Kabanata 10

58.4K 706 35
                                    

Chapter 10

Alam ni Clarisse na nakita na niya ang mga matang iyon noon pa man ngunit hindi lamang niya maalala kung kanino at kung saan niya ito nakita. Matapos ng ilang minuto nilang pagtitigan ay kabod na lamang umalis si Gm sa clinic animo ito takot na takot. Hindi niya maintindihan at at naguguluhan ko siya kung bakit ganoon na lamang ang ikinilos ng binata.

Napagpasyahan na lamang niya na pumasok muli sa loob ng clinic at naupo sa kanyang table. Inilabas niya mula sa drawer ang kaisa-isang ala-ala ng kanyang pinakamamahal na lalaki. Malungkot na ngumiti si Clarisse habang pinagmamasdan ang larawan nito. Niyakap niya ng mahigpit ang larawan na akala mo ito mismo ang kayakap niya. Nagsimula na namang pumatak ang kanyang mga luha. Kailanman ay hindi matutumbasan ng panahon ang sakit na nadarama niya.

"Sana mayakap kita ulit. Kahit isang beses lang" bulong niya sa kanyang sarili habang pinipigilan ang pag-alpas ng kanyang mga hikbi. Isang gabi ay masaya silangh dalawa ngunit bakit isang araw nagising na lamang siya na wala na ito. Habang buhay. 

 Dalawang na ang nakaraan at gusto mang itanggi ni Clarisse ay namimiss niya ang presence ng kanyang makulit na boss, hindi na kasi ito madalas dumaan sa clinic upang makitulog lamang. Naisip niya na maaaring busy na ito sa trabaho. Marunong din naman palang magseryoso ang taong iyon lalo na't mukha naman itong matalino. Namamanghang sabi ni Clarisse sa kanyang isipan. Balik na naman siya sa kanyang routine bilang isang company nurse.

"Hep! San ka pupunta Claire?" matagal na niyang hindi naririnig ang nickname na iyon at ang huling taong nagsabi niyon ay ang huling lalaki din na nagpatibok ng kanyang puso. Humarap siya kay Beth at humalukipkip.

"Ikaw lang pwede maglibot? Dito ka muna ha. Nababato na talaga ko eh. Kailangan ko ng sariwang hangin." pataray niyang sabi kay Beth.

"Sige. Kailangan mo din sigurong maghanap ng gwapo sa labas para marelax ka kasi ang weird mo eh." natawa na lamang siya sa sinabi ni Beth. Gusto lang naman niya ang maglakad-lakad sa mismong airport dahil totoo naman talaga na nababato na siya sa loob ng clinic. Tatlong taon na siyang naninirahan sa Maynila ngunit tanging clinic-airport pa lamang ang napupuntahan niya.

Maingay sa pinaka sentro ng airport. Tama nga ang kanyang kaibigan na maraming gwapong steward na palakad-lakad sa airport, hindi naman kasi siya mahilig maglalabas ng kanyang lungga. Mga naglalakad at nagchichismisan lang naman ang mga stewadess na kanyang nakakasalubong. Nasaksihan din niya ang mga pamilyang nalulungkot dahil mawawalay na sa mga ito ang isang miyembro ng kanilang pamilya. Huminga na lamang si Clarisse ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad lakad. Masarap din pala sa pakiramdam ang pag-obserba sa paligid. Iyon ang naiisip ni Clarisse ng mga oras na iyon.

Habang naglalakad lakad ako ay nagulat na lang ako ng may mga bumunggo saking security guards na mga tumatakbo. Ano kayang nangyayari? Bakit sila tumatakbo?

Napalingon ako sa paligid ko at nagsimula na ding magkumpulan yung mga tao sa iang direksyon.

Habang naglalakad lakad ay nabunggo siya ng mga security guards na mga humahangos sa pagtatakbo. Dahil sa kuryosidad kung ano ang nangyayari ay pumunta siya kung saan nagsimula ng magkumpulan ang mga tao sa isiang direksyon.

"May hostage taking daw dun sa departure area!!" sigaw ng isang pasahero.

"Tara puntahan natin! Yung may ari daw ng airport makikipag-negotiate." sabi ng isa pa.

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon