Thirty Eight

37.4K 726 20
                                    

I just found myself crying and whimpering on Bryce's shoulder following my encounter with Ferris.

Ayokong paniwalaan ang mga sinabi niya. I want to smack him in the head just to see if it will straighten out his thinking. Baka naman kasi may sakit lang siya o baka napasadahan lang siya ng masamang hangin. But the way he looked at me was enough for me to believe that everything he said was all true.

He played me and there's nothing more to it that I can do. Hindi ko magawang magalit sa kanya, I love him too much to feel any hatred towards him. I love him. I didn't even have the chance to tell him those words.

Pero kung nasabi ko ba may magbabago?

I took a fistful of Bryce's shirt as I cried my heart out to him. "Bryce, ang sakit sakit." I mewled, not knowing where to start mending my heart.

Mas masakit pa ata ang sinabi niya kumpara noong araw na nalaman kong may Leukemia ako. Hindi ako binitiwan ni Bryce hanggang sa kumalma ako. I was still sniffing when he started the engine.

"Sasabihin mo pa rin ba kila Tita?" Tanong niya.

With my eyes red and face blotchy, I nodded my head. Wala na rin namang papantay sa sakit na nararamdaman ko ngayon, so might as well receive the maximum of it.

As usual, busy si Mama sa pag-aasikaso sa mga customers nang nakarating na kami sa bahay. Si Papa naman, na saktong day-off ngayon, ang nagkakahera.

Bumaba ako ng sasakyan ni Bryce at mabilis na nagtungo sa harap ni Papa. May ngiti sa mukha niyang agad na nabura nang ginawian niya ako ng tingin.

"Anak?" That's all he was able to say. Pero alam kong nagtataka niya siya kung bakit ganoon ang itsura ko.

I tried smiling at him, "Pa, pwede ko ba kayong makausap ni Mama kahit sandali lang?"

Napakunot siya ng noo, doon palang alam kong alam na niyang hindi maganda ang mga bagay na lalabas sa bibig ko.

"Judy!" Tawag niya na hindi nag-aalis ng tingin sa akin. Agad naman lumapit sa amin si Mama, may sasabihin pa nga dapat siya pero hindi niya naituloy nang nakita niya ang itsura ko.

"Umiyak ka ba anak?" She asked, her voice packed with concern.

I nodded my head, "Ma, may sasabihin sana ako. Pwedeng sa loob muna tayo ng bahay? Si Bryce na muna ang bahala rito." I uttered before looking back at Bryce who's watching my every move.

"O-opo, ako na muna rito Tita, Tito." He agreed.

I saw the fright on my parents' eyes when they stood and followed my steps towards our house. I was thinking rather hard as to how will I start dropping the news to them, but I suddenly felt lightheaded. Nilabanan ko ang pakiramdam na 'yon, pero nagsimula nang magdilim ang paningin ko. I looked back and saw the worried expression from my parents and before I knew it, everything went pitch dark.


Nagising na lang ako dahil nakarinig ako nang humahagulgol. I hastily opened my eyes then closed it because of the bright lights surrounding me. All I saw were white walls and I was covered in white sheets.

When I tried moving, Mama came to my view before she held my hand tight. Ilang beses siyang nag-iwan ng halik sa kamay ko habang nakatitig sa akin.

Maga at mapula ang mga mata niya. Napalingon na lang ako sa gawing kanan ko nang may humaplos sa buhok ko. I saw Papa and he too was sporting reddish, bulgy eyes.

Saka nag-sink in sa akin kung nasaan ako.

"A-anak sana sinabi mo sa amin noon pa.." Mama said, trying so hard not to cry. But her voice cracked making me release a sob too. Hindi na ako nakasagot, naiyak na lang ako saka ako nag-sorry sa kanila.

Ilang beses humalik si Papa sa noo ko saka ko naaninag ang paglapit nila Ate Gie sa akin.

"Aya, bunso kamusta ang pakiramdam mo?" Ate Amy inquired as she sat on the edge of my bed. Kuya Cube was standing behind her looking at me with pitiful eyes.

I tried my best to smile at them, ignoring the sudden feel of my weakening muscles.

"I-I feel better." I whispered.

Ate Gie took the other side of my bed before combing my hair with her fingers, then there's Ate Q beside her. I hated the way they looked at me. Mas pakiramdam ko wala na akong pag-asang labanan ang sakit ko.

The silence was broken when Bryce emerged from the door. May hawak siyang paperbag ng mga pagkain na iniabot niya kila Ate Gie habang busy sila mama na kausapin si Doc Fernandez.

"Alam mo na rin Bryce?" Ate Gie asked before turning to Bryce who was pouring me a glass of water.

He nodded his head. Lumapit siya sa akin at inalalayan niya akong umupo bago niya ako tinulungan uminom ng tubig. It's funny to think na pakiramdam ko mas lalo akong humina simula ng nalaman ng lahat ang kalagayan ko.

"Ako ang kasama niya nang nagpa-check up siya noon." Tugon ni Bryce.

Ate Gie creased her eyebrows together. "Bakit hindi mo sinabi agad?"

"Ate Gie, ako ang may ayaw..." Agad na putol ko.

"Eh 'yong sinasabi niyo na manliligaw mo?" Nagkatinginan kami ni Bryce. Hindi ko alam ang tamang sasabihin. I looked at my bestfriend with pleading eyes.

"Ate sa ibang araw na lang natin 'yan pag-usapan." Bryce said, dismissing the inquiry.

Matagal pang namalagi sila Ate sa ospital bago sila isa-isang nagsialis. Si Bryce, umuwi lang para maligo at magbihis dahil nagprisinta siya na siya muna ang magbabantay sa akin sa unang gabi ko sa ospital. Pumayag sila mama pero nagdesisyon silang hindi na rin umuwi at samahan si Bryce sa pagbabantay sa akin.

Ang katunayan, ayoko sanang mag-confine. Pakiramdam ko kasi mas lalo lang akong manghihina. Ngunit doctor na mismo ang nag-utos na sa ospital na lang muna ako para ma-monitor niya ng husto ang kalagayan ko. Naging pabor naman sila mama at papa kaya hindi ko na rin nagawang magmatigas pa.

"Aya, matulog ka na." Bulong ni Bryce sabay agaw sa akin ng cellphone kong kanina ko pa tinititigan.

"Bryce, akin muna. Baka mag-text siya." Pagmamakaawa ko. Naalala ko nanaman ang tingin ng mata niya nang sinabi niya sa akin ang mga iyon, pero kahit ganoon, umaasa pa rin ako na baka magbago ang isip niya at kausapin ako.

Narinig ko ang mabigat na buntong hininga ni Bryce saka niya inilapag ang cellphone ko sa tabing mesa ng kama ko. "Aya, baby...matulog ka na at magpahinga." Muling tugon niya. Bakas sa mga mata niya ang awa para sa akin.

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong matagal nang gusto pumatak. "Ang sakit pa rin Bryce." Anasan ko.

Hindi ko alam kung kailan ako mapapagod maghintay sa kanya, hindi ko alam kung hanggang kailan ako aasa, at hindi ko alam kung gaano ko pa katagal titiisin ang sakit.

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now