15th Bloom

148 6 2
                                    

"Rodneyot~ habulin mo naman ang shuttle cock! Putek naman oh! Kaw atang bakla sa'ting dalawa eh!" Halos di magkamayaw na sigaw ni Clyd kay Rodney.

"Sinong bakla?! Huwag mo nga akong madamay-damay sa pagiging maya mo. Tsk! Sapakin kita diyan eh." Inuwestra naman nito ang racquet na para bang ito ang gagamitin pangsapak dito.

Iniilag naman ito kunwari ni Clyd, kahit di naman talaga tinutuloy ni Rodney ang pagsapak dito.

"Huwag ka nga! Ayoko lang naman matalo sa muchachang kasama ni Rie noh. Nakakabwis*t kaya 'yang batang 'yan. Tapos di ka pa nakikisama. Haishht!" Baklang pamewang nito.

"Heh! Anong muchacha?! Dinadamay pa talaga ako. Sumbong kita kay mamang eh." Nakangusong singit naman ni Kazy.

Tinawanan ko nalang ang tatlong kasama ko. Ang ewan lang kasi. Akala mo naman kung anong pinag-aawayan.

Naglalaro kasi kami ng badminton. At dahil nga lamang na kami ni Kazy kina Clyd. Kaya todo sisi si bakla. Geez Cousins.

"Oh my god! Hi Alois boy~" pagkaway pa ni Clyd kay Alois na sa tingin ko ay kakabalik lang sa pagpalakad ng aso niyang si Jaco na white shih tzu.

Tumugon si Alois sa kaway'ng 'yun ni Clyd, saka muna itinali ang aso sa bakod ng bahay nila.

Kyuryosong Nangunot-noo si Rodney, akala siguro ay bagong prospect na naman ni Clyd.

"He's Alois. Kaibigan ko, kapitbahay din at the same time." Lumapit ako ng sabihin 'yun. Dahilan para mawala ang kakyuryosohan niya.

"Don't tell me, bagong prospect na naman 'yan ni Clayador.." Pagsuspetsa niya, habang ang tinis ng tingin kay Alois na papalapit na sa'min.

"To answer your question. No, he's not." Diretsa kong sagot.

"Ok." Sarkastiko niyang ismid. "Eh sa'yo? Sigurado ka bang kaibigan lang habol niyan?" Dun ko na siya sinikuan.

"Nasobrahan ka rin sa pagiging overprotective, eh noh? Mabait 'yan, okay." Pagtanggol ko dito.

"Siguraduhin mo lang. Kung hindi, malilintikan talaga 'yan sa'kin." Taas-noo pa nitong sabi.

"Tsk. Di nga. Kaw talaga."

"Li!" Tawag ni Alois ng makalapit na nga sa'min.

"Hey." Ganti kong tawag, sabay sa pagbakod ni Rodney sa'kin para di ito tuluyang makalapit. Tingnan mo'to.

"Huwag ka nga." Bulong kong tugon sa overprotective kong pinsan, sabay sa mahinang paghampas ko sa braso niya.

Nakuha naman nito ang atensyon ni Alois, saka magiliw na nagpakilala dito. Unaware of the suspicious impression of Rodney over him.

"So you must be the right Rodney. Nice to finally meet you man." Inuwestra naman nito ang kamay for a handshake, na agad rin pinaunlakan ni Rod, singbilis ng pagbigay niya sa'kin ng makahulugang tingin wari'y nagsasabi na "feeling close lang ha.."

Binalik din naman niya agad ang tingin dito. "Right Rodney? Of course I am Rodney. Why do you say so?" Diretsang tanong nito.

Alois chuckled. "About that. I had thought a wrong person to be you. Since, ikaw pa lang din kasi ang namention ni Li na pinsan niya sa'kin I really am sorry about that man. I am."

"Oo nga. Alam mo bang nayamot talaga ako ng marinig 'yun? And I was like what?! Never! Over my dea--hmmp"

Hinawakan ni Rod ang nguso ni Clyd, dahilan para matigil ito sa pagsasalita. Kahit pa bumaling na siya kay Alois.

"It's okay man. Minsan nadin naman kasi akong napagkamalan bilang isang 'toh ng mga kaibigan ni Rie." Tukoy kay Clyd. "Hindi talaga kasi pala share eh." Tukoy na nito sa'kin.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now