23 - paasa

44 1 1
                                    

Hannah's POV

Nag-ring yung bell at nagsitayuan na ang mga kaklase ko para mag-lunch. Kung tatanungin oo ilang subject ang pinagtiisan ko dahil nasa harapan ko lang si Royce at sa kanan ko si Jace.

Pilit nila akong kinakausap pero di ko pinapansin. Gusto ko maging fair sa kanilang dalawa.

"Hannah, kasabay ko si Kent mag-lunch ayos lang ba?" Bungad sa akin ni Nathalie. Tumango ako.

"Sige ayos lang." Ngumiti ako at umalis na sila. Naiwan pa muna ako dito sa room dahil inaayos ko pa mga gamit ko.

"Tagal naman." Hindi ko nilingon yun baka iba kausap na kaklase ko lang.

"Hannah ang tagal." Natigilan ako sa ginagawa ko at napalingon sa likod ko.

Omg bakit may nagsasalita san galing yun.

Ay, sadyang maliit lang pala siya.

"May sinabi ba akong hintayin mo ako?" Pananaray kong sagot sa kanya at tumawa lang ang ugok.

Ewan ko ba kung bakit ganyan yan. Ang kulit kulit jusq.

Pagkatapos kong ayusin gamit ko, nauna akong lumabas. May nakabuntot sa akin, aso ko. Este si Jace pala.

Diretso ako cafeteria para bumili ng pagkain. Kanina pa kumakalam tiyan ko.

"Libre kita gusto mo?" Hindi ko siya pinansin at pumila na lang. Manigas siya diyan. Bumili ako ng chicken with rice tska inumin. Pagkatapos ko bumili naghanap na ako ng mauupuan.

"Hannah!" Lumingon ako at nakita si Royce na tinawag ako mula sa kinauupuan niyang table.

"Hannah!" Lumingon ako at nakita si Royce na tinawag ako mula sa kinauupuan niyang table

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Muntik na ako mapangiti pero umiwas ako. Hannah wag. Nagulat na lang ako kasi may humila ng kamay ko at pinaupo sa upuan. Kumunot noo ako at tinignan siya ng masama.

"Ano nanaman ba?" Pananaray ko.

"Eto, wala ka ngang masabayan eh. Pasalamatan mo na lang ako." Napairap na lang ako sa sinabi niya.

Kumain ako ng hindi pinapansin kung ano man ang sabihin niya.

"Balita ko may gaganaping showcase talent sa foundation week ah." Napatingin ako sa kanya.

"Oh? Talaga?"

"Oo."

"Kwento mo sa lolo mo." Pambabara ko sa kanya at napainom sa juice ko.

"Seryoso nga. May balak ka bang sumali?"

"Wala eh. Kung sasali ka suportahan na lang kita." Natigilan naman ako. Bakit yun lumabas sa bibig ko? Napansin kong napangisi siya.

"Kasi kawawa ka naman walang susuporta sayo." Segway lang mamaya kasi sabihin nito unti-unti ng bumabalik eh.

"Sus, kunwari ka pa gusto mo talaga ako suportahan. Wag ka mag-alala gagalingan ko talaga para sayo." Ngumiti siya. Kung nakakapatay lang ang ngiti namatay na ako. Pero bakit ganito na? Bakit ganito na epekto niya sa akin?

Foolish Love (ONHOLD)Where stories live. Discover now