31st Gloom

90 3 0
                                    

"Alois. I was just wondering. Are you somehow building a tree house?" Tanong ko habang tinitignan ang di pa tapos na pigura sa taas ng punong nakatirik sa kanila.

"Absolutely , Li! Yun nga 'yung wish ko eh. The time we're expecting for a meteor shower." Sagot niya.

Habang nagsisimula ng kumuha ng ibang materyales na nakalatag sa paanan namin. Tahimik naman akong pinagmamasdan lang siya.

"Oh? Sinabi ko na sa'kin ha. Ano na sa'yo?" Nabatukan ko nga ng di oras.

"Iba ka din eh. Para-paraan." Maktol ko.

"Tsk. Li talaga. Ang unfair mo. Sige na, sabihin mo na kasi.. Tayo-tayo lang naman eh."

Binatukan ko nga ulit kasabay ng malakas na aray niya. Napalakas ko na ata. Ang kulit kasi.

"Pagdedeskusiyunan parin ba natin 'yan? Oh gusto mong iwan nalang kita dito?" Pagbabanta ko habang pinagmamasdan siyang hinihimas parin ang parteng nabatukan ko.

"Uie! Joke nga lang. Toh naman. Inimbita nga kita dito, tapos aalis ka na agad." Nang mahimasmasan ay bumalik na sa pamumulot ng materyales.

"Ikaw kasi eh. Tss, eh ano bang maitutulong ko diyan?" Pagprisenta ko na.

Ngumiti naman siya. "Great idea. Pakikuha nalang ng martilyo at mga pako sa bodega namin, Li. Nakalimutan ko kasi.. Hehe." Napapakamot pa siya ng sabihin 'yun. Waring nahiya sa sariling utos.

Napakibit balikat na lamang ako. "Okay." Simpleng sagot ko, habang pumupunta na nga ngayon sa bodega nila.

One thing that we learned from our closeness ay ang pagiging pamilyar na namin sa bahay ng bawat isa. Bawat sulok nito ay parang ordinaryo na lamang.

Pagbalik ko ay nadatnan kong may iniinda si Alois sa ulo niya dahilan para mapahawak ang kaliwang kamay niya sa katawan ng puno habang ang isa naman ay pawang nakahawak sa ulo niya.

And because I was being worried a bit. Nilapitan ko na nga siya agad. "Are you okay? May iniinda ka ata? May sakit ka ba?"

Sunod-sunod kong tanong habang binababa muna ang nakuhang martilyo at mga pako at nagpagpag ng kamay. Saka nilapat agad ang likod ng aking palad sa noo niya.

"Di ka naman mainit. So what's wrong?" Pahabol ko paring tanong sabay ng pagtanggal ko naman sa nakalapat kong palad.

"Ah. W-wala toh. Stress lang siguro. Alam mo na, graduating duties." Kasabay naman nun ang pagtaas ng kilay ko.

"Stress ka pa talaga sa lagay na'to ha? Edi sana nagpahinga ka." Halukipkip ko ng reklamo sa kaniya.

Pero ang ewan tinawanan lang ako. "Your like mom when scolding me." As he chuckled again.

"Tss. Di kita pinapagalitan. Pinagsasabihan pa, Oo." Pagdahilan ko.

"Alright. Alright." May pataas kamay pa siyang nuwestra, waring sumusuko.

"But I can't help it. It's weekend, and I wan't to grant my own wish. You can't blame me?.." Pagtanggol niya pa sa sarili.

"Tss. Psycho ka nga. Pwede mo namang ipatrabaho 'yan sa katiwala niyo, naghihirap ka pa." Maktol ko ulit.

"Exactly. Diba sabi nga nila. Ang bawat bagay na pinaghihirapan ay katumbas ng kasiyahan kaysa sa hindi. Kaya nga 'yan ang ginagawa ko."

"Hay nako. Ewan ko sa'yo Alois. Bahala ka. Di ka naman karpentero. Feeling ka rin eh." Pamimilosopo ko na lamamg.

"Oh. Come on Li.What's the use of being the future architect if I don't know any of this?" Waring pagmamalaki pa niya sa sarili.

Yeah, right. Architecture nga pala siya. "Oo na. Oo na. Ano na nga lang ang maitutulong ko pa? Para matapos na. Tss." Suko ko ng tugon.

So ayun nga. Naging instant assistant nga ako ng ewan. Sa bawat abot ng gamit sa kanya at pag-uutos nito.

~

"Alois. Ano bang nakain mo, at tree house ang gusto mong abalahan?" Panimulang tanong ko ng makapagpahinga kami saglit sa maliit na bench nila.

Nangibit balikat lang naman siya. "Ewan ko rin. Maybe I just thought that having a tree house means you feel flying. I don't know. Basta gusto ko lang." Mahabang sagot niya habang pinagmamasdan ang malapit na matapos na pigura nito.

"Hm? Teka nga. Nabibingi lang ba ako? O sadyang 'yun talaga ang sinabi mo? Ikaw ba 'yan?" Pagbibiro ko pa.

Natawa lang naman siya. "Haha. Ewan ko sa'yo, Li. Ako parin naman 'toh. Ikaw talaga."

"Pss. Eh kasi naman. Nakakapanibago ka kasi. Di ka naman usually madrama. Tapos ngayon, maririnig na kitang ganyan. Huwag ka ngang tumulad sa'kin. Tingnan mo'to." Isa pang maktol ko sa kanya.

Tumawa nalang siya ulit. "Di kaya. Sinong may sabi?" Saka niya ginulo ang buhok ko.

"Tss. Tingnan mo'to. Nangulo pa talaga ng buhok." Sabay ayos ko nga sa buhok ko.

Kasabay naman nun ang pagdating ng mama niya, kaya agaran din kaming tumayo para salubungin ito.

"Alois! Anak. God gracious! Ba't ang basa-basa mo na? Di ba sabi ng huwag kang magpagod? Don't you forget what the d--"

"Ma! Haha. Huwag ka ngang mag-alala. Pawis lang naman 'toh. At isa pa, huwag mo akong bini-baby Ma.. Nakakahiya kaya kay Lian." Para namang nabigla ang mama niya saka nga ito bumaling sa'kin.

"Magandang araw po, tita." Agaran kong pagbati dito.

"Oh. Hija. Nandito ka pala. I'm sorry for not noticing you." Saka siya pabalik-balik ng tingin na sa aming dalawa.

"Kumain na ba kayo?" Pahabol pa nito sa'min.

"Ai, opo tita. Kakatapos lang namin, actually." Sagot ko naman.

"Buti naman, kung ganun. But Lianne, Hija. Can I borrow my son for a second, if it's okay?" Pagngiti pa nito sa'kin.

"Yeah sure, tita. Dito na muna po ako." Pagsang-ayon ko.

Saka nga sila sabay na pumasok sa loob at pagbibigay ni Alois ng tingin sa'kin. Nagtaka man ay pinagsantabi ko nalang rin.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now