Chapter Two: Mistaken

94.3K 1.9K 95
                                    

Chapter Two: Mistaken

                Binalot ako ng pagtataka at pag-aalinlangan nang magkamalay ako sa isang di-makilalang silid. That feeling escalated to fear nang ma-realize ko ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. May kumidnap sa akin. Napabalikwas ako.  Ang unang pumasok sa isip ko ay makaalis sa lugar na iyon. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang makaramdam ng pagkahilo. Marahil ay epekto iyon ng kemikal na ipinaamoy sa akin. Hindi ko maidilat ang mga mata. Pakiramdam ko ay umiikot ang aking paningin.

                "Kirsten!" Boses iyon ng isang lalaki.

                At bago ako tuluyang bumagsak ay may mga bisig na maagap na sumalo sa akin.

                Nang muli akong magkamalay ay naroon pa rin ako sa di-makilalang silid. I thought I was only dreaming but I was wrong. Everything really happened. Kahit paulit-ulit kong ipikit at imulat ang mga mata ko, naroon pa rin ako sa lugar na iyon. Marahan akong bumangon. Hindi na ako nahihilo ngunit naroon pa rin ang banayad na pananakit ng aking ulo. Pababa na sana ako ng kama nang magsalita ang isang lalaki.

                "Stay in bed. You might faint again."

                Marahas akong lumingon. And I saw him sitting in the corner of the room. May kadiliman ang silid at hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Tanging ang lampshade sa bedside ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid.

                "S-sino ka?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan na umaatras hanggang sa sumayad ang likod sa headboard ng kama. "Bakit mo ako kinidnap? Anong kailangan mo sa akin?"

                Akala ko ay hindi na siya muling magsasalita. Ilang sandali ang lumipas bago siya sumagot. "It hurts me that you don't even recognize my voice," may bahid nang kalungkutan sa kanyang tinig.

                His voice? Pilit kong hinahagilap sa isip kung pamilyar sa akin ang boses niya. Pero unti-unti nang kinakain ng takot ang sistema ko at hindi ako makapag-isip ng maayos.

                "W-what do you want?"

                "I want you."

                "M-me?" Oh my god! Kidnapping nga itong kinasangkutan ko. "How much do you want? Tell me. Iibigay ko sayo...basta palayain mo lang ako," lakas-loob na sabi ko sa kanya kahit ang totoo ay hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera bilang pan-ransom.

                - "What makes you think that I need your money...when all I ever want is you. I want you back in my life."

                Naguguluhan ako sa kanyang sinasabi. May palagay ako na nasisiraan ng ulo ang lalaking ito.

                Napapitlag ako nang tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Bumaba ako ng kama at nagsumiksik sa isang sulok. "Huwag kang lalapit sa akin!" Sabi ko sa nagpa-panic na tono at mabilis na iginala ang mga mata sa paligid. Kailangan kong makahanap ng exit para makatakas.

You Belong To Me (Published under LIB)Where stories live. Discover now