Chapter Nine: His Presence

79K 1.7K 148
                                    

Chapter Nine: His Presence

                "Rhyme!"

                Napapitlag ako nang bigla na lang pukpukin ni Apple ang mesa ko. Hindi ko inaasahan ang pagsulpot niya.

                "Saang lupalop na naman ba naglalakbay ang isip mo?" May disgusto sa mukha na tanong ng kaibigan.

                "M-masakit lang ang ulo ko", pagdadahilan ko at muling binalikan ang natigil na trabaho.

                Nagdududa na tinitigan niya ako. "May problema ka ba, Rhyme?"

                Umiling lang ako.

                "Imposibleng wala. Magmula nang bumalik ka, nagkakaganyan ka na. Kung hindi lumilipad ang isip mo, madalas naman wala ka sa sarili."

                "I'm fine, Pie," pilit akong ngumiti. "Na-stressed lang siguro ako sa dami ng naabutan kong trabaho." Which is partly true. Ngunit sa palagay ko ay hindi iyon nakatulong upang makalimutan ko ang isang tao na naging malapit sa puso ko.

                Apple squared her shoulder at padabog na umupo sa bakanteng silya sa harapan ko. "We've been friends for five years at kabisado na kita, Rhyme. Alam ko kapag may tinatago ka sa akin."

                "Wala akong sasabihin sayo dahil wala naman talaga."

                Ekseherado na inikot niya ang mga mata. "Fine! Hindi kita pipilitin kung ayaw mo talagang magsalita. But you still owe me. Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung ano talaga ang nangyari sa'yo sa isang linggo na nawala ka," bigla na lang siyang tumayo pagkatapos. "Kung wala lang akong niru-rush na report hindi talaga titigilan hanggang sa umamin ka."

                Nangingiti na sinundan ko ng tingin ang kaibigan. Ngunit nang tuluyan siyang nakalayo ay unti-unting nawala ang ngiti na iyon sa mga labi ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang mga nangyari. Nanatiling tikom ang bibig ko at inilihim kong lahat sa aking sarili. Silly, ngayon ko lang napag-isip-isip na baka walang maniwala sa akin. Kung sabagay sino naman ang maniniwala na kinidnap ako ng isang guwapong lalaki sa pag-aakala na ako ang kanyang nobya na matagal nang nawawala?

                Limang araw na ang nakakaraan magmula nang umalis ako sa poder ni Louie. Hindi ko alam kung paano ko nagawang magkunwari sa harapan ng pamilya ko na tila walang nangyari sa akin. Buong akala talaga nila ay nanggaling ako sa isang relief operation.  Inakala ko rin na magagawa kong maging okay pagkatapos ng mga nangyari. Subalit nagkamali ako. Hindi ko siya magawang iwaglit sa isip ko. His memories haunts me all the time, even in my dreams. And before I knew what hit me, I was indeed inlove with him. Hindi lang pala ako ang mismong nahuli niya kundi pati ang aking puso.

                Pinilit kong abalahin ang sarili sa pagtratrabaho. Kahit papaano ay nakatulong iyon upang pasamantala ko siyang makalimutan. Ngunit may mga oras na bigla ko na lang siyang sumisingit sa isipan ko. Katulad nang nangyari kanina. Nahuli na naman ako ni Apple na lumulutang ang diwa. Noong una akala niya ay nagde-daydream lang ako. Pero unti-unti niyang napapansin ang pagiging matamlay ko at walang gana sa pagkain. Which is not the usual me. Hindi siya sanay na makita akong nagkakaganito.

You Belong To Me (Published under LIB)Where stories live. Discover now