Thirty Six

34.9K 718 21
                                    


"Aya, we cannot keep this as a secret forever." Bryce said as soon as he turned to face me. Nakadalawang session na ako ng chemo ko pero hanggang ngayon dalawa pa rin kami ng bestfriend ko ang nakakaalam ng tunay na kalagayan ko.

He's been paying for my treatment. Hindi kasi sapat ang naipon ko sa trabaho para sa chemo ko. Alam kong nagtataka na rin si Ferris sa mga kinikilos ko. Madalas kasi akong magpa-move ng off para sa therapy ko. Madalas din akong tumanggi sa mga labas na inaaya niya dahil madalas rin iyon tumama sa check up ko sa doctor ko.

"Bryce konting panahon pa sana." Bulong ko sa kanya. He pursed his lips in a tight line before he held my hand in his.

"Aya baby, mas nakakadagdag sa stress itong ginagawa mo. Sana iwaglit mo sa isipan mo na magiging pabigat ka sa kanila kapag nalaman na nila." He again tried.

He was staring straight at me as if he could see my soul. I was left mum, no words seem to come up. I know he's right on both accounts. Pero hindi pa ako handa, hindi ko pa kayang sikmurain ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang totoo.

"Miss Diamond Timbresa?" The nurse called out. Napatayo kami ni Bryce at nagtungo sa loob ng kwarto kung nasaan si Doc Fernandez, ang oncologist ko.

"Doc," Bryce greeted as soon as we sat in front of the astute doctor. I studied his expression, not really liking what I read on his face.

He let out an audible breath before he closed the folder in front of him. "We have good news and bad news, alin ba ang gusto niyong malaman na una?"

Nagkatinginan kami ni Bryce. Napapikit siya bago niya muling hinarap ang doctor. "Bad news na lang po Doc." He said, gripping my hand tightly.

My heart was thumping loud as we wait for what the good doctor has to say. I suddenly felt light headed, nahihilo ako habang naghihintay. Napasapo ako sa ulo ko na agad namang napansin ni Bryce.

"Aya, baby are you okay?" But I didn't seem to take what he said fully but I was able to whisper a reply.

"Y-yes. Just a little dizzy."

Naramdaman ko ang pagtayo ni doc at pagpunta niya sa tabi ko. "Gusto mo bang mahiga?"

Agad akong napailing. "H-hindi po. Okay lang ako."

They both looked unconvinced pero wala naman silang nagawa. Muling napabuntong hininga ang doctor saka siya bumalik sa upuan niya.

"Based from her sample from your last visit, her cancer cells are fast multiplying compared from the first. With that said, she needs to undergo CNS prophylaxis on her next appointment. This can be done by irradiation, cytarabine + methotrexate, or liposomal cytarabine. This is needed to stop the lymphoma in spreading to the brain or spinal cord."

Wala nanaman akong naintindihan sa sinabi niya. I peeked at Bryce under my lashes and he was nodding his head. Dagdag treatment nanaman, ibig sabihin dagdag gastos nanaman. Nagpapatong-patong na ang utang ko kay Bryce.

"And the good news?" Bryce inquired.

May ngiting lumandas sa bibig ng doctor ko. That eased my feeling even just a little bit. "Her body has been reacting well with the therapy despite the rapid multiplication of the lymphoma. The drugs are rapidly killing most of her tumor cells. In no time we can achieve remission and can proceed to the next step of her therapy."

Gumaan ng kaonti ang pakiramdam ko nang narinig ko ang sinabi ng doctor. Gumagana naman sa akin ang chemo, pero tulad nga ng sabi ni Doc Fernandez noong unang session ko, marami akong mararanasan na side effects noon.

Lightheadedness, pale skin, feeling cold, general weakness, those were a few effects I have been experiencing. And I know soon, mararanasan ko na ang mas kapansin-pansin na epekto nito. At kapag dumating ang pagkakataon na 'yon. Hindi ko na lang alam kung paano ko pa itatago kila Mama at kay Ferris.

Dumiretso na kami ng uwi ni Bryce pagkatapos naming dumaan sa ospital. Sabi ni Doc mas maganda raw na magawa na ang CNS Prophylaxis ko ng mas maaga. Hindi ko nga lang siya nasagot kung kailan ako makakabalik dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para sa sinasabi niya.

"Baby, I think now is the best time you tell your parents. Kahit kila Tita Judy lang muna." Muling tugon ni Bryce nang napa-park siya sa labas ng carinderia.

Napalingon ako sa labas at nakita si Mama na nagaasikaso ng mga customers. "See that smile Bryce, hindi ko ata kakayanin ang mawala iyon." I murmured.

He creased his eyebrows together before he pulled me to an embrace. "They need to know. Kahit masakit kailangan nilang malaman."

"Konting oras pa sana. Please."

"Aya, the time is slowly fading away. Hindi natin kayang itago ito, once the effects as taken its toll on you, they will learn about your condition in the most painful way. Please baby, sabihin mo na sa kanila." Udyok niya sa akin.

I cried hard on his shoulders after hearing what he said. He was right. Pero hindi pa ako makakuha ng tamang timing, konting panahon lang sana ang hinihingi ko at masasabi ko na sa kanila ang katotohanan.

Nakaakap pa rin ako kay Bryce nang may biglang kumatok sa bintana ko. Napalingon ako at nakita si Ferris na nakasimangot. Buti na lang tinted ang sasakyan ni Bryce kaya hindi niya nakita na magkaakap kami. Seloso kasi si Ferris at alam kong malaking gulo kung sakali mang nakita niya iyon.

Napakalas ako sa akap at agad na binuksan ang pinto sa tabi ko. He moved to let me hop out of the car.

His face was stern and unrelenting. I walked gingerly to him and gave him a weak hug.

"Akala ko ba magpapahinga ka ngayon kaya ka nagpalipat ng rest day?" He asked grimly.

Napalunok ako saka ko siya ginawian ng tingin, pero ang titig niya lagpas sa akin at na kay Bryce na kababa rin ng sasakyan.

"Umm o-oo. Kaso nagpasama kasi si-"

"Nagpasama nanaman. Saan ba siya laging nagpupunta at kailangan niya lagi ng kasama?" Matigas na tugon niya. Alam kong nagpipigil rin siyang magtaas ng tono ng boses.

Napaatras ako at muling napalunok. Naramdaman ko na lang ang magkabilang kamay ni Bryce sa balikat ko. "Huwag mo naman siyang pagalitan Ferris, ako ang may kasalanan. Pinilit ko siyang sumama sa akin." Sagot ni Bryce.

Mas sumama ang mukha ni Ferris bago ito bumulong. I think hewas cursing inaudibly before he raised his head and looked at us directly. "Kapag siya ang namilit sa'yo, sasama ka. Samantalang ako tinanggihan mo kagabi." Muling bato niya sa akin.

Namumuo na ang luha ko sa magkabilang gilid ng mata ko. But Ferris' face remained austere and unforgiving. "Ferris, sorry hindi naman 'yon-"

"Birthday ko ngayon Diamond. Salamat na lang sa magandang pa-birthday." He said stoic before walking away and treading inside his car.

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now