Chapter Twelve: Hope

79.9K 1.8K 154
                                    

Chapter Twelve: Hope

RHYME'S POV

                I woke up with a smile in my lips. Silly, I'm not a morning person. But I feel good and light today. Siguro dahil maaga akong natulog kagabi kaya fully charged ang energy ko.

                "Good morning, Mom!" Masiglang bati ko nang bumaba.

                Tinignan ako ni Mama na may pagtataka sa kanyang mukha. "Nandito ka pa? Akala ko nakaalis ka na."

                Mabilis na lumipad ang mga mata ko sa orasan. Shemay! Late na ako!

                Halos tumakbo ako maabutan lang ang papaalis na bus. I almost couldn't make it. Mabuti na lang at napansin ako ng mamang konduktor at pinahinto ang bus.

                Thank god! Saka lang ako nakaramdam ng relief nang tuluyang makaupo. In just five minutes, nagawa kong maligo at magbihis. Nakapag-set ako ng new record sa sobrang magmamadali. At sa tantiya ko ay aabot pa ako sa tamang oras sa office. Huwag nga lang sana akong ma-traffic.

                Wala sa loob na lumingon ako sa bintana. I saw my reflection in the glass. My eyes are still swollen from sleep and my tangled hair loose in my shoulder. Geez! Hindi ko man lang nagawang ayusin ang sarili. Hinalungkat ko ang mga gamit sa loob ng bag at nag-ayos. Wala akong pakialam sa mamang katabi ko na kanina pa pinagmamasdan ang mga kilos ko. Ngayon lang siguro siya nakakita ng dyosa na bagong gising.

                Awtomatikong napangiti ako nang makita ang fountain sa Magallanes. Everytime na makikita ko iyon ay nare-relax ako. Kung binebenta nga lang iyon ay ako ang uunang bibili at ilalagay ko iyon sa bakuran ng bahay namin, kung saan ay makikita ko iyon agad pagdungaw ko ng bintana tuwing umaga. Pagkatapos maraming bulaklak sa paligid at mga butterflies na lumilipad. Hay! Gumagana na naman ang imagination ko.

                Himala na nakarating ako on time sa office. Actually ahead pa nga ako ng two minutes. Magiliw akong sinalubong ng mga kasamahan. Everyone is smiling at me. Pagdating sa cubicle ay may naabutan akong frappe sa ibabaw ng table ko. Hindi ko na kailangan hulaan kung kanino iyon nanggaling. Pag-upo ko ay tumunog ang cellphone ko. May nag-text. At hindi na ako nasorpresa na malamang si Tyron ang sender.

                Hanggang ngayon ba hinihintay mo pa yung taong magmamahal sayo? Wag kang mag-aala... on the way na ako!

                Napahagalpak ako ng tawa bago ko pa mapigilan ang sarili. Napatingin tuloy ang mga kasamahan sa direksyon ko.

                "Huy! Para kang luka-luka dyan!" Nasa harapan ko na pala si Apple at nakatunghay sa akin.

                "Good morning, Pie." I still managed to greet her. "Thanks for the frappe. You're so sweet."

                She rolled her eyes. "Ngayon lang iyan. Bukas may bayad na!"

You Belong To Me (Published under LIB)Where stories live. Discover now