Chapter 8: I'll Prove You

921 25 3
                                    

Beloved Readers!

This September 2014! Samahan nyo akong pasinayaan ang Book 2-slash-Sequel ng nobelang ito! watch out for publication of THE MASTER'S STUPID TUTOR! COMING SOOOON!!! <3

UNKNOWN POV

Sa isang madilim at tagong lugar, naganap ang pag-uusap ng dalawang pinuno na kumakatawan sa isang makapayangyarihang gang.

"Tapos na ang paghahanda." hinithit ng mas nakabababa ang ranggo ang nagniningas nyang sigarilyo. Ngunit agad iyong hinagilap ng kanyang kausap para sunugin ang mukha sa larawan na hawak nya.

Nagngangalit ang kanyang mga kalamnan para sa nalalapit na paghaharap nya at ng lalaki sa letrato na sinunog nya.

"Then, let the game begin, Lee." utos nya na nagpangisi sa isa na tulad rin nya ay excited makipagtunggali sa lalaking bumangga sa grupo nila.

"As you wish, Reaper."

LEN's POV

Ang babaeng 'yun...

~~~I should be invisible to the world...or else I'll just make them cry in the end.~~~

Tss! Ginulo ko ang buhok ko na parang baliw. Letse! E hindi na sya invisible sa akin e...so pano na? iiyak ako kapag namatay sya?

Naman! Malaking A-S-A PA SYA!

Pero pinaninindigan nga nya bawat Rule na ginawa nya na nakasulat sa Diary nya na nakuha ko.

Bawal makipag kaibigan. Bawal makipag-usap sa iba. Bawal. Bawal. Bawal.

Ang daming 'bawal' pero halos lahat 'yun may kaugnayan sa pagiging aloof nya at hindi sa mismong sakit nya sa puso. Nakakapagtaka...

Nababagabag rin ako sa mga blankong pahina mula September 2011 hanggang February 2012. Bakit iniwan nyang blanko 'yun? May nangyari ba sa kanya noong panahong iyon na ayaw nyang isulat sa Diary?

Haaay. Nagiisip lang siguro ako ng malalim. Baka tinamad lang syang magsulat ng mga buwang iyon.

Hindi ko itatanggi na...napahanga ako noong pinanood ko syang sumubok lumakad matapos ma-sprain ang paa nya. Hindi man lang sya sumigaw para humingi ng tulong... At nung gumapang na sya para lang makaalis doon...may parte sa akin na sa tingin ko ay nakuha nya...

ang aking respeto.

Sinusunod nya ang mga Rule na ginawa nya. Mabuhay mag-isa...taong hindi susugal na dumepende sa iba.

=_=* LETSE!! bakit ako napapangiti?! Wala namang nakakatuwa ah?!

Hinatak ko ang pisngi ko para mawala ang pesteng ngiwi na iyon!

Aray! Hindi naman rubber ang balat ko para hatakin! Ang sakit! Baka mabawasan pa ang pagkamagandang lalaki ko?! Tss.

Umupo na ako sa silya habang nakadekwatro. Iniisip ko...kung anong magiging resulta ng offensive move ko na pagtatapat ng pag-ibig sa babaeng 'yun kahit pa alam kong isa iyon sa mga ayaw nyang mangyari.

~~~I want to fall in love BUT NEVER be loved.~~~

Kung chess ang nilalaro ko...malamang nasa bingit na ako ng pagkatalo. Para kasing iginalaw ko ang aking King ng pa-opensa na syang dapat ay pnoprotektahan.

Naubos na lang kasi ang pasensya ko noon. Hindi naman kasi umuubra ang una kong diskarte na pag-sagip-sagip sa kanya. Noong una sa mga Demon Saints na naglagay sa alanganin sa King-Cross, tapos sumunod pa ako dito sa baryong ito para sa kanya!

Diary of My Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon