Chapter 7: Be With Me

921 24 1
                                    

Happy reading!

Please help me promote this story :) Thanks!

SULLI'S POV

Hindi tumigil sa pagbuhos ang ulan ng gabing iyon.

Naging tahimik ang gabi sa pagitan namin. Wala naman kaming mapag-usapan...kasi...kahit ano pang dahilan at magkasama kami ngayon sa iisang bubong, we're still strangers to each other. He is Allen, my savior for two times already. But I do not know anything about him more than knowing his first name.

(Flashback)

"Allen ba talaga ang pangalan mo?"

"Oo. Ikaw Sulli ba talaga ang pangalan mo?"

Tumango ako.

"Sulli...anong surname mo?"

Iniikom ko ang bibig ko at yumuko habang pinagpapawisan ng malamig.

"Ikinahihiya mo ba ang apelido mo?"

"H-HINDI!"

"Then you just don't wanna tell me your surname?"

I bit my lip.

"I'll take your silence as a 'Yes'. But I guess that's better. Ayoko rin namang magsinungaling sayo. " bored nyang sabi bago muling uminom ng tubig.

"Magsinungaling?" anong ibig nyang sabihin dun? Pero mukhang hindi nya narinig ang tanong ko, kaya deretso lang sya sa pagsasalita.

"Let's just be Sulli and Allen. Nice to meet you again, Sulli."

(End of flashback)

Maaga kaming nagpahinga. Ako sa kama nya, at sya?

"San ka matutulog?"

Nakaupo sya nun sa may dulo ng bahay, patay na rin ang gasera kaya hindi ko maaninag ang reaksyon nya noong sabihin nyang "Hindi ako mahilig matulog."

Pwede ba 'yun? Di ba nakamamatay 'yung palaging kulang sa tulog? O baka naman palusot lang nya 'yun kasi nahihiya syang paalisin ako sa kama nya?

Nakikisilong lang naman ako, kaya, "Dito ka na sa kama. Bahay mo naman ito e."

"Exactly. So just let me be. Ayokong matulog."

"Pero...Allen?"

Narinig ko ang yabag nya palapit sa akin. Ang talas ng night vision nya! kasi sakto sa magkabilang balikat ko yung dalawang kamay nya. Samantalang ako, hindi ko man lang alam na nasa harapan ko na pala sya!

"Sulli..." malungkot ang boses nya.

"Allen?"

"Ah wala. Matulog ka na." tinanggal na nya yung kamay nya sa balikat ko at pakiramdam ko, lalayo na ulit sya.

Magaling ang instincts ng mga babae and my instinct is telling me that something is wrong with him.

Mabuti nahila ko 'yung damit nya kahit parang bulag ako sa kadiliman.

I want to know what's bothering him. Gusto kong makatulong? Kahit ngayon lang?

Naramdaman ko ang init ng kamay nya sa kamay ko. Itinaas nya iyon, at inilapat sa pisngi nya.

"Natatakot ako, Sulli." mabigat ang pagkakasambit nya niyon.

"S-saan Allen?"

"Sa...sa napakaraming bagay." May mainit na dampi ang humalik sa aking kamay bago nya iyon bitawan. "Matulog ka na."

Diary of My Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon