17th Bloom

128 5 0
                                    

"Ilang araw nalang pala, matatapos narin ang Misa de Gallo. Have you already talked to him, Li.?"

Tanong ni Alois ng di pa nagsisimula ang Misa. Nagtaka naman ako sa kung sino ang tinutukoy niya.

"Sino? Sinong kakausapin ko?" Agad kong tanong.

"Him." Ni wala ko paring ideyang tugon niya. Kaya dun na'ko nagreklamo.

"Ewan ko sa tinutukoy mo Alois. Diretsuhin mo na nga lang ako, baka pagkatapos nito, mag-isa ka nalang kumausap sa sarili mo. Pyscho talaga. Psh."

"Ihh! Li naman eh. Siya oh." Kamot- ulo na niyang tugon, sabay sa pagturo niya sa tinutukoy niya.

God.

Natahimik naman ako saglit, saka ko siya pinagbuntungan ulit.

"Aray! Ba't mo ginawa 'yun." Binatukan ko na nga siya.

"Eh sa ang sira mo kasi. Pwede namang diretsuhin pinaligoy-ligoy mo pa. Kala ko naman kung sino ng may atraso ako. Tsk." Todo dada ko parin sa kanya habang tinitignan siyang hinihimas parin ang binatukan kong ulo niya.

Para namang binalewala niya lang ang dada ko, imbes ay sumegway ng ibang topic.

"Urgh! Ang sakit talaga ng pagbatok mo Li. Nabukol pa ata ulo ko sa'yo. Amazona ka ata eh." Walang tigil parin niyang himas.

"Tss. Palibhasa kasi first time mo pang mabatukan ko. 'Yan ang mapapala mo at baka masundan pa 'yan. Kaya masanay ka na."

Di parin siya tumitigil sa paghimas sa ulo niya, kaya nakitaan na'ko ng konting pag-alala.

"Psh. Patingin nga?" Saka ko hinawakan ang ulo niya para makita kung nabukol nga ba.

"Sus! Wala nama-- Aray." Pinitik niya ang noo ko, dahilan para mapahawak ako dito.

"Alois?!.." Tila pagbanta kong tugon.

"Haha! Peace Li.." Sabay peace sign niya sa'kin.

"Psh. Pasalamat ka di sumama ngayon si Rod, baka mas sobra pa sa batok ang aabutin mo. Tsk." Pero ang psycho, tinawanan lang ako bilang tugon.

"Hay nako. Excuse me. Lovebirds.. Magsisimula na po ang misa. Mamaya nalang po ulit ang lambingan."

"Anong lovebirds?!" Agad kong sita sa tawag ni Clyd na agad ring sinabayan ng tawa ni Alois.

"Naku po. Ang pinsan ko! In denial na." Tuloy paring pasungot ni Clyd.

"In denial ha?.. Eh kung isumbong kaya kita kay Rod na may pinopormahan ka na namang bak---hmm."

"Huwag na huwag mo talagang itutuloy 'yan. Haisht! Sumusulpot pa naman 'yun bigla ang Rodney. Psh. Kaw talaga Rie.." Pagbitaw niya agad sa pinipigilang bibig ko, habang sinusulyapan ang bawat paligid na para bang hinahanap ang kinatatakutang pinsan.

"Ikaw kasi eh." Saka na kami umayos ng upo ni Alois, sabay sa pag-ayos din ng bakla kong pinsan sa likuran namin.

~

Matapos ang Misa, napagdesisyunan namin na bumili muna ng mga kakanin para panghagaan. Kaya ngayon nga ay namimili na kami. Nang may nakaligtaan akong isagot kay Alois.

"I never thought of talking to him again seriously, until you reminded me. Kaya kanina, I was able to do it." Nang bumaling agad siya sa'kin, alam ko na ang pagkaintindi niya sa kung sinong tinutukoy ko.

"So, how was it?" Diretso niyang tanong.

"Good! Relief. Palagi naman eh. Kahit pabalik-balik lang ang hinihiling ko sa kanya. He's still a relief guide as ever." Prente kong sagot.

"He really is. Siya lang din naman kasi ang walang sawang umitindi sa'tin. He really is our saviour after all."

Di ko alam kung ba't natawa ako bigla sa pinagsasabi ni Alois, dahilan para magtaka narin siya. But I really can't help it.

"Now you have become a preacher huh? But please, don't give me too much wisdom Lois. Di ako masiyadong makadiyos!" Tuloy-tuloy ko parin pagtawa, na ikinasungot narin niya nung huli.

"Li!! Seryoso ako! Naman eh~ Diyan ka na nga. Tsk." Sinundan ko naman siya matapos bumili ng mga kakanin."

"Sus~ gusto mo naman. Diba sabi mo nga, mas maganda ako pagtumatawa?Eto na nga oh. Tumatawa na'ko. Sungot ka naman. Tsk, tsk, tsk. Bipolar ka narin ba?" Sabay pag-akbay ko sa kanya ng maabutan ko.

Umuwestra siyang ngumuso,wari'y pinipigilang ngumiti sa simpleng lambing ko.

"Di ata ako na inform'ng mahangin karin pala?" Pagpilosopo niyang tugon, na pinantayan ko rin.

"I'm a narcissist in my own way you know." Taas noo kong sagot.

"How didn't I knew about that narcissism of yours?"

I playfully smiled. "Then It's a tie Alois. Feeling bipolar din ako. Secretive nga diba? Sorry na kasi~" may payugyog ko pang nuwestra sa balikat niya.

Ewan ko kung ba't ang komportable ko na talaga sa kanya, 'yun para bang ang mannerisms na pinapakita ko lamang sa pamilya ko ay nagagawa ko narin sa kanya. I don't know. I really don't know this feeling.

Napangiti na nga siya. "Oo na. Oo na. Ok na. Tsk." Sabay sa pagbaling niya sa ibang direksyon, wari'y may nahihiyang ipakita sa'kin.

"Yay! At last! Buti naman. 'Yan talaga ang gusto kong marinig. Halika na nga lang." Saka ko siya kinaladkad habang binabalewala ang mga reklamo niya sa higpit ng pag-akbay ko.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now