Thirty Two

34.3K 667 10
                                    


We arrived in front of the carinderia minutes later. We both sat in silence as I watched Mama from afar. May malaking ngiti sa mukha niya habang nag-aasikaso ng mga customers. It will be heartbreaking to see that smile fading once I drop the news.

I felt my life slowly ticking away, parang isang time bomb na unti-unting nauubusan ng oras. Naramdaman ko nanamang may tumulong luha mula sa mata ko na mabilis kong napunasan.

Inakap ako ni Bryce saka humalik sa tuktok ng ulo ko. "Ssshh, 'wag ka nang umiyak. We have to act as normal as possible para hindi mag-alala sila Tita Judy."

I nodded my head, sniffing back the tears and composing myself. Tinanguan ko muli si Bryce saka siya bumaba at inalalayan ako sa paglabas ng kotse niya.

Mabilis namang iginawi ni Mama ang tingin niya sa amin, "Oh ang aga nang uwi mo ngayon anak ha- Teka, bakit maga ang mga mata mo?"

Napalunok ako, hindi malaman kung anong dapat isagot. Naramdaman ko na lang ang pag-akbay sa akin ni Bryce saka siya tumawa.

"Nanood kasi kami ng Beauty and the Beast Tita, naiyak siya sa sobrang ganda nang movie." Bryce immediately supplied.

I let out the breath I was holding when Mama smiled and nodded. "Ahh, akala ko kung ano na. Sige pumanik na kayo sa bahay dahil mainit dito, baka mag-nose bleed nanaman si Aya." Utos ni Mama na agad naman naming sinunod.

Napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Bryce na nasa balikat ko. Nilingon niya ako saka bumulong, "This can't go on forever Aya. Promise me na kapag lumabas na ang resulta, sasabihin mo na kila Tita Judy at Tito Dante."

Napatango na lang ako. He was right. They are my parents, kung may taong may karapatang malaman ang pinapasan ko, sila 'yon na magulang ko.

Hinatid ako ni Bryce hanggang sa tapat ng kwarto ko. His expression remained the same. May lungkot pa rin sa mga mata niya. He brushed my hair usinghis fingers before clipping the loose strands on my ear.

"This will not define the length of your life Diamond. Gagaling ka. I'm no doctor to say this but we will do everything we can. So please stop stressing yourself out, magpahinga ka na."

Tinangua ko na lang ang sinabi niya. My negative thinking won't help me cope up with the pressuring torment my disease was causing. I tread slowly inside my room before throwing myself on the mattress. Keeping my tears at bay because I don't want my parents barging in and soliciting reasons as to why I am crying.

The silence drove my thoughts back to what the doctor said. Wala naman siyang sinabing to consider Leukemia ang sakit ko. He was positively sure that I have Leukemia, hindi niya lang sigurado kung aling uri.

Napaabot ako sa cellphone ko para mag-search ng patungkol doon. I was in the middle of reading an article when it suddenly vibrated before flashing Ferris' name.

I gawked at it for awhile, not sure kung kaya ko ba siyang kausapin nang hindi naiiyak. Pero alam ko kapag hindi ko sinagot, mag-aalala lang siya. So I gathered my confidence and strength before I slide to answer his call.

"Sunshine, I miss you." Bungad niya sa akin.

Despite my better judgement, a sob still excaped my throat. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang mga tunog na pwede ko pang gawin.

"Are you crying?"

I bit my quivering lips, "H-ha? Hindi. Sininok lang ako." Katwiran ko.

I heard him let out a chuckle. "Ahh, inom ka ng tubig para mawala." He advised before he took in large breaths. "So how are you? Nagpahinga ka ba? Wala akong trabahong iniwan sa'yo sa office kasi gusto kong magpahinga ka lang."

I shook my head, as I silently bawled upon hearing his voice. "Ah-eh oo naman. Bumisita rin ako kila Ate Gie kanina."

"Sunshine, are you sure you're okay? Iba ang tono ng boses mo." He otherwise replied. Mas nagiging mahirap tuloy ang pagtatago ko sa kanya ng mga nalaman ko ngayong araw na 'to.

"O-oo naman. Na-mi-miss lang kita. Pag-uwi mo marami akong ikukwento sa'yo." I answered as cheerful as I can.

"I miss you more. Though pwede mo namang ngayong ikwento ang sinasabi mo."

Napailing ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. I muffled my sobs with my palm, fixing my eyes at the creamy wall. I tried thinking happy thoughts para hindi na tumuloy ang mga luha kong pabagsak pa lang. Pero kahit anong gawin ko, naiiyak at naiiyak pa rin ako.

"Sunshine? Still there?"

"O-oo naman. Ano na nga pala ang sinasabi mo?"

Natawa siya sa kabilang linya. I can imagine him shaking his head with his gorgeous grin intact. "Don't tell me nagka-Alzheimer's ka na umalis lang ako." He kid. "Pero ayos lang, araw-araw ko na lang ipaalala sayo kung sino ako kapag nagkataon." Pabirong dugtong niya.

"G-gugustuhin mo pa rin ba ako kahit may sakit ako?" I asked. My words coated with double meaning he know nothing about.

"Of course! I already vowed my whole life to you sunshine. I thought we have already established that part of our relationship?"

"Kahit malubha na ang sakit ko hindi ka magsasawa?" I asked again, ignoring his last statement.

I heard him huffing out a frustrated breath. "Diamond where are you going with this conversation? May nangyari ba na kailangan kong malaman?"

I nipped my thumb as anxiety and aggravation consumed me. "W-wala naman. Natanong ko lang, ang sungit mo naman agad." I uttered with fake laughter.

Napabuntong-hininga nanaman siya saka sumagot. Siguro kung nasa harap ko lang siya ngayon matagal na akong bumigay at umiyak sa balikat niya. "Minerva Diamond, if there's something important you want to say then now is the best time for it. Ayoko namang gulatin mo ako."

"Wala talaga Ferris. I-I promise. Makakapaghintay naman itong gusto kong sabihin sa iyo. Kapag nakauwi ka na, saka natin pag-usapan."

"Kinakabahan ako sa mga sinasabi mo. Kung gusto mo akong umuwi na ngayon para mapag-usapan natin 'yan, gagawin ko."

"H-hindi. W-wag na Ferris. Ano ka ba? Kayang maghintay nito." I again said, pressing this time.

Sa ngayon hindi pa ako ready na sabihin sa kanya. Siguro saka na, kapag lumabas na ang referred blood exam ko. Saka na kapag nakaipon na ako ng lakas ng loob sabihin ang totoo.

Stonehearts 4: DiamondΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα