Chapter 10: Who Is She?

472 12 0
                                    

Another additional chapter! For your hearts contentment!

Please support this story by VOTING, SHARING and LIKING it.

Be a FAN and I'll make way to dedicate a chapter to you guys :)

----------

SULLI'S POV

Nung tinitigan ko sya...

nung hinawakan nya ang kamay ko...

nung narinig ko ang sinabi nya...

at nung makita kong ngumiti sya sa akin...


all my resolutions faded. Nawala ang takot ko. I feel secured with him by my side. Bigla kong naisiugal ang 2 years kong sekreto at pagtatago sa madla, because of him.



"Let's go." he simply said then pulled me closer to his side, "Sakin ka lang tumingin, Sulli. Isipin mo, nasa bahay lang tayo, and it is just you and me, okay?"

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

Bakit ba, ang dali kong maniwala at magtiwala, kapag sa kanya nanggaling?

Am I being too attached to him already?



Nakatungo lang ako habang naglalakad kami, still not sure if what I'm doing is right. Pero tuwing pipisilin nya ang kamay ko at lilingunin nya ako para ngitian, napapangiti rin ako at nakakalimutan ko ang pinoproblema ko.

Kahit ramdam kong nakatingin sa aming dalawa ang mga tao sa paligid, kahit anytime someone might recognize me, ayokong bumitiw sa mga kamay nya, ayokong tumakbo para magback out.



Sa isang private restaurant kami pumasok, tanaw roon ang seaside at ang MOA rides.

Humarang sa amin ang naka-suit at poker faced foreigner na lalaki na medyo may edad na,
"You're an hour late, Mast---" Allen cut him off.

"must have wasted your time? Alright. I am already here. Sorry to keep you waiting."



Allen shoved past him, and pulled me to sit down on the furthest side of the restaurant. Tumawag sya ng waiter and ordered too much of their menu.

"Sulli, may meeting lang ako. Mga isang oras lang naman siguro 'yun. Private meeting kasi, kaya hindi kita pwedeng isama. Doon lang naman ako sa kabilang side, okay? Kumain ka na lang muna habang naghihintay."

Iiwan nya ako dito? Para saan pa ang pagsama ko sa kanya dito? Tss. Pero alangan namang makinig ako sa meeting nila?

Meeting kaya 'yun ng ano? Illegal works? May kinalaman kaya yun sa pagtawag kay Allen na 'Boss'?

"Oi, Sulli. Ano na? Okay lang?"

"O-oo naman! Sige, doon ka lang naman sa kabila e. Wag mong kakalimutan na balikan ako dito ha?"

Napangiti sya sa sinabi ko at ginulo ang bonnet ko.

"Bat naman kita makakalimutan? Sige, enjoy the foods."

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makapasok sya dun sa tagong part ng restaurant. May mga nakabuntot sa kanyang naka-black suit na mga lalaki. More of parang body guards? NBI agents?

Sino kayang ka-meeting nya?

Ano kaya talagang katauhan ni Allen?

That guy is so mysterious. Parang buong katauhan nya, puno ng sekreto...just like me...




Parang ang tagal matapos noong isang oras na meeting nila. Na-c-CR na ako!


Pagkatayo ko, may nasagi akong lalaki. Ang malas naman!

"Sorry!"

"Mag-ingat naman kasi!" iritado nyang sabi.

"Sorry talaga. Pasensya na po."

Dadamputin ko sana ang shades kong nahulog, ng higitin nya ako patayo, at hawakan ang baba ko, para titigan ang mukha ko.

"You look familiar..."

Hinampas ko palayo ang kamay nya. "Don't touch me!"

Aalis na sana ako ng pigilan nya ako.

"You really look familiar. Have we met before?"

Hindi! Hindi ko sya kilala, pero baka nga kilala nya ako? Baka makilala nya kung sino ako!

Anong gagawin ko?


Biglang may humatak ng malakas sa braso ko, napaikot ako at napasandal sa mabangong pader. I mean---dibdib ni..."

"You. What business do you have with my wife?"


W-WIFE?!

"Allen?"

Hindi nya ako sinagot, pero mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. Nahihirapan akong huminga, pero I feel secured na nandito na sya. Itinago ko ang mukha ko sa dibdib nya, ang lakas ng tibok ng puso ko...pati 'yung sa kanya, nakabibingi sa bilis at lakas.


Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari. May mga yabag akong narinig, salitang "I'll escort you out, Sir." "No need, I can go out on my own. Ang yabang mo, pare, parang ang ganda, nyang asawa mo."

Eh? Asawa?!

Naitulak ko si Allen. Basa ko sa itsura nya ang inis habang nakatitig sa paalis nang lalaking nabunggo ko.


"Krystal! Let's get out of here." sigaw ng lalaki sa dereksyon ng CR.

May babaeng kalalabas lang ng CR ang sumunod sa kanya. Lumingon sya sa amin ni Allen, at biglang napatigil sa paglalakad. Tinakpan nya ang bibig nya ng kanyang mga kamay, may mga luhang nagpaunahang tumulo sa mga mata nya habang nakatitig kay...

"Allen..."

From hatred, mabilis dumaan ang napakaraming emosyon sa mga mata ni Allen.

Gulat...



Lungkot...



Pangungulila...



Panghihinayang...



Sakit...





"Krystal! Ano ba?! Tara na!" halos kaladkarin ng lalaki ang babaeng tinatawag nyang Krystal.

Agad bumalik ang itim na aura sa paligid ni Allen, at mas lumala ang galit sa mga mata nya.

Dama ko ang pagpigil nya pahakbang sa dereksyong tinahak nung dalawa, habang nakasara ang mga kamaong puno ng galit.




Who is she? Sino si Krystal sa buhay ni Allen?

Bakit parang may mahalaga silang nakaraan na pinagsamahan?




---------

HAPPY VALENTINE'S DAY!!

WTP: 2-14-14

Diary of My Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon