CHAPTER 65: THEY KNEW?

3.3K 60 1
                                    

SOPHIA POV:

"Khian, sa wakas at nakita na kita, apo. Masaya akong makita ka muli." Lolo, yumakap si Lolo kay Khian.

"Sino po kayo?" Khian

"Lolo, wala pa pong natatandaan si Khian. Sa tingin ko ay nagkaroon siya ng pansamantalang pagkawala ng alaala." Paliwanag ko kay Lolo.

"Ganun ba Hija? San mo siya nakita?" Tumabi kami ni Lolo.

Si Khian ay pinagkakaguluhan ng lahat. Tinext ko kasi sila Lolo at ang mga magulang ni Khian at pati narin sila Mama' t Papa na isasama ko si Khian sa bahay.

Tumungo kami sa sala ni Lolo at nag-usap kaming dalawa. "Nung pinuntahan ko po si Trixie sa condo niya na may kalapitan sa may kompanya. Sa tingin ko po yung araw na nakita ko siya pumunta sa coffee shop ay dumiretso siya sa condo ni Trixie."

"Paanong nangyari na andun siya?"

"Sa tingin ko po Lo matagal ng alam ni Trixie ang tungkol kay Khian at tinago niya ito sa atin."

"Yung babaeng yun!" Nanggigil na sabi ni Lolo.

"Lo, okay ka lang po ba?" Nag-aalala kong sabi baka kung anong mangyari sa kanya.

"Okay lang ako Hija. Gusto ko lang malaman na mula sayo Sophia, may nangyari o problema ba sa inyo ni Khian nung araw na nawala siya?" Pano ni Lolo yun nalaman?

"Pero Lo."

"Alam ko lahat Sophia. Kaya wag ka ng magtago pa. Anong nangyari sa inyo ni Khian? Anong ibig sabihin ng mga litrato na nakuha sa may sasakyan niya? Meron ba silang relasyon nung Trixie na yun? Ayun ba yung matagal mo ng tinatago sa amin noon pa pagkatapos ng aksidente?"

Sincere ang mga mata ni Lolo na nakatingin sa akin. Alam kong magaling mangilala si Lolo ng tao, alam niya kapag nagsisinungaling ka sa kanya o hindi. Kaya baka alam niya na lahat.

"Lo, kasi po sa totoo lang nung araw na naaksidente si Khian ay hinahanap niya dahil di po kami nakapag-usap nung makita ko po ang mga litrato na yun dahil galit na galit akong umalis nun Lo. Nagagalit po ako nung malaman kong may nangyari sa kanila ni Trixie." Napaiyak ako sa takot na baka mahusgahan ako ni Lolo at gaya ko ay sisihin niya ako kung bakit naaksidente si Khian.

"Shhh. Tahan na Hija." Niyakap ako ni Lolo.

Mali ako ng inakala na baka husgahan nila ako. Anim na buwan kong kinimkim sa sarili ko ang lahat ng yun dahil sa takot na baka ako ang sisihin ng lahat sa pagkaaksidente ni Khian.

"Patawarin niyo po ako Lo. Patawarin niyo po ako sa nangyari." Niyakap ko si Lolo.

"Wala kang kasalanan Hija. Lahat tayo ay may mga pagkakamali na nagagawa sa buhay kaya wag kang mag-alala. Ang mahalaga ngayon ang hinaharap at ngayon." Pinatahan ako ni Lolo.

Nung kumalma na ako ay kinausap ako ulit ni Lolo. "Sa tingin mo ba ay totoong may nangyari sa kanila ni Trixie? Naniniwala ka ba na magagawa sayo yun ni Khian?" Lolo

"Nung una po ay naniwala po ako sa sinabi ni Trixie Lo, pero ngayon ay napatunayan ko pong di yun magagawa sa akin ng apo niyo." Matibay kong saad.

"Salamat naman Sophia at pinaniniwalaan mo si Khian."

Nakonsensya ako ng maalala ko ang mga nagawa naming pagkakamali ni Khian kay Lolo at pati na rin sa lahat. Sa mga pamilya namin.

"Lo, may gusto po akong ipakita sayo." Napagdesisyunan ko na ipaalam ang lahat kay Lolo, ang tungkol sa kontrata.

"Ano yun, hija?"

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now