Chapter 9: I am Here

568 16 0
                                    

NADELETE YUNG MAHABA KONG CHAPTER 9. I HATE WATTPAD MOBILE!!!!!

Pero! Here it is! Eto na ang ipinangako kong revision. I'm adding up a chapter ;)

--------

SULLI'S POV

Nasa kalagitnaan ako ng masarap na tulog ng bigla na lang bumagsak sa sahig ang pintuan ng aking kwarto.

Nakatameme akong nakatingin sa lalaking nakatayo roon na parang gusto ng mangain ng tao.

"May isang oras na akong kumakatok ah? Di ba sabi ko alasyete aalis na tayo? Anong oras na sa tingin mo?" itinuro nya ang orasan sa may pader.

7:30 AM

Para 30 minutes lang, ganyan na sya makapagreact?

Ang aga-aga nambubulahaw at nangbabadtrip na naman sya!

Naiinis akong tumayo mula sa kama at padabog na lumapit sa kanya with matching cross-arms.

"E sino bang nagsabi sayo na sasama ako sayo sa Manila, ha?" angil ko pabalik sa kanya.

Sya lang naman kasi ang mag-isang nagdecide nun kagabi! Ni hindi ko nga alam kung bakit gusto nyang pumunta sa Maynila! Basta after nyang makareceive ng tawag sa telepono kagabi, atat-na-atat na yang lumuwas ng Maynila!

Mas lalo lang kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ko. Tumingin pa sa akin mula ulo hanggang paa sabay irap at lakad paalis.

"Psh. Tulog mantika. Bilisan mo na lang magbihis dyan. Nakakaturn-off ang malalaki mong binti at flat na dibdib."

A-ANO DAW?!

Napatingin ako sa suot ko. Naka-loose dress lang pala ako ng white at maikli pa!

Tinakpan ko ang dibdib ko kahit pa nakapasok na sya sa kwarto nya.

Bastos na lalaki 'yon! Bulag ba sya? Sinong malaki ang binti at flat ang dibdib? For his information, maraming nagpapantasya at naiinggit sa katawan ko 'no! Mahiya nga sya!


Tatalikod pa lang sana ako para bumalik sa masarap kong tulog, nang sumilip sya mula sa pinto ng kanyang kwarto at...

*flash*

P-pinicturan nya ako?! NG GANITO ANG ITSURA?!

HOW DARE HE!!!

"30 minutes. Bilisan mong mag-ayos, pag wala ka pa sa loob ng 30 minutes, ipopost ko sa internet ang katabaan mo." seryoso nyang babala.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya. Hindi man lang sya natinag sa pagkakatayo doon. Itinaas lang nya yung iPhone nya para hindi ko maabot.

"HOY! I-delete mo yan! I-delete mo!" paiyak ko ng pagmamakaawa sa kanya.

"29 minutes. You're wasting your tine limit."

Paano nya nagagawang maging flat affect while blackmailing me like this? Wala talaga syang puso at kunsensya!

"Please, i-delete mo na 'yan!"

Hindi nya alam kung anong pwedeng mangyari kapag ipinost nya yan sa internet! Ayokong malaman ng mundo na nag-eexist pa si Sulli Choi!

Dalawang taon akong naghirap magtago sa madla. 2 years kong kinulong ang sarili ko sa apat na pader ng bahay, just for people to forget who I am, and for all the issues concerning me to settle down.

Therefore, I won't allow him to break all those sacrifices I've done!

"It's up to you. Just follow what I say, and you'll have my word. 28 minutes. I'm counting."

Diary of My Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon