CHAPTER 18:DANCE WITH HIM

4.6K 60 4
                                    

SOPHIA POV:

"Good Morning Ma'am and Sir,what do you want to eat?"-Malanding Steward, gamit niya pa ang mapang-akit niyang boses at nagpapacute pa kay Asungot. Eto naman si Asungot hinubad niya ang sunglass niya nagbabasa kasi siya ng isang magazine nang biglang dumating si Malanding Steward pero parang nag-iba ang expresion ng mukha niya ng makita ang singsing ni Asungot pero bumalik agad ang kalandian nang magsalita si Asungot.

"Water for drinks and a pasta"-kinikilig naman si Malanding si Steward

"Orange juice at Sandwich bread nalang sa akin."-mabilis kong sabi dun sa malanding Steward para umalis na harapan ko ang landi kasi di ko matake. Inihanda niya na lahat at pumunta naman sa iba.

"Bakit ang sungit mo dun?"-Asungot

"At kanino naman?"-mataray kong tanong

"Kanino pa edi dun sa steward."-habang nginunguya yung kinakain niya

"Paki mo ba,type mo edi ligawan mo."

"Parang meron ka ngayon sa pagkakaalam ko kasi ganun raw ang mga babae kapag dumadating ang buwanang dalaw nila kasi ganun raw yun eh, ganun ba talaga yun? Kaya ang sungit sungit mo ngayon? Meron ka ba?" -habang subo niya yung tinidor na akala moy abnoy na nakatingin sa taas na parang may iniisip.

"Yuck ka talaga ang manyak mo! Magtatanong ka talaga ng mga ganyang bagay habang kumakain pa tayo.At please mind your own business kung pwede lang?"-ako

"Isip bata ka talaga noh?"-siya

"Wala akong naririnig!"-tinakpan ko yung tenga ko gamit ang earphone, mag-aaway lang kami ng Asungot na to.

      Tumawa naman siya nang ginawa ko yun. Tapos nakita ko na naman si Malanding Steward na kinikilig na nakatingin kay Asungot. Sarap nga sabihan na "Gawin mo nga ang trabaho mo ng maayos!" Gilalandieeee. Like a Boss! Hahaha.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" -tinanggal ko yung earphone ko sa tenga ko

"Wala, kainin mo nalang pagkain mo diyan!"-sumubo pa ng pasta.

"Ah, ganun ba? Akala ko nababaliw ka na eh."-pambawi lang

"Ano?"-poker face niyang tanong

"Wala!"-kinagat ko nalang yung sandwich ko

"Magccr lang ako."-naiihi na ako

"Ok."-medyo gumilid siya para makadaan ako

*******

       Nasa banyo ako palabas na sana ako ng cubicle ng marinig ko yung boses ni Malanding Steward.

"Uy, Monique ang gwapo ng pasahero sa pangalawang upuan oh. Parang ngang artista. Wala atang kasama."-Malanding Steward, ano ako anino lang pala ako kanina?

"Talaga gwapo? Pero parang may kasama naman kasi kanina may katabi siya."-girl malandi

"Baka P.A lang yun, ang gwapo nga lalo na yung tinanggal niya yung shade niya, sobrang yummy. Pero may singsing na siya baka may asawa na eh."-Malanding Steward, ah P.A pala ah. Lagot ka sa akin.

"Asawa lang naman pala eh, pwede pa agawin. Boyfriend nga naagaw pa ng iba eh asawa pa kaya. Hahaha"-girl malandi

"Hahaha, tama!"-Malanding Steward, sa asar ko lumabas ako,natawa nga ako nagulat sila na may tao pala sa cubicle at muntik na nga silang mapasubsob na dalawa kasi nakaharang kanina sa pinto ng cubicle kaya ayun nasagi sila.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now