakit ng dalawa.

Di ko parin siya pinansin, nakatalikod pa din ako sa kanya.

"Yah! Ano nga kasing problema Royce?" Inalog-alog niya katawan ko hanggang sa tumayo ako at hinarap siya.

"Ikaw, problema kita." Sabi ko sabay balik higa ulit. Pang-asar lang sa kanya.

"Ah sige nanloloko ka nanaman ah? Tara dito buset ka." Nagulat ako ng hilahin niya paa ko sabay kinilit ito.

"Angela!" Sigaw ko habang tawa ako ng tawa. Ganun din siya na tawang-tawa sa kalokohan na ginagawa niya sa akin.

Matapos niyang mapagod sa kaharutan niya, napahiga siya sa kama ko, kalahating paa niya nasa sahig at kalahati ng katawan niya nasa higaan. Ako naman nakaupo lang natulala nanaman.

"It's just that, there's this girl I like.."

"Sino? Yung higad mong girlfriend na si Cathy?" Napairap siya.

"Ano? Lahat na lang sinasabing higad yun. Pero hindi siya." Nanlaki mata niya at lumapit sa akin.

"Omg kambal, ibang babae na? natauhan ka na rin sa wakas!" She cheered at natawa lang ako.

"What's up with her?" Pagbabalik topic niya. I sighed deeply at sinabi sa kanya.

"Kasi I like her for some reasons and she likes me back."

"Edi maganda! Maging kayo tas pakasal na. Ako ninang ha." Napahalakhak naman ako sa kabaliwan niya. O diba mas mukha akong matanda kesa sa kanya.

"Hay nako Angela. Hindi ganun, for the past week nilalayuan niya ako, I don't know why."

"Ganyan talaga mga babae, pakipot."

"Pero hindi eh, this time sinabihan niya na ako na layuan ko siya. Pero hindi ko naman kaya yun kasi araw-araw nakasanayan ko ng siyang makasama at di ko alam kung paano gagawin ko." She looked at me at hinawakan yung parehong pisngi ko.

"Royce, kung gusto mo talaga ipaglalaban mo." Yun lang sinabi niya tapos tumayo na.

"Sige na, may pasok ka pa bukas. Matulog ka na." Nagtaka na lang ako kasi bigla siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Nyare dun?

Humiga ulit ako sa kama at nag-isip.

Kahit ano pang sabihin mo na layuan kita, hindi ko gagawin yun.

Kasi mahal kita Hannah.

----

Habang naglalakad sa hallway andaming tao na nagsisidatingan. Buti na lang hindi ako late at maaga pa. Napatingin ako sa may locker na mga 5 locker ang kayo mula sa akin.

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now