Chapter Five: Stay

84.5K 1.7K 134
                                    

Chapter Five: Stay

Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili. 

Magmula sa hugis ng mukha, tangos ng ilong at korte ng mga labi ay magkapareho kaming dalawa. Maliban nga lang sa pares ng mga mata. Kulay tsokalate ang sa kanya. Habang ang sa akin naman ay itim na itim.

Gayunpaman ay hindi makakaila na kamukhang-kamukha ko ang babae sa larawan. At hindi ko maintindihan kung paano nangyari iyon gayon hindi naman kami magkadugo. Sigurado ako sa pinanggalingan kong pamilya. At wala akong kakambal.

Naisip kong kausapin ang lalaki at sabihin sa kanya na hindi ako ang babaeng inaakala niya, na hindi ako si Kristen. Ngunit paano ko naman gagawin iyon kung sa una pa lang ay hindi na siya nakinig sa akin. Sarado ang utak niya sa mga paliwanag ko. At kahit pa siguro komprontahin ko siya ngayon ay hindi pa rin niya ako paniniwalaan. 

Makakalis lamang ako sa lugar na iyon kung mapapaniwala ko siya na magkaibang tao kaming dalawa ni Kirsten. Iyon na lamang ang natitira kong pag-asa. Kailangan kong makaisip nang paraan kung paano ko makukumbinsi ang lalaki. 

"A penny for your thought?" Sabi ng baritonong tinig mula sa likuran ko.

I almost jumped in surprise. Hindi ko inaasahan ang pagsulpot ng lalaki. At sa pag-atras ko ay natabig ko ang maliit na mesa at nawalan ako ng balanse. Napapikit na lang ako at hinintay ang pagbagsak ko sa sahig. Pero hindi nangyari ang inaasahan ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay ang nakangiti niyang mukha ang bumungad sa akin.

"Akala ko nakatulog ka na. Hahalikan na sana kita," he spoke huskily habang nakatitig sa mga labi ko.

Doon ko lang namalayan ang mga bisig niya ay nakapulot sa katawan ko upang alalayan ako. Hindi ko alam kung paano niya ako nasalo. Saka ko lang na-realize ang napaka-awkward na posisyon naming dalawa.

Napigil ko ang hininga nang dahan-dahang bumaba ang mukha ng binata sa akin. Nagsipagtayuan ang balahibo ko. Damn, he was going to kiss me! But to my suprise, nag-landing ang nguso niya sa noo ko. It was a quick kiss. 

"Why are you blushing?" Panunukso ng binata.

Mabilis akong kumawala sa kanya. "What do you want?" Pagsusungit ko. Pilit na ikinukubli sa kanya ang pamumula ng mukha.

"Lunch is ready. Kumain na tayo." Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako palabas ng kuwarto.

Kakaiba ang sigla ng lalaki ng mga oras na iyon. Bagaman madalang siyang magsalita ay hindi naman nawawala ang ngiti niya sa mga labi.

Ano kaya ang nakakatuwa sa kinakain namin?

Pero may hinala ako na may kinalaman ang nangyari kanina sa pagitan naming dalawa.

"Stop it!"

"Stop what?"

You Belong To Me (Published under LIB)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora