Fourteen

42.9K 978 57
                                    

Nagtext ako kay Miss Suzanna na hindi ako papasok dahil masama ang pakiramdam ko, pero ang totoo niyan hindi ko gustong harapin si Ferris ngayon. Matitiis ko lahat ng pagbulyaw niya at ang mga imposibleng Gawain na pinapagawa niya pero 'yung hiyain niya ako ng ganoon, hindi ko mapapalampas. Wala naman akong nagawa sa kanya para gawin niya iyon sa akin.

Nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto ko kinaumagahan, "Aya anak. Nandito si Bryce, gusto mo bang papasukin ko rito sa kwarto mo?" Tanong ni mama habang nakasilip sa pinto ng kwarto ko.

"Sige po ma." Maikling sagot ko habang nakadapa at patuloy sa pag-scroll ng Facebook ko. Ilang segundo lang ang nakaraan nasa loob na ng kwarto ko ang bestfriend ko.

"Aya baby.." Tawag niya sabay upo sa gilid ng kama ko at humagod sa buhok ko. "Tinulog mo raw ang sama ng loob mo kagabi, 'diba sabi ko naman sa'yo kapag may nangyari na hindi mo masabi kila tita tawagan o textsan mo ako. Ako mismo ang pupunta sa'yo."

May lumandas nanaman na luha mula sa mga mata ko. Nainis ako dahil hindi ko mapigilang iyakan si Ferris. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Bryce kaya napaupo ako at sumandal sa heandboard ng kama ko.

"First time kong ma-invite sa party kagabi." Tugon ko nang hindi tumitingin sa kanya. I kept my stare glued on my beige colored wall. I saw him nod in my peripheral vision. "Sobrang excited ako Bryce, kasi ako lang ang pupunta, wala akong bantay, hindi ako uuwi ng maaga."

Saka ko pinunasan ang luha ko bago ko tinukod ang ulo ko sa mga tuhod ako. "Sabi sa'kin costume party raw, kailangan ko pang manghiram ng gagamitin dahil ayoko naman masira ang party na pupuntahan ko. Pero bago pa ako umalis, sinabihan na ako ni mama. Dapat nakinig ako, pero matigas kasi ang ulo ko." I said with a bitter laugh. Wiping my tears away, sniffing my tears away.

"I arrived at the venue, happy and excited as I can be, pero hindi pala siya costume party; pool party. Akala ko lalamunin ako ng kahihiyan Bryce, sana nilamon na lang ako ng kahihiyan." Saka ako humagulgol.

Umiling siya sa'kin bago ako inakap ng mahigpit. Hinalikan niya ako ng ilang beses sa ulo habang pinapakinggan akong humikbi. "Ssshh, tahan na Aya."

"Hindi ko alam kung akong nagawa ko sa kanya para gawin niya sa akin 'yun. Sobrang sama ko ba Bryce?" Tanong ko sa kanya. Iniling lang niya ang sagot habang patuloy sa pagtahan sa akin.

Bumaba na kami pagkatapos ng isang oras na pagkukwentuhan sa taas. Natuwa nga si mama, "Kain na muna kayong dalawa." Aya niya sa amin sabay tungo sa kusina. Agad naman namin siyang sinundan at nakita ang nakahandang hapag. "Salamat naman at nandiyan ka Bryce, kundi hindi ko alam kung paano pipiliting pababain si Aya." Sambit ni mama habang pinaglalagay ako ng pagkain.

Alam naman nila 'yun. Whenever I sulk inside my bedroom, Bryce is the only person who can make me do things I don't like. Eating and going out of my room for example.

"Tita naman, alam mo namang kahit na ano gagawin ko para kay Diamond." He said with a genuine smile. Nginitian ko rin siya dahil wala na akong ibang masabi. He's really heaven sent to me. Kaso nawala ang ngiting 'yun at napalitan ng pagkunot ng noo bago niya inabot ang kamay ko.

"Aya may mga pasa ka sa braso ah. Saan mo nakuha 'to?" Mapagalalang tanong niya, pati tuloy si mama nadamay sa kanya. Nagkibit balikat lang ako. "Malapit na ata akong datnan, ganoon talaga Bryce." Maikling sagot ko na sanhi ng pagkalma nilang dalawa.

Actually, these past few days napapansin ko rin ang mga pasa ko. Mayroon ako sa hita, minsan sa tuhod, minsan sa braso, mayroon din sa dibdib at parteng tiyan. Ayoko naman sabihin kila mama at papa dahil baka sisihin nila ang trabaho ko at sabihing pang-bahay lang talaga ang isang tulad ko.

Inaya ako ni Bryce magpunta ng Star City para malibang, maga na raw kasi ang mata ko sa kakaiyak at baka kapag nanatili lang daw kami sa bahay mas lalo ko lang maalala ang nangyari kagabi.

He bought me cotton candy while we stride inside the amusement park. Hindi ko alam kung bakit siya bumili ng ride-all-you-can gayong wala naman kaming balak sumakay ng kahit na akong rides. 'Yung mga laro lang naman na may premyo ang gustong-gusto namin dito.

"Bryce wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko habang pinapanood siyang mambaril ng mga rubber duckies. He's trying to win me the Winnie the Pooh stuff toy.

Tumigil siya at napalingon sa akin saglit bago ngumiti at bumaril ulit. "Mas mahalaga ka kaysa sa trabaho baby." Sagot niya. Napatango lang ako. What will I do without him?

I cleared my throat and nudged him by the waist. "Bryce bakit hindi ka pa nag-gi-girlfriend?" Bigla kong tanong kaya na-miss siya sa isang pato. I heard him sigh before he turned to face me.

"Bakit ka naman biglang nagtatanong ng ganyan Aya. Ayan tuloy, hindi ko natamaan 'yung pato." Sisi niya sa akin. Umiling ako bago ko siya hinatak para makaupo kami sa malapit na bench.

"Eh kasi ayokong sisihin mo ako kapag nagkataon. Baka namang masyado ka nang busy kakaalaga sa'kin kaya hindi ka nag-gi-girlfriend. Hindi mo naman ako responsibilidad. Okay lang naman sa'kin."

Bigla siyang ngumiti at tumingin sa kung saan. Tinukod niya ang siko niya sa mga tuhod niya bago sumagot, "Sigurado kang okay lang sa'yo?"

"Oo naman!" Agad kong sagot.

Then he snickered. "May hinihintay kasi ako Aya kaya wala pa akong girlfriend."

"Hinihintay?" I quizzically asked. Saka siya umayos ng upo at lumingon sa akin.

"Oo. Hinihintay ko siyang maging ready. Matagal ko ng siyang gusto, pero hahayaan ko muna siyang mag-enjoy habang na-di-discover niya ang mga bagay-bagay sa mundo na hindi niya alam noon."

Bigla akong natawa, "Si Dora ba 'yang gusto mong ligawan?" Biro ko sabay suntok sa kanya ng pabiro. He laughed too before he put his arms on my shoulder and hugged me to him.

Nakailang laro pa si Bryce pero hindi siya nanalo ng kahit na ano. Siguro kung hindi ko lang sinabi sa kanya na pagod na ako, malamang nasa amusement park pa rin kami.

Masaya kaming nagkwekwentuhan habang naglalakad kami papasok ng bahay, pero bigla akong napahinto ng nakita ko ang bisita namin. Tumayo siya at inayos ang polo na suot niya. Ngayon ko lang siya nakita ng hindi naka-suit & tie.

"Bumisita ako kasi sabi ni Suzanna may sakit ka." Tugon niya pero ang tingin niya lagpas sa'kin at diretso kay Bryce na nasa likuran ko.

"Masama naman talaga ang nararamdaman niya kaninang umaga. Masama ang loob niya." Banggit ni Bryce na agad namang sinuway ni mama.

"Bryce hijo sa kusina muna tayo." Tawag niya kaya walang nagawa ang bestfriend ko kundi sumunod.

I sighed before I sat across Ferris who reclaimed his seat. "The flowers are for you." He muttered, pointing at the daisies on top of our coffee table.

"Bakit ka nandito? Kung gusto mo lang masiguro kung papasok pa ako, oo papasok ako bukas. Kailangan ko lang magpahinga."

He fixed his glasses before he talked in a rushy, uncomfortable manner. "I just want to say sorry. Hindi ko naman alam na seseryosohin mo ang sinabi ko. I never knew you're the party type of girl, I thought you would decline and-"

"You really have no idea everytime you hurt someone, don't you?" I said, stopping him mid-air. He shut his mouth and looked straightly at me. "It's not just the shame you put me through, but it's about going to my first ever party and you destroying it."

"I-I didn't mean for it to be this w-way. It was just a prank-"

"Ngayon alam mo ng hindi maganda." Sambit ko sabay tayo. "Kunin mo na 'yang mga bulaklak, hindi ko kailangan. At 'wag kang magalala papasok pa rin naman ako bukas. Mawalang galang na lang Sir Ferris, magpapahinga na ako." Then I left, not waiting for his reply.

Stonehearts 4: DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon