48th Blossom

94 1 0
                                    

"Maxine, right?"

Tanong ni Lian na ikinabigla ni Max na abala lamang sana sa paghahalo-halo kunwari sa walang laman ng inorder na shake gamit ang straw.

Silang dalawa lang kasi ang naiwan ng matapos kumain at pumuslit muna sa C.R. si Moses kaya't ang pagtawag nito ay di inaasahan ni Max.

"P-po?" waring tarantang sagot na niya.

Dun pa nga niya napansin na sa labas pala ang tingin ni Lian. Nakatingin ito sa glass wall kung saan tanaw ang tinatawag nitong sangtwaryo. Saka ito tipid na ngumiti ng maharap siya.

"Sorry, ha.." simpleng tugon nito na ipinagtaka agad ni Max.

"Sorry po saan?" sagot na lamang niya.

Tipid nalang ulit itong ngumiti. "For giving you such a concern." wika nito.

"Po? Ay naku Ms. Lian, huwag niyo na pong alalahanin 'yon. Tapos naman na po." sagot ulit ni Max.

"Still. Guilty parin ako. If only I knew from the start, di na sana kayo naghahabol ngayon." kumbinsi paring pagsisi ni Lian sa sarili.

"Kung hindi pa inamin ng kaibigan mo baka di ko parin malalaman hangang ngayon. I'm thankful for him. And your thankful that you have such a great guy."

Pawang natawa naman dito si Max pero natablan rin ng hiya pagkatapos. "Great guy po talaga. Haha. Mukha nun."

Pero Ms. Lian. You really don't have to. Desisyon rin naman namin ang nakapagpabago nun. So you don't have to. Sa katunayan nga, kami pa dapat ang magpasalamat sa inyo." sagot pa nito.

"Why?" kyuryosong tanong naman niya.

"Cause you made us realize something. You made us learned. Di man namin wari kung ano 'yun, but we've still learned. So thank you."

Pagtatapos ni Max na nakapagbigay narin ng mumunting ngiti't tawa sa isang Lianna Marie.

"Wow!.. I can't believe this." waring gulat pa nitong wika tila walang masabi kaya't napasa-ere na lamang ang magkabilang kamay.

Habang minamasdan lamang siya ni Max na pawang naghihintay lang rin sa sasabihin pa niya.

"Know what. It's not even the first time to be thanked by someone. Yet, why is it this time to be felt like as it was a compliment? Geez. What else can I say though? Your welcome, I guess. Thank you. Thank you too!"

Waring overwhelmed na sagot na ni Lian, kaya't si Max naman ngayon ang kumawala ng mumunting ngiti.

Di parin mapawi ang kagalakan sa mukha ni Lian na kahit mapasandal man sa sariling upuan ay nakikitaan parin ng kaligayan.

Hangang sa nahupa rin ito at ng mahimasmasan ay napapatingin ulit sa kitang sangtwaryo niya.

"Pero seryoso. Salamat rin talaga." saad pa niya na mataman lang ring pinakikinggan ni Max.

"Thank you, because both of you made me bring back those memories again. Just like this place." dagdag nito na ikinabaling narin ng tingin ng kausap sa kung saan rin siya tumitingin.

"Kahit naman kasi na palagi ko itong dinadalaw. Di ko narin maipagkaila ang pagbabago nito. Like as if my lightest memories of it tend to fade as well." bumaling pa siya saglit kay Max ngunit binalik rin agad ang tingin sa labas.

"Nakita mo yung bench? Turo pa nito sa inupuang bench kanina. Sinundan lang rin ito ng tingin ng kausap, kaya't nagpatuloy narin lamang siya.

"Wala pa 'yan diyan noon. Pero tingnan mo naman, meron na. That mini garden thing? Even this restaurant na pinagkainan natin ngayon. Wala pa." dagdag niya, na umiiling pa ng iniisa-isa ang mga pagbabago sa lugar na nakasanayan.

"This place is so damn isolated after all na tanging lighthouse at semento lamang na humaharang sa ganda ng dagat ang maaliwan mong makita."

"It's way too different now. Away too different from the past na kahit ako di narin sigurado kung belong pa ba ako o hinde."

"I'm used to stay solemn here you know. Na para bang angkin ko lahat ang lupaing ito. Kahit di naman" natawa pa siya ng sabihin ito.

"Pero ano nga bang magagawa ko. Change is inevitable anyway. So, no choice. Kaya nga kung pumunta na ako dito. Sinisiguro ko nalang na mailap pa ang mga tao."

"So hindi po pala dahil lang sa sunset o sunrise ang sadya niyo dito kundi mismong kay Alois po?"

Napangisi nga dito si Lian. "Witty. So witty, honey. But yes. sunsets? Sunrise? They will always be a part of it. And maybe because of him. You could say so." nangibit-balikat na lamang siya ng sabihin iyon.

Napahagikhik pa nga dahil sa pinapakitang talinong ugali ni Max. "I like your attitude by the way, ha. Your smart." Dagdag puri pa niya dito.

"Hala. Haha, di naman po masyado Ms. Lian. But thanks anyway." nahihiyang tawa pang sagot ni Max na sinabayan na naman ng panibagong hagikhik ulit mula kay Lian.

"Silly. Nahiya ka pa. Don't worry. Galawan ko rin 'yan." mapaglaro ng tugon nito.Kaya't natawa na lamang ulit si Max.

"So now. With finality.. I Lianna Marie Conrad. Accepting your proposal surely. Then, congratulations! I'm part of your team." may isang palakpak pang nuwestra ni Lian sabay ngiting  nilahad naman ang kanang kamay para sa shake hand.

Narinig na nga ni Max ang inasam-asam na approval dito. Kaya't dahil sa pinaghalong gulat at kasiyahan, ay pawang nabitin sa ere ang kamay ni Lian. Buti at natauhan naman siya agad at mabilis na tinanggap ito.

"T-thank you po! Thank you Ms. Lian. Thank you po talaga. Oh my God! You don't how much it means to us. Thank you so so much!"

Di magkamayaw ng pasasalamat ni Max, dahilan para di narin niya mapigilan ang sarili at  mapayakap na dito kahit man may harang mesa sa kanilang dalawa.

Di pa nga sinasadyang mapansin na sila ng ibang kumakain dahil sa malatinis ng boses niya. Kaya't agaran siyang humingi ng paumanhin dito, sabay sa tipid na tawa ulit galing kay Lian.

"My pleasure, honey. You deserved it still." sagot na nga lang nito ng binawi na ni Max ang pagkayakap dito at umayos na lamang ulit ng upo.

Saktong balik naman ni Moses nun, kaya't tinapos na nila ang waring deskusyon sa isa't-isa.

Kaya't ang resulta, walang ka ideya-ideya ang nag-iisang lalakeng kasama nila. Hangang sa makabayad at makaalis.

Batid man ni Moses ang naiibang kasiyahan ngayon ng kaibigan na wala naman bago paman siya nag C.R. di narin niya ito pinansin.

But what can he do? He was left confused kaya naman di narin siya nakapagtimpi at tinanong na nga ang kaibigan. "Am I missing something?" saad pa nito.

"Ha? Wala naman." pagtatanggi naman ni Max na kita parin ang kasiyahan sa mukha. As she only gaze Lian's back, dahil nauna itong naglakad sa kanila.

"Sigurado ka, ha?.." paninigurado pa ni Moses ng mapansin rin ang waring makahulugang tingin.

"Oo naman. Halika na nga lang." sagot na lamang ni Max na kinaladkad na ang kaibigan para masundan ang sadya.

"By any chance.. Nagdala ba kayo ng sasakyan niyo?" mabilisang tanong ni Lian ng makalapit na sila dito.

Agarang umiling si Max kaya't waring nakitaan ng kagalak ang kausap. "Great then. Sabay na kayo sa'kin." saad pa nito saka inumpisang susian na ang sariling kotse.

~

"Teka nga. 'San ba tayo pupunta at isinama niya tayo?" kyuryosong tanong parin ni Moses kahit ma'y nakasakay na sila sa kotse nito.

Buti at pabulong niya lamang itong sinabi, sapat lamang na si Max ang tanging nakakarinig.

Iling lamang ang nakuha niyang sagot dito. Kasi kahit aminin man, di rin naman alam ni Max kung saan sila dadalhin ng ruta nito.

And so they their are. No choice but to go with the flow.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now