Chapter 9

468 8 13
                                    

CHAPTER 9

EOTTOKHAE???

          Di ako makatulog. Alas-tres na ng madaling araw at dilat na dilat parin ang mga mata ko. Limang oras na pala akong higa-bangon-higa sa kama. Nandito kami ngayon sa bahay ni Pen, dito na ako nagpalipas ng gabi kasi medyo matagal-tagal din natapos ang concert at alanganin na kung uuwi pa ko sa amin.

          Ang concert.

          Kanina pa yan pabalik-balik sa utak ko, na kung DVD pa yan eh super gasgas na at di na mapakinabangan. Natulala ako sa kisame, inisip (for the nth time) ang mga unexpected twists and turns na nangyari. Bakit ganun? Bakit?

          Simula kalagitnaan hanggang sa kahulihulihan ng Bluestorm, nawala ang pagka-warfreak ko. Na para bang pumasok ako na ganito tapos paglabas eh ibang tao na. Di ko malarawan ng tama. Ang boses nila, ang mga kanta. Hanggang ngayon nga eh LSS pa rin ako dun sa stabiraprap stabira ni Burning Jonghyun eh. Sa Engrish ni Yonghwa, sa cuteness ni Hyukkie, sa ngiti ni Jungshin.

          Lee Jungshin. Halos di ako makahinga sa mga sinabi at titig nya. Lalo pa ng kumanta sya na para bang nanghaharana lang. Oh Hindeeeeeeeeee!!!! AILEEN AOKI! MAGPIGIL KA!!! Ang puso, ang puso.

          Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

          Sinilip ko si Pen, at ayun nga, tulog na tulog. Amazing talaga at nakatulog pa sya sa ganito ka inspiring moment. Naalala ko tuloy sabi nya kanina bago pa man kami umuwi. At ang mga di inaasahang nangyari. AHHHHHHH!!!!

          “Aye. Di kaya ikaw yung tinutukoy ni chingu?” seryoso nyang tanong habang nag-aantay kami sa kuya nya na susundo samin.

          “Ha ha! Naku! How I wish.” Patawa kong sagot. Na-resolve ko na sa sarili ko na hindi dapat ako assumera kasi yung idea pa lang eh napakaridiculous na. Like, helloooooo???? Fiction ba to??? Pero gaya nga ng sabi ko, how I wish.

          “Eh ba’t ganun??” tinutukoy nya yung staring parts pati na yung girl-with-blue-higlights-who-could-speak-Japanese.

          “Oh tapos? Anong meron?” seryoso kong tanong.

          “Wala lang… malay mo eh, may effect yun sa yo.”

          “Effect? Hello. Ano ako loka? Ang tanda-tanda ko na para maniwala sa mga mga mala-Barbieng story.”

          “Kung ganun, ba’t nakatago buhok mo?”

          “K-kasi gusto ko lang. ang init kaya.” Well, half-truth naman yun eh. Yung other half eh ayoko lang na may makakakita. Eh sino naman daw ang papansin. Haha! Assumera mode ata ako ngayon. LOL.

          “Ayaw mong pumunta sa backstage one last time?” tanong ni Pen.

          “Bakit? May naiwan ka?”

          “Wala naman.”

          “Oh tapos?”

          Napatitig lang si Pen. “Bahala ka. Oh!. Anjan na pala si kuya eh.” Heto na ang kotse ng kuya nya, sinusundo na kami. Lumapit na si Pen sa sasakyan habang ako eh nakatayo parin at di umalis sa kinatatayuan. “Tara na, mag-a-alas-onse na pala oh.”

          Ano na Aileen? Anong plano mo? Aalis na lang agad na parang walang nangyari at magkunwari na kailanma’y wala kang narinig sa gabing ito? O sisilip lang na konti, matiyak lang na reality at Earth pa ang lokasyon ngayon? Eto na naman ang dibdib ko, ang sikip-sikip. Ano ba ang pinag-aalangan ko?? Di kaya’y natatakot lang ako sa posibleng mangyari sa oras na talikuran ko si Pen at harapin si chingu??

Sweet DreamsWhere stories live. Discover now