Nineteen

42.4K 980 40
                                    


Naging ilang na ako kay Ferris pagkatapos ng lunch out naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero lumalakas at bumibilis ang kabog ng dibdib ko kapag magkaharap na kami. Para akong nahahapo na napapagod sa paghinga na ewan. Ganoon kahirap kaharap ang taong 'yun. Mas gugustuhin ko na nga lang atang magkaaway kami kaysa sa ganito ang trato niya sa akin.

"Aya.." He called from the other side. Napalunok ako bago ako nagpunta at sumilip sa pintuan niya. He chuckled when he saw how ridiculous I look while I was peeping at him through the small alit of the door. "Aya pumasok ka, hindi kita makita."

I laughed nervously while I hastily wipe my palms on my dress. "Ah, eh sir. Pwede mo namang iutos na lang kung ano man 'yun." Mahinang sagot ko. He fixed his eyeglasses before he stood up and approached me. Agad akong napaatras pero huli na dahil nahawakan na niya ang kamay ko. "Sir...." I whispered at the lowest tone I can manage. He was staring intently at me before he put my hand on his chest. Mabilis din ang tibok ng puso niya. Napabawi ako sa kamay ko at umatras ng tatlong hakbang.

He removed his glasses but has his gaze fixed on me. "What are you doing to me?" He murmured. My heart went on full rampage, my lungs unable to keep up with it. Hindi ko alam ang isasagot sa tanong niyang hindi ko alam kung saan nang-galing. Tumakbo ako palabas at mabilis na nagtago sa banyo. Inabot ko ang inhaler ko sa bulsa ko at humuhugot ng tatlong malalim na hininga.

Ferris ano bang trip mo?

Hindi ko makalma ang sarili ko kaya kahit ayoko pang tawagan si Bryce dahil hindi pa kami maayos, wala akong ibang choice. I hurriedly dialled his number while my eyes started to cloud together with my failing lungs.

Agad naman siyang sumagot pero naunahan ko siyang magsalita, "Bryce...puntahan mo ko please..." hingal na tugon ko.

"Papunta na ako!" Mabilis na sagot niya bago ko narinig ang pagbaba niya sa linya. Wala namang chansang may makahanap sa'kin dito dahil dalawa lang kami ni Ferris ang nasa floor na 'to. I took another hit of my inhaler as I calm myself. Saka ako nakarinig ng mahihinang katok sa pinto.

"Diamond..." Ferris said while he kept his knocks slow and soft. But I wasn't able to answer, I tried making my breathing go placid but I was failing miserably. Saka biglang lumakas ang bawat kalabog sa pinto kasabay ng mataas na boses ni Ferris habang tinatawag ang pangalan ko. Ilang beses kong sinubukan magsalita pero mas lalo lang humihirap ang pagsagap ng hangin ng baga ko. Napasandal na ako sa dingding habang naghihintay sa pagdating ni Bryce.

Sandaling tumahimik ang mga mabigat na katok sa pinto bago nasundan ng tunog ng sumususi. Saka bumulaga sa akin si Ferris na mukhang nagaalala na. His eyes went in wide shock when he saw me sitting by the floor, breathing for my life. Nakita ko ang kagustuhan niyang tumulong pero bago niya pa ako nalapitan, naitulak na siga ni Bryce na mukhang tumakbo paakayat ng hagdan. "Kaya mo bang kumapit baby?" He asked when he carried me bridal style. I nodded my head, my heart beating rapidly and my lungs failing me.

Nakita ko ang sama ng titig niya kay Ferris na sinundan kami papunta sa elevator. "I-I'll drive." Ferris murmured in a low tone. I heard nothing from Bryce but I heard car keys chimming as we made our way to the parking lot.

Hindi ko na alam kung kaninong sasakyan ang ginamit, basta naalala ko na lang nasa ospital na ako at nilagyan ako agad ng oxygen. Narinig ko na lang na kinakausap na si Bryce ng doctor at tinatanong ang tungkol sa kalagayan ko. "Acute Respiratory Failure." I heard him informing the doctor. Si Ferris naman nakaupo lang sa tabi ko at tinitigan ako. Gusto ko lang malaman kung anong tumatakbo sa isipan niya. I closed my eyes for a moment and in a few minutes I felt something holding my hand.

"I'm sorry... nadagdagan nanaman ang kasalanan ko sa'yo." He murmured, stroking my hand with his thumb. Hindi ko na naibuka ulit ang mata ko. Gusto kong sabihin na hindi niya naman kasalanan kung bakit mahina ang baga ko. Hindi niya kasalanan kungbakit may sakit ako.

Maya maya narinig ko na ang boses ni Bryce na mukhang katatapos makipagusap sa doctor. "Ano bang ginawa mo?!" Tahimik pero galit na aniya. Binawi niya rin ang pagkakahawak ni Ferris sa kamay ko. Mas lalo akong umarteng nagtutulog-tulugan dahil hindi ko alam kung paanong magre-react sa kanilang dalawa.

"Wala akong ginawa.." Ferris replied calmly. I know he's thinking it's his fault kaya siguro hindi siya nagtatataas ng boses.

"Hindi siya aatakehin ng sakit niya kung wala kang ginawa."

"Ano bang sakit niya?"

Then I heard Bryce sigh before holding my hand. "Hindi ako ang tamang tao sa katanungan mo. Ayaw niyang pinasasasabi ang sakit niya, she hates it when people pity her. Kaya kung gusto mong malaman, siya mismo ang tanungin mo." Narinig ko na lang ang paghatak sa upuan saka ang dampi ng labi ni Bryce sa noo ko. Saka siya muling tinawag ng doctor. 

Nagulat na lang ako at may bigla nanamang humawak sa kamay ko kasunod ang alangan na haplos sa buhok ko, "I was about to tell you I like you, then this happened. How can I ever find the perfect timing now?" Ferris muttered. Napasalamat ako sa Diyos na umarte akong tulog kundi hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya,

Stonehearts 4: DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon