Prologue

134K 2.1K 84
                                    

PROLOGUE



                "Sorry," narinig niyang sabi ng baritonong tinig ng isang lalaki.


                "Okay lang," sagot naman ng kanyang kaibigan. Agad siyang siniko nito. "Rhyme, ang guwapo ng mamang nakabunggo sa akin."


                "Saan?" Mabilis siyang nag-angat ng mukha mula sa pagkakasubsob sa kanyang cellphone.


                Nang sundan niya ng tingin ang tinuro ni Apple ay nakatalikod na ang lalaki. Hindi niya tuloy makita ang itsura nito. "Yeah right, ang guwapo ng likod niya," dismayado na binalikan ang pagte-text.


                "Oh my gosh!" Bulaslas ni Apple. "Hindi ba siya iyon lalaking sumusunod sayo?"


                Hindi siya lumingon sa pag-aakalang nagbibiro ang kaibigan.


                Muli siyang siniko nito. "Rhyme, seryoso ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga iyon," giit nito. "Sabi ko na nga ba at sinusundan ka talaga niya. Kahit saan tayo magpunta ay palagi natin siyang nakikita. Hindi kaya..." Sinadya pa nitong i-paused ang sasabihin at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa kanya.


                "Stalker ko siya?" She made a face. Kabisado na niya ang takbo ng imagination nito. 


                "At least stalker na guwapo."


                Stalker? At guwapo pa? Parang gusto niya tuloy matawa. Sa pelikula lang naman guwapo ang mga stalker. Kung mayroon man, kadalasan mga artista at sikat na personalidad ang nabibiktima. Kaya imposible ang sinasabi ni Apple. Manliligaw nga wala siya, stalker pa kaya.


                Kung ilang beses na nilang nakita ng kaibigan ang presensya ng lalaking sinasabi nito. Maaaring nagkataon lang na kung nasaan sila ay naroon din ito. At sa mga pagkakataon na iyon isang beses lang yata niyang nakitang nakatingin sa kanya ang lalaki at sulyap pa. But she had to admit that he's a good-looking guy. Hindi niya tuloy napigilan mapangiti.


                Wala sa loob na napatingin si Rhyme sa may unahan niya. Tama si Apple. Siya nga ang lalaking iyon!


                This time, nakatitig ito sa kanya ng matagal. At hindi niya maipaliwanag ang tingin na ipinukol nito sa kanya. Strange...kahit guwapo pa ito ay kinilabutan pa rin siya.


                "Rhyme!"


                "Huh?"


                "You're not listening," napalabi si Apple. "Ang sabi ko kung itutuloy ba natin ang lakad mamayang gabi?"


                Hindi siya makasagot sa kabiglaan. Nang muli siyang lumingon ay wala na roon ang lalaki. Luminga siya sa paligid. Pero hindi na niya ito nakita ulit.


                "What's happening to you? Bakit parang nakakita ka ng multo?"


                Pakiramdam ni Rhyme ay nagtaasan ang lahat ng mga balahibo sa kanyang katawan. Daig pa niya ang nakakita ng multo.

                "Huy!" Siniko siya ng kaibigan sa tagiliran.


                "A-apple, umalis na tayo rito."


                "Bakit?"


                "Mamaya ko na lang sasabihin!" Basta na lang niya hinila ang kaibigan palabas ng bookstore.

You Belong To Me (Published under LIB)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu