CHAPTER 47: WHO?

2.6K 47 2
                                    

KHIAN POV:

"Oh? Ikaw pala! Tuloy." Pambungad na pagbati sa akin ni Calvin.

Umupo ako sa isang couch sa sala, na kung saan nakikita kong kumuha siya ng beer na nasa can.

"Oh eto." Inabot niya ang beer.

"Bakit ka nga pala napadalaw?" Diretsong tanong ni Calvin. Alam niya kasing hindi ako pumupunta sa condo niya kapag wala namang akong importanteng sasabihin.

"Hindi mo pa kasi nagagawa ang dare natin." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Naaalala mo pa pala yun. Ano ang gusto mong ipagawa sa akin?" Habang hawak hawak niya ang beer na kung saan nakatingin siya na tila di makapaniwala.

"Hindi na ako magpapasikot sikot pa Calvin. Alam kong meron kang alam sa nangyari kay Sophia?" Magkasamang bumalik si Sophia at Calvin yun at imposibleng di niya alam ang dahilan ni Sophia. Kahit na kung saan niya nakita si Sophia ay di niya ipinaalam sa akin at kung anong sitwasyon ni Sophia nung makita niya.

"Huh? Bakit may nangyari bang masama sa kanya? Anong ibig mong sabihin?" Pagmamaang maangan niya pa. Alam kong may nalalaman siya at nakiusap si Sophia sa kanya na wag sahihin ito sa akin.

"Ano ba talagang dahilan bakit siya nawala nung araw na yun?" Ang ayaw ko sa lahat ay ang paikot ikot. Pero ginagawa niya yun ngayon sa akin.

"Di ko alam ang sinasabi mo Khian." Bahagyang tumayo siya at pumunta sa counter ng kusina niya.

"Anong di mo alam, pre? Kayo ang magkasama ni Sophia ng araw na yun." Lumapit ako kung saan siya naroon.

"Bakit sa akin mo yan tinatanong. Tanungin mo mismo si Sophia. Huwag sa akin Khian."
Hindi ko napigilan ang sarili ko na kwelyuhan siya at akmang sasapakin siya. Nagagalit ako hindi sa kanya kundi sa sarili ko. 

"Sige ituloy mo yan, pre. Baka makatulong yan para magising ka." Unti unting lumuwag yung paghawak ko sa kanya at tuluyan na nabitawan ko siya.

Ilang segundo lang ay kumalma na ako."Pasensya na. Hindi ko na kasi alam ang gagawin." Napahawak ako sa may counter at bahagyang nakayuko.

"Sa kanya mo yan itanong. Hindi ako pwedeng mangialam sa problema niyo. Pasensya na pero nangako ako sa kanya tungkol sa bagay na ito." So tama pala talaga ang nasa isip ko. Kung ayaw niya ipaalam sa akina ibig sabihin ay ako ang dahilan ang laht ng kinikilos niya ngayon.

"Khian, binigyan kita ng pagkakataon. Isinuko na si Sophia kahit masakit sa akin para lang maging masaya siya sayo. Sana huwag mong sayangin ang oportunidad na binigay ko sa inyong dalawa." Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang magiging dahilan ng kasiyahan ni Sophia?

"Anong ibig mong sabihin?" Alam ko siya ang magpapasaya kay Sophia at hindi ako.

Tila wala siyang narinig "Umamin ka na Khian na mahal mo na si Sophie. Ano bang kinakatakot mo?"

"Marami dahil alam kong mababalewala lang lahat yun dahil may iba siyang mahal at natatakot akong malaman yun mula sa kanya. Naguguluhan rin ako ngayon dahil andyan si Trixie at hindi ko alam sa sarili kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon?" Nagulat nalang ng bigla nalang niya ako sinapak ng walang anu-ano.

"Eh gag* ka pala! Kung nalaman ko rin na ganyan ka pala kagag* di sana di ko nalang sayo pinaubaya sayo si Sophie at di na sana siya ngayon kumuluha dahil sayo." Para mas malakas ang suntok nang marinig ko na lumuluha si Sophia dahil sa akin. Napakalaki ko ngang gag* dahil sinasaktan ko siya nang di ko nalalaman.

"Sino ba ang mas kinakatakot mong mawala sa kanilang dalawa? Kung anong sagot mo, ayan ang sagot sa nararamdaman mo."

SOPHIA POV:

"Bakit kaya ang dilim ng bahay? Wala pa ata si Asungot rito?" Binuksan ko ang mga ilaw.

"Baka nga wala pa." Sabi ko sa aking sarili. Nang makita wala siyang bakas sa loob ng sala maging sa kusina.

           Pumanaog ako sa may hagdan patungo sa aking kwarto. Gaya ng sa sala, madilim. Buti nalang at may sinag ng ilaw sa sala kung kaya wala akong alinlangan na maglakad pataas. Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto na kung saan nalanghap ko na naman ang amoy ng kung ano. Kaya madaling madali akong binuksan ang ilaw. Nagulantang ako ng makita ko ang kawawang si Asungot na may malaking pasa sa mukha at halatang lango sa alak. Hindi ko napigilan ang aking sarili na pumunta sa kanyang kinaroroonan dala na rin ng awa sa kanya. Nang makatungo ako sa higaan na kung san siya nakahiga na aking higaan din ay umupo ako at kusang dumampi ang aking mga palad sa kanyang mukhang may pasa. 

"Bakit? Anong nangyari sayo?" Ayun agad ang lumabas sa aking mga bibig.

Alam ko naman na hindi niya ako naririnig pero kusang lumabas yun sa aking bibig na tila nagtatanong kung bakit siya nagkaganun. Alam ko naman na hindi siya umiinom ng ganito. Alam kong may problema kami pero hindi naman ata siya magkakaganun dahil lang sa akin. Pero malaking palaisipan kung anong dahilan?

Unexpected Love Affair (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara