Chapter 2: Gangster-Millionaire

1.3K 30 3
                                    

LEN's POV

*PAK*

Ouch yun! Sapul sa noo ni Jin ang chalk na ibinato ni Ma'am!

"Mister Almendras! Natutulog ka na naman sa klase ko! Ano kaya't para magising ka, e tumayo ka muna sa hallway!"

"Ma'am naman! Pagtitinginan lang ang kagwapuhan ko sa labas!"

Nagsitawanan ang buong klase. Ibang klase talaga 'tong si Jin. Puno ng hangin ang utak!

"Nakakaistorbo ka lang sa klase ko, kaya dun ka na lang sa hallway kahit matulog ka dun ng nakatayo, wala akong pakialam!"

"Natutulog na nga ako ng tahimik, nakakaistorbo pa din? Nak naman ng lintik oh!"

"Anong binubulong-bulong mo dyan Mister Almendras?!"

"Wala po Ma'am! Sabi ko po, LALABAS NA AKO."

Hayun humihikab pa sya ng lumabas ng classroom para sundin ang parusa ni Ma'am na umuusok na ang ilong sa galit!


Lampas isang oras din syang nakatayo doon bago natapos ang klase namin. "Sus! Sisiw lang ang tumayo kesa sa mga parusa mo Boss 'no!" natatawa nyang pagmamayabang.

Mukhang nag-enjoy naman syang tumayo sa hallway at titigan ng mga babaeng dumadaan. Mababaw lang talaga ang kasiyahan ng siraulong ito.


Naglalakad na kami papunta sa bus station nang magsalita si Jin "Lenard! mas gwapo talaga ako kesa sa'yo. Lagi kasing ako ang nakikita ni Ma'am. Kala mo naman papatol ako sa huklubang titser! Tss!"

"Siraulo. Panong hindi ka nun mapapansin e ang lakas ng hilik mo sa klase?"

"Owshit!" may paghamapas pa sya nun sa noo nya. "Bakit ngayon mo lang sinabi Boss! Ano pang mukhang ihaharap ko kay Abby my loves nyan?"

"Psh. Kelan ka pa nagkaroon ng hiya?"

"Ay! Wala ba ako nun? HAHAHA. Sya ok lang pala. Gwapo naman ako kaya mapapasagot ko rin si Miss President."

Binatukan ko sya "Sige mangarap ka pa ang gising! Ulol!"

Mabuti dumating na ang bus na sasakyan namin, pagkasi babae at lintik na pag-ibig ang usapan umiinit ang ulo ko at gusto kong suntukin lahat ng nakakasalubong ko.


Umupo kami sa may dulo ng bus kung saan isang nakahoodie kahit sobrang init ng panahon ang nakaupo.

Mga weirdo nga naman naglipana na sa mundo!

Wala na lang basagan ng trip.

Maya-maya naman e bumaba na rin sya ng bus. Problema nun? Naka-hoodie na nga nakayuko pa! Ilang beses tuloy syang muntik ng madapa katatakid. Pinagtawanan pa tuloy sya nung mga baklang babae sa bus.

"Psh" naiirita kong huni. Naglingunan tuloy sa amin ni Jin yung mga nakasusura na babae.

At hayun. Bihira lang yata talaga ang gwapong nilalang na tulad namin ni Jin, kaya patuloy kaming nililingon ng mga babae para sumimple ng titig, kumuha ng stolen pictures na halata naman namin, at magpapansin, na nakaiirita naman. -_____-+

Sa likod na nga ako umupo para walang istorbo, habol tingin pa ang mga pangit na 'to?!


"Boss. Yung tunay. Hindi ka ba inaantok sa mga boring na subjects natin? Bakit ako, bumabati pa lang ang prof, pumipikit na ang mata ko?"

"Ewan ko sa'yong siraulo ka!" wala ako sa mood para sagutin ang mga kaengotan nya.

"Boss naman eeee. Tsaka bakit hindi ka sinisita ng mga teacher? Tamo ang buhok mo, mahaba...may kulay...naka-piercing ka rin at hindi naguuniform! Bat kami lang lagi ang naddiscipline office?"

Diary of My Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon