13th Bloom

125 3 0
                                    

3 days. Three days nga kami di nagkita ni Alois nun. And within those 3 days I realized something.

~

"Clyd!! Patulong naman po daw dito.. 'Tong baklang 'toh parang di lalake. Ako pa talaga pinagbitbit ng mga gamit niya. Pss."  Halos mapugto-pugto ko ng reklamo sa pinsan ko.

"Naku Tata Rie, di ka pa nasanay diyan! Alam mo namang feeling girlalu 'yan." Pambara namang sagot ng 8 yrs. old naming pamangkin na si Kazy.

"Hoy! Ikaw dalagang-guwang ka! Anong feeling girlalu? And for your information! Girl talaga ako noh. Girl, as in L-A-D-Y." Kalokong sagot naman nito kay Kazy.

Nagpipigil na'ko ng tawa, yet obviously, di ko narin maiwasang makisali.

"Kailan pa naging L-A-D-Y ang spelling ng girl, ha? Clayador?" Segunda ko pa ng tawa na sinabayan na rin ni Kazy.

Halos di naman maipinta ang mukha ni Clyd ng sabihin ko ang totoo niyang pangalan. Isa kasi 'yun sa weakness niya. Isa sa kinaiinisan.

"Heh! Tignan mo 'tong isang 'toh. Di pa talaga nakisabay." Sabay hampas pa nito sa braso ko, na akala mo kung sinong mahinhin. Ang lakas naman.

"Wow ha~ infairness. Di masakit.." Sarkastiko ko pang angal.

Sasagot pa sana si Clyd, ng biglang lumapit ang isa pa naming pinsan na si Rodney at pinag-untog ang mga ulo namin.

"Aray ko! Puchakels! Ang saket ha?! Isa ka pa. Huhu." Baklang-baklang reklamo ni Clyd, sabay himas pa sa inuntog na ulo.

Habang ako naman ay hampas ang binigay sa kanya. "Putek! Ang sakit nga." Sabay himas ko rin sa inuntog na ulo.

"Eh sa mga baliw niyo kasi." Sabay pa niyang piningot ang mga ilong namin, saka parang bulang umalis sa harap, para di namin maabutan.

"Grr! As in G.r.r.r~ grr. 'Tong si Rodneyot talaga oh. Nakakainis! Alam naman niyang bagong facial lang 'tong mukha ko, nasira pa ata ng kepweng! Pasalamat siya mahal ko siya. Ewan ko nalang kung hindi.Tss." Isang reklamo pa ni Clyd, habang hinihimas ang inaalagang ilong.

"Kung makalait naman ng bakla kay Rodney, kala mo di rin bakl--Aray. Haha." Di ko natapos ang sasabihin dahil kinurot na niya ko, habang may pangusong panggigigil.

"Hoy! Dalagang-guwang bitbitin mo 'tong sling bag ko. Nabibigatan ako." Reklamo nitong utos kay Kazy na tumutulong na ding mangbitbit ng gamit papasok sa bahay namin.

Inirapan naman siya nito, saka kami nilampasan. At dahil aso't pusa nga. Hindi talaga magpapatalo ang bakla, bagkus ay binunot pa talaga ang nakaponytail na buhok nito, at gayun nalang ang pagkatras pabalik sa dinaraanan.

"Aray ko! Mamang oh! si Toto Clyd." Pahabol pa nitong pagsumbong sa ina, na nasa likuran lang namin at nangbibitbit din ng mga gamit.

Binitiwan ni Clyd ang paghawak sa buhok ni Kazy. At ang inaakala niyang aalis na pamangkin, ay magpapahabol pa pala ng isang kagat sa kanyang palapulsuhan, dahilan para mapaaray na din siya.

"Bruhilda talaga 'tong dalagang-guwang na 'toh. Ang sakit mangagat. Bampira pa ata. Tignan mo nga? Tagos na tagos ang mga pangs teh! Reklamo pa nito sa'kin, habang pinapakita ang nakagat na palapulsuhan.

"Pss. Halika na nga lang. Ako na niyan. Baka maa--aah!! Ate ang shaket! Ano ba!" Di niya natapos ang dapat sabihin sa'kin ng dahil piningot na ni Ate Vyn ang tenga niya.

Ako naman tawa nalang ng tawa sa tabi at tinitignan siyang pinag-iinitan ng kanyang Ate.

"Ang binata mong tao, nang-aaway ka ng batang babae. Ulitin mo pa ha?.." Sarkastikong pagbabanta nito.

Nahawi na ni Clyd ang kamay nito sa tenga niya. "Ate naman. Dalaga nga ako diba? Tsk. Eh kasi naman 'yang anak mo! Di marunong rumispeto. Aisht!" Hinihimas na niya ngayon ang namumulang tenga.

"Aba malamang! Eh sino bang rerespeto sa nang-aaway?!" Nakapamewang namang sagot ni Ate, habang may hinahawakang kahon sa isang kamay.

"Eh sino bang hindi aaway sa nangunguna ng away?! Tsk." Pagpilosopo nitong sagot.

"Eh sino bang mas matanda? Diba ikaw?.. Kaya dapat mas alam mo kung pa'no magpasensya.Tsk."irita ng sagot ni Ate.

"Sus! Asa! Kung matanda ako, mas matanda naman 'yun! Dalagang-guwang nga diba?" Pagpilosopo paring tugon ni Clyd.

"Hay! Ewan ko sa'yo Clayador! 'Yang bunganga mo! Tumulong ka na nga lang sa pangbibitbit. Para naman mapakinabangan 'yang pagkalalake mo. Naku naman~" mahabang-habang sermon ni Ate Vyn, bago umalis at bumalik nalang sa ginagawa.

~

That's how happy my thoughts are tuwing napapabisita ang mga pinsan ko sa'min o di kaya kami ang nakakabisita sa kanila. At least by their presence, nababawasan ang pag-iisip ko.

That's how normal I am, whenever I'm with them.

Ang bilis ng panahon kung tutuusin. Gaya nalang ngayon na pasko na pala. Kaya nga napagdesisyunan nila na dito magpapasko. So eventually, marami-rami kami sa bahay ngayon. Sina Alois kaya, sa'n?

As I thought about Alois. Dun ko narin nakaligtaang maalala siya. Sa'n kaya 'yun? Di ko pa kasi siya nakita simula kanina. And as far as I remember, nasabihan ko naman siya kung kailan ang uwi ko. Knowing him, sumusulpot lang naman 'yun basta-basta kahit di niya pa kilala ang mga kasama ko. Ba't naman kaya?

'Psst! Milagro ata, di ka pa nagpapakita? Busy?'Pagtext ko sa kanya.

Pero ilang minuto ng nakalipas pero wala paring reply akong natanggap galing sa kanya. Kaya binalewala ko nalang. Baka nga busy 'yun.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now