Four

47.6K 947 15
                                    

May mga nakasulat na sa papel na gagawin ko. Mukhang pinaghandaan na dati ni Miss Suzanna ang trabaho ko. "Please sort the files by date on the green cabinet." 'Yun ang unang nakasulat doon.

Tumango ako na para bang kinakausap ako nung papel na hawak ko. I stood up and went in front of the big green cabinet. Binuksan ko 'yun at tumambad sa akin ang magulong pinagpatong-patong na mga papel.

"Pwede ng i-per kilo ito." Bulong ko sa sarili ko. Napameywang ako habang nagiisip kung paano ko uumpisahan ang mga papel na 'yun. Mukhang aabutin ako ng siyam-siyam bago ko matapos.

"SECRETARY!" Ferris yelled from the other side. Napahinga ako ng malalim bago ako pumasok sa opisina niya. Mukhang masusubok ang haba ng pasensya ko sa kanya.

"Scan this and e-mail it to my dad." Utos niya sabay patong ng makapal na folder sa braso ko. "Wash my mug and return it here. Get me a bouquet of roses and reserve me a table for two for lunch at Niu today. Call Teresa and tell her I need a brand new suit for next week. Tell Koby that he needs to pick up Bona at work today, lunch time. That will be all, now get lost."

Lahat yun inutos niya ng hindi ako tinititigan. I was still remembering everything that he said when he stopped writing and looked at me. "Are you deaf? I said I don't want you here anymore! Get out!" Mariin niyang sinabi kaya napakaripas ako palabas.

Napabuntong hininga ako bago ko binagsak ang sarili ko sa upuan ko. Sino raw? Bona? Teresa? Koby? Sino ba ang mga 'yun? Akala niya ba galing ako sa NSO at alam ko lahat ng pinagsasasabi niya?

Napakamot ako sa ulo ko. Kalma lang muna Aya. "Kaya ko 'to." Napalingon ako sa mga inabot niya sa akin, unahin mo munang hugasan 'yung baso niya.

Kung lagyan ko kaya ito ng lason ng matauhan ang damuho. Napairap na lang ako habang nagbabanlaw. Inilapag ko muna sa mesa ko 'yung mug niya saka ko inumpisahan ang i-scan ang napakakapal na papeles na inabot niya.

312 pages. Aabutin ata ng next year kaka-scan. Page 15 pa lang ako sa pinapagawa niya ng sumigaw nanaman siya. "SECRETARY!" I scurried back to his office.

"Po?" Pilit na magalang kong sagot. Pinipigilan na irapan siya. May pangalan ako Boy Sungit! At maganda ang pangalan ko, ikakamatay mo ba na tawagin ako ng Aya o Diamond man lang?

Tinaasan niya ako ng kilay. "Where's my mug?!"

"Ah wait lang kukunin ko la-"

"Kailangan ko na ang mga papeles na pinapa-email ko kay dad. Nasaan na!?" Putol niya sa sasabihin ko.

"Hindi ko pa tapos gaw-"

"Ano? Pinaglihi ka sa pagong at ganyan ka kakupad gumalaw?! I need it now!" He yelled. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napatakbo ako palabas ng opisina niya.

Dalawa lang ang kamay ko, paano ko naman pagsasabay-sabayin ang mga gusto niyang ipagawa? Wala pang isang oras simula ng bumaba si Suzanna kailangan ko na siyang tawagan.

"Miss Suzanna, Aya po ito." Sambit ko ng sinagot na niya iyon. "Gusto ko lang po magtanong. Sino po si Teresa, Koby at Bona? At anong kulay ng rosas ang madalas na ipabili ni Sir Ferris? Tapos po may pinapa-scan po kasi siya sa akin na hinihingi na niya ulit kaso page 15 pa lang po ako out of 300+. Miss Suzanna, patulong po."

"Teka, mag-relax ka lang muna. Sige, anong nakasulat sa folder na ibinigay niya sa iyo?"

"Annual Financial Reports (2014-2015). Pinapa-send niya po kasi kay Sir Mateo."

"Sige ibalik mo na sa kanya 'yan. Hihingi na lang ako ng soft copy niyan sa finance team at ako na ang magsesend sa daddy niya." Tumango ako at binalikan ang mga papel na nagkalat sa taas ng photocopier sa loob ng opisina ko. Buti na lang wireless ang telepono. "Si Teresa ang tailor ng suits ni Sir Ferris, si Koby naman ang driver niya, mahahanap mo ang number nila sa ilalim ng telephone mo. Si Bona..umm, k-kaibigan siya ni Sir Ferris. For the roses, pick the red ones. Pinapareserve ka rin ba niya sa Niu?"

Napatango ako, nagaayos ng mga papel habang nakaipit ang telephone head sa pagitan ng tenga at balikat ko. "Opo Miss Suzanna."

"Sabihin mo para kay Earl Ferris Pedrialva 'yung reservation. Alam na nila doon 'yun. Ano pa?"

"W-wala na po. Thank you po Miss Suzanna, pasensya na sa abala."S Sagot ko habang sinisilid pabalik sa loob ng folder. I heard her laugh before cutting the line.

I gathered his mug and the papers before I went back inside his office. Nakatayo na siya at nakatutok sa cellphone na hawak niya. "Sir ito na 'yung mga hinihingi mo." I whispered.

Pero hindi niya ako pinansin, kinuha niya yung coat niya na nakasampay sa likuran ng upuan niya bago siya tuluyang lumabas ng opisina niya. He even bumped my shoulder when he's on his way out. Hindi ko nga alam kung sadya ba 'yun o hindi.

Napahimas ako sa balikat ko, "Aya, hayaan mo na. Baka kamag-anak lang siya ni Satanas kaya ganyan ang ugali niya." Bulong ko sa sarili ko bago ako bumalik sa loob ng opisina ko.

Nagawa ko naman lahat ng inutos niya. He never returned which was a little cheering dahil at least hindi mukha niya ang masisilayan ko buong araw.

Tumawag naman sa akin si Bryce ng lunch time, na okay rin dahil wala naman akong kasamang kakain. "Hi baby, kamusta? Hindi naman mabigat ang trabaho mo?"

I shook my head even if I know he can't see me. "Oo, pero 'yung boss ko hinubog ata ang ugali kay Satanas. Nakakabwisit siya pero kailangan kong pakisamahan dahil ginusto ko naman ito."

I heard him sigh. "Aya, if the job's too much for you I suggest-"

"Not with that lecture Bryce. I want this job and I'm keeping it." Matigas na tugon ko. Narinig ko nanaman ang buntong hininga niya. "Okay, but please don't forget your body's limitations. Kapag masyado ng mabigat ang trabaho mo, iwan mo na."

"Yes po." I replied, rolling my eyes. I heard him chuckling from the other line. "I know you're rolling your eyes Minerva Diamond and don't you deny it."

"Judger ka." Patawa kong sagot. We both ended up laughing until I heard soft knocks on my door. "Sige na babye na. May kumakatok sa opisina ko. Byeeeee, kain ka ng lunch Bryce pangit mwua!"

"Office girl na ang baby ko. Yes po, kakain na po. 'Wag mong kalimutan 'yung mga meds mo okay? Bye, susunduin kita mamaya."

Yes, office girl na talaga ako. At ang isangoffice girl ay hindi sumusuko. I concentrated my willingness to work just so Ican build my confidence and drive to work for this despicable man. Tutuwirin koang baluktot mong ugali Ferris Wheel, mahintay ka lang.

Stonehearts 4: DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon