Thirty Nine

42.3K 834 41
                                    


Days passed at ni anino ni Ferris wala akong nakita. Gabi-gabi pa rin akong umaasa na magpaparamdam siya, gabi-gabing nagbabaka sakaling babawiin niya ang mga salitang binitiwan niya ng araw na 'yon.

"Baby, papasok muna ako sa trabaho. Magpupunta naman si Ate Q dito." Paalam ni Bryce sa akin. Wala kasi akong magiging kasama dahil pinilit ko si mama na magbukas ng carinderia ngayon at si papa na pumasok sa trabaho. Isang linggo na rin silang walang kinikita gawa ng pagbabantay nila sa akin.

"Sabi ko naman sa iyo hindi mo ako responsibilidad. Sige na pumasok ka na. I'll be okay." I muttered giving him a weak smile.

He returned my grin before he leaned forward and kissed me on the forehead. "Tama na ang pag-iisip at magpahinga ka na muna."

"Wala nga akong ibang ginawa kundi magpahinga." I kid. He let out a short chuckle before he clipped the loose strands of my hair on my ear.

"Basta, magpakabait ka at sundin mo ang sinabi ko sa'yo. May ibibigay ako sa iyong surprise pagkabalik ko." I looked at him suspiciously, my mind blank as to what that surprise may be.

"May ipapakilala ka na sa aking girlfriend mo?" Biro ko sa kanya na siyang naging sanhi ng muling pagtawa niya.

"Sikreto baby. Sige na, lalakad na ako. Magpahinga ka okay?" Muling bilin niya bago lumabas ng kwarto ko.

Nabalot ako ng katahimikan pagkaalis ni Bryce. I stared stolidly on the window in front of me, recalling the great things I have done with my life. Napagod na akong kontrolin ang nagiging daloy ng buhay ko. If this is what God wanted for me, then I have no right to question him. Hiram lang naman sa kanya ang buhay ko, kaya wala ako sa posiyong magreklamo sa ano mang pagsubok ang ibinato niya sa akin.

Nakatulog at nakapagpahinga pa muna ako bago dumating si Ate Q kasama si Ate Amy at Kuya Cube. They, together with Ate Gie, visit me regularly. Nalilibang nga ako kapag bumibista sila, nawawala kahit papano ang pagkasabik ko kay Ferris. But as soon as they leave, the depressing thoughts crowd on me again. Minsan nga naiisip ko kung anong mangyayari kung nasabi ko sa kanya ng mas maaga ang kalagayan ko. Kung pipiliin niya pa rin bang alisin ako sa buhay o pipiliing manatili sa tabi ko.

"Ate sabi nila babalik ka na raw ng Italy?" I queried as soon as she reaced my bedside. She looked at me with an unreadable expression before she nodded her head.

"Oo, kailangan ko nang umuwi. Pero babalik naman ako rito kapag natapos na ang hacienda."

I frowned at her but wasn't able to hold it because my facial muscles gave in. "Paano si Kuya Brinx?" I croaked.

She first threw a wary glance on Ate Amy and Kuya Cube. They both smiled and left the room. As soon as we're alone, she answered my question.

"Magpagaling ka muna saka ako magkukwento sa iyo." She whispered before she held my hand.

"Susubukan pero hindi kayang ipangako." I even laughed but it was cut short when the lump in my throat choked me. Napaabot tuloy si Ate Q ng tubig saka niya ako inalalayan para makaupo at makainom.

There's that defeaning silence again, my mind rambling all my goals and dreams. Hanggang sa naalala ko kung paano ko nakilala si Ate Q. I remembered that I used to call her Ate Rina, but when she became an Italian citizen, she preferred the name Q.

"Ate natatandaan mo pa ba noon? Lagi kaming pumupuslit ng pagkain ni Ate Garnet sa carinderia para lang may maibigay kami sa iyo." I said, remembering all our funny memories together.

Stonehearts 4: DiamondWhere stories live. Discover now