Lianna Marie

82 1 0
                                    

"Urgh! At last, Conrad Marie. Andito ka narin. Kanina pa kita hinahanap."

Tuloy-tuloy na reklamo ni Clyd ng makalapit nako sa kanya, as I only rolled my eyes with sarcasm.

"What is it this time Clyd. Dalian mo at may naghihintay pa sa'kin." sagot ko naman.

"Che! May naghihintay daw. Huwag ka nga. Eh ano na lang din ang tawag mo sa'kin, aber? Tss. Oh." usal niya pa as he handed me a file as much as I groaned in response.

"Tingnan mo'to. Akala ko naman kung anong pinag-iinit ng butsi mo, eto lang pala at pirma ko lang ang kailangan. Sapakin kita diyan eh. Tss."

Reklamo ko naman pabalik sabay ng pagnuwestra ko pa sa kanya ng folder na kunwari ay ihahampas sa kanya. Habang siya naman ay handa rin para sa salang.

"Che! Eh ano pa ba? Mahirap na noh? Baka makalimot ka pa. Akin na nga." agarang pagkuha naman nito sa folder sa'kin na para bang kung sinong superior kung makabawi at maniguro.

"Heh! Ang sabihin mo. Makalimutin ka lang talaga. Pinapasa pa talaga sa'kin. Tsk." pagdipensa ko pa sa sarili na agaran rin niyang tinugunan.

"Hay! Oo na, Oo na." nuwestra pa nitong pagwasiwas ng kamay.

"Maiba nga lang tayo, sino ba 'yang kausap mo kanina? Infairness, ang cute ha. He seemed to be familiar, actually. Pakilala mo naman ako teh?" dagdag niya na nginusuan pa ang gawi ng tinutukoy.

Agaran ko na ngang hinampas ang braso niya at sinamaan ng tingin ng mapagtantong si Kristoffer pala ang tinutukoy nito.

"Tumigil ka diyan Clayador ha. Yang kabaklaan mo wala na sa timing.Highschool pa lang 'yan, kaya't tumigil ka diyan." sagot ko pa.

"Ay ganun? Sus. Para makyutan lang din naman eh. Pero.. Sayang lang di--Aray!" baklang wika pa nito

Di narin niya natapos ang sasabihin ng sinabunutan ko na nga ang buhok nito. "Isa mo pang banat Clayador.Masusumbong na talaga kita ng di oras kay Rodney. Since favorite mo naman 'yun diba?"

Sarkastiko ko ng usal na sinabayan na agad ng matinding reklamo galing sa kanya.

"Heh! Yan ang hinding-hindi mo gagawin Marie ha? Kundi cousin's over ang gusto mong mangyari." pabaklang dipensa nito.

"Pss. As if naman gusto mo 'yun. Kilala kita huy! Kaya huwag ka diyan. Tss." sagot ko nakitaan na nga ng pagsuko sa kanya.

"Hay! Oh sige na. Suko na'ko teh! Kausapin mo na nga lang 'yang naghihintay sa'yo. Pero sino nga kasi 'yun?"

Saka naman ako bumaling ulit sa gawi ni Kristoffer. "He's Alois' nephew." diretsa kong sagot ko na ikinagulat naman niya pagkatapos.

"H-how did y-you?.. Oh my god! Kaya pala. Di nga? Seryoso?" gulat pa niyang tugon.

"He really is Clyd. Kaya huwag ka ng magtaka kung namukhaan mo man siya bilang siya." sagot ko.

Imbes na seryosohin man ang sinabi ko ay ginawa pang biro. "Naku~ ang pinsan ko feeling bitter ha.. kunwari-kunwari pa talagang di banggitin ang namimiss.. Sus. Huwag ka nga. Di bagay sa'yo teh!"

Pabaklang sagot nito kaya't binatukan ko na nga. "Ewan ko sa'yo Clayador. Mauna ka na nga lang umuwi sa apartment. Susunod nalang ako agad. Tss."

Nahimigan ko pa ang reklamo niya sa ginawa ko, pero di ko na nga ito pinansin at saka na ngang tumalikod at pumunta na lamang sa naghihintay sa'kin.

Wishing, Alois |√Where stories live. Discover now