Epilogue

96.7K 2.4K 320
                                    

EPILOGUE

I now pronounce you, husband and wife.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao sa loob ng simbahan. Everyone is happy to see the newly wed.

You may now kiss the bride.

Lalong lumakas ang hiyawan. They couldn't wait to see the much awaited kissing scene.

"I love you, Rhyme. I love you and I love you," bulong sa akin ni Louie na hindi pinapansin ang mga nakapaligid sa amin dalawa. His eyes filled with so much love.

Hindi ako sumagot. Although, I smiled thru misty eyes. 

"Bakit umiiyak ka?" Tanong niya sa amused na tono.

"I'm so happy for Apple," idinampi ko ang panyo sa gilid ng mga mata. Finally, nagkaroon ng katuparan ang matagal na pinapangarap ng kaibigan na magkaroon ng happily everafter na lovelife. Nagkabalikan sila ng dating nobyo. At pagkaraan ng dalawang buwan ay nagdesisyon ang mga ito na magpakasal. Inunahan pa ako.

"Envy?" He teased.

"Of course not!" Pagkakaila ko sabay iwas ng mga mata. Pero sa loob-loob ko, sino bang babae ang hindi gugustuhing makasal sa taong mahal niya?

Mahigit tatlong buwan pa lang ang relasyon namin ni Louie. It's too early to talk about wedding. Bukod doon, nahihiya rin akong banggitin iyon sa kanya. Ayoko siyang pangunahan. Baka isipin niya ay pini-pressure ko siya. At gusto ko ay magkaroon siya pagkukusa. 

"Stop reading what's on my mind?" Ismid ko. Titig na titig kasi siya sa akin.

Natatawa na hinapit niya ako at ikinulong sa mga bisig niya. "I don't have the ability of reading people's mind... I'm just an ordinary man who is truly, madly, deeply in love with a beautiful lady infront of me. She held my whole life and I don't even care." There's a light in his eyes that made me feel warm. 

He bends his head and tried to kiss me. But I stopped him and pulled away. "This is my bestfriend's wedding. Ayokong isipin niya na inaagawan natin siya ng atensyon," I said smiling. May mangilan-ngilan na bisita ang nakatingin sa aming dalawa. 

He rolled his eyes. "Fine, I let you win this time."

Palabas na ako ng kuwarto nang muling bumalik para tignan ang sarili sa salamin. Napangiti ako nang ma-satisfy sa nakita. Niyaya akong mag-dinner date ni Louie kaya ganito na lamang ang effort ko na mag-ayos. Gusto ko na maging maganda sa paningin niya kahit ilang beses na niyang sinasabi sa akin na ako ang pinakamagandang babae sa buhay niya.

"Hi," bati ko na sinamahan ng matamis ng ngiti. 

"You never know how lovely you looked," he said breathlessly, his eyes are on mine. "Sorry, hindi ko na nagawang makapagpalit," nahihiyang sabi niya at niyuko ang sarili in his usual slack ang longsleeve shirts. Pagkagaling niya sa ospital ay dumiretso na siya sa bahay para sunduin ako.

"It's okay." I replied with a smile. Humakbang ako palapit sa kanya at binigyan siya ng mabilis na halik sa pinsgi. "Hindi naman nabawasan ang kaguwapuhan mo," bulong ko sa kanya. 

He grinned and returned my kiss. "I know."

I laughed. At pabiro na kinurot siya sa tagiliran. "Conceited!"

"We're here." Inihinto ni Louie ang kotse sa tapat ng isang resto at nagmamadaling bumaba para pagbuksan ako ng pintuan. Magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob.

"Just wait me here, sandali lang ako," aniya bago ko pa siya mapigilan. Naiwan akong mag-isa sa table. Inisip ko na lang na baka magtutungo siya ng restroom.

You Belong To Me (Published under LIB)Where stories live. Discover now