CHAPTER 14:CONTRACT MARRIAGE!

5K 67 1
                                    

SOPHIA POV:

"Oh sige sabay tayo gagawa at pagnatapos natin gawin tong kontrata na to, magpipirmahan tayo." Asungot, binigay niya sa akin yung isang laptop na nasa mesa niya ang tatak pa nun ay APPLE, sa pagkakalam ko mahal ang ganitong brand.

"Okay sige game na." Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero bahala na.

FLASHBACK

"Pakasalan mo ang anak ko." Mama

"Ma! Anong pinagsasabi niyo? Ayaw ko pong pakasalan yan!" Parang ang OA naman nila, kasal kaagad wala naman ata talagang nangyari sa amin kaya bakit kailangan ng kasal?

Kahit hindi na nila ako palabasin ng bahay kahit papuntahin nalang nila ako sa kumbento basta wag nila ako ipakasal sa Asungot na to!

"Sabihin mo kay Mama walang nangyari sa atin, please!" Pagmamakaawa ko kay Asungot.

"I'm sorry." Yun lang ang sinabi niya na mas lalo kong kinagulat. Anong ibig niyang sabihin sa sorry niya?

Meron nga ba? Meron ba talagang nangyari sa amin?

"Ayaw ko! Ma, pag-isipan niyo po to! Baka nadadala lang po kayo ng dadamdamin mo. Ma please." Lumapit ako kay Mama at unti unti na akong lumuluha sa takot. Wala pa sa plano ko ang pagpapakasal. Bata pa ako para dito.

"Khian tawagan mo ang Lolo't Lola mo. Makikipagmanhikan kayo sa amin bukas." Papa, tuluyan na akong umiyak dahil alam koh hindi sila nagbibiro.

Kinabukasan nagtungo nga ang pamilya ni Khian sa amin. Pero ang kinagulat ko ng sobra, ang malaman na ang Lolo ni Asungot ay si Lolo Juanito. Hiyang hiya ako dahil siya ang  pinagsasabihan ko ng sama ng loob ko kay Asungot at higit sa lahat ay akala ko isa lamang siyang ordinaryong tao pero siya pa pala ang nagmamay-ari ng pinapasukan kong kompanya.

Nung una nagtampo ako dahil nagsinungaling siya sa akin pero ang sagot niya di naman ako nagtatanong sa kanya kaya pano ko siya sasagutin, tama naman. Dahil unang una raw di naman siya tinanong kung anong trabaho niya sa kompanya at sinabi niya naman ang pangalan niya.

Pero napatawad ko rin si Lolo Juanito dahil naging mabait naman siya sa akin at pinaliwanag niya sa akin na natakot raw rin siya na baka layuan ko raw siya kapag nalaman ko na siya ang nagmamay-ari nun. Kaya pala nung unang pagkikita palang namin parang may naaalala ako sa kanya.

Napag-usapan na nila Mama't Papa at Lolo at Lola ni Khian ang lahat ng mangyayari sa kasal namin. Kahit anong mangyari ayaw ko parin magpakasal sa kanya pero nakokonsensya ako dahil sila Mama't Papa iba ang trato nila sa  akin simula ng araw na yun at alam kong kapag di ako nagpakasal lalo silang magagalit sa akin, di ko naman sila masisisi dahil kung ako ang may anak na nag-iisa lang at parati kong pinapangaralan ng mabuting asal. Kapag nakita ko sa ganung sitwasyon ay mas worst pa worst ang mangyayari sa kanya.
  
Medyo nagtataka lang ako sa Mama't Papa ko at sa Lolo ni Khian kasi feeling ko matagal na silang magkakilala kung magtawanan kasi akala mo mga dabarkads. Yung Lola lang naman ni Khian ang di ko feel kasi ang sungit sa akin, kung makatingin simula ulo hanggang paa. At napagkasunduan nasa ikalawang buwan ang kasal namin para sa preparation.

END OF FLASHBACK

Pagkatapos ng araw na yun kinausap ako ni Khian na gumawa kami ng kontrata, ayun ang plano niya para raw di kami maagrabyadong dalawa. As in Contract Marriage ang gagawin namin, pumayag lang rin naman ako sa kasal na yan para makabawi kay Mama't Papa, alam ko sobrang nadisappoint silang dalawa sa akin, gusto kong bumawi sa nagawa ko. Kaya andito ako sa condo ni Asungot para gumawa ng kontrata. At bukod sa lahat ayaw kong makasal ng matagal sa Asungot na to baka unti unti na akong nilalason ng isang to!

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now