CHAPTER 68: SURPRISE!

5.1K 63 1
                                    

KHIAN POV:

"Sophia, labas tayo."

"Huh? San naman? May problema pa tayo diba?" Habang inaasikaso ang mga papeles.

"Ano ka ba? Basta sumama ka nalang sa akin ngayon." Niyakap ko siya mula sa kanyang likod.

"Uy, ano ka ba Khian! May makakita sa atin oh." Tinatanggal niya ang pagkayakap ko sa kanya.

"Eh ano naman ngayon? Lahat sila alam nilang mag-asawa tayo kaya okay lang." Sweet kong sabi.

"Kahit na, office hour kaya. Kaya wag kang ano diyan. May problema ka pa nga kay Mr. Co tapos gusto mo pang gumala." Pagsusungit niya.

"Eh pano kung sabihin ko sayong okay na ang lahat? Sasama ka ba?" Bulong ko sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mata. "Weh? Ang galing mo talagang joker no?" Akala ko ay naniniwala siya pero umakting lang pala siya.

Nakatingin siya sa akin pero nagulat siya sa emosyon kong binigay.

"Weh? Totoo talaga? Pumayag na si Mr. Co?!" Halos pasigaw niyang sabi.

Tumango ako upang sang-ayunan ang sinabi niya. Mabilis niya naman akong niyakap.

"Wow! Ang galing naman ng boyriend ko." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya.

"Anong ibig sabihin mong boyfriend? Diba mag-asawa tayo?"

"Dati yun sa kontrata pero remember tapos na ang kontrata kaya tapos na rin ang pagkukunwari nating mag-asawa so we are officially in relationship." Paliwanag niya, halos mapanganga ako sa sinabi niya.

"Tapos diba magpapakasal palang ulit tayo kaya ibig sabihin nun di pa tayo mag-asawa. Nagpropose ka pa nga lang pero di mo pa nga inaasikaso ang kasal natin." Yung huling pangungusap na sinabi niya ay halos pabulong nalang nang sinabi niya yun. Pero narinig ko parin yun.

"Halika ka nga!" Hinila ko siya palabas ng opisina.

"Uy, ano ka ba Khian?! Oras pa ng trabaho." Paglalaban niya.

Wala akong nagawa kundi buhatin siya na tila bago kaming kasal dinala ko na rin ang gamit niya. Pinalo palo niya pa ako para lang ibaba ko siya.

"Nakakahiya tong ginagawa mo! Ibaba mo nga ako!" Inilabas ko siya sa opisina.

Halos lahat ng mga mata nasa aming dalawa. Yung iba nagtataka, yung iba naman ay nagulat at yung iba naman ay kinikilig. Sa pagsakay ng elevator ay binuhat ko parin siya. Patagilid na nga kami nung sinakay ko siya eh. Pero nagpumilit ng bumaba nung nasa loob kami ng elevator pero di ko parin binababa. Hanggang s
sa makarating kami ng kotse. Nung makasakay na kaming dalawa ay dinakdakan na agad ako.

"Ano ka ba Khian! Nakakainis ka talaga! Nakakahiya ka ah! Halos matunaw na ako sa mga tingin ng mga tao sa ginawa mo!" Panenermon niya sa akin.

"Sorry na po, Honeybear." Paglalambing ko.

Nakatingin siya sa bintana na tila nagtatampo. Ang mga babae talaga, di mo alam kung anong gagawin? Nakakakilig naman ang ginawa ko kanina ah? Bakit parang nainis pa?

"San ba kasi tayo pupunta?" Di parin siya tumitingin sa akin.

"Pupunta tayo kina Elise." Halatang nagulat siya at di makapaniwala.

"Bakit anong gagawin natin dun? At anong meron? Dadalawin ba natin si Elise? Nabalitaan ko kasi na nagsick leave siya." Naguguluhan to for sure.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now