CHAPTER 43:CONFESSION

2.7K 42 1
                                    

SOPHIA  POV:

"Sige punta ka dun, kung gusto mo makagat  ng mga lamok." -sabi ni Khian sa  akin.
    Wala na akong magawa kaya humiga nalang ako sa tabi niya. Magiging echusera pa ba ako eh gusto ko rin naman siyang kasama. Medyo may kadiliman ang tent namin dahil na rin ata sa di namin  inaasahan na dito kami matutulog  kaya hindi na kami nakapaghanda.

"Hihiga karin naman pala eh." -seryoso niyang sabi sa  akin.

    Ang pwesto niya ay nakatagilid  habang ang isa niyang kamay ay  pinapatungan ng ulo niya.

"Ewan ko sayo."-hindi ko maikubli na masaya rin ako sa ganitong sitwasyon.

     Ewan ko ba! Ganito lang talaga siguro ang mainlove kahit na ang maliit na bagay na gaya nito ay nagpapasaya na sa akin ng sobra.

"Can I ask you?"

"Nagtatanong ka na nga eh." -pabiro ko namang saad

"Papalampasin  ko yang pamimilosopo mo sakin ngayon pero kapag inulit mo  pa yan baka hindi  mo  magustuhan ang gagawin ko sayo." - pagbabanta  niya  habang   nilalapit  niya  unti unti  ang  mukha  niya  sakin .

     Tipong  papikit  na  ko dahil sa tingin ko ay hahalikan niya ako. Hindi ko maalis sa marumi kong utak na mas maganda nga ata na suwayin ko siya para gawin niya ang gusto niyang gawin sa akin. Pero sa kabila ng mga imahinasyon ay naramdaman kong umalis na siya sa pwesto niyang  yun. Nakita ko nalang  ang malapad niyang likod, it only means na tinalikuran ako ng loko. Feeling ko tuloy napahiya  ako roon kaya tumalikod  nalang ako at hindi na ako nagsalita pa,  inisip ko rin na baka nakatulog  na siya.

"May gusto ka ba sa pinsan ko?" Nagulat  ako  sa  tanong  niyang  yun. Bigla akong napaupo.
 
    Alam kong si Calvin ang tinutukoy niya pero nanigurado akong si Calvin nga ba?

"Huh? Sinong pinsan?" Pagmamaang maangan ko, umupo na ako nung time na yun nang  makita ko ang reaksyon niya.

"Si Calvin." Umupo na rin siya. Akala ko madaling itanggi na nagkagusto rin ako kay Calvin noon pero ang hirap pala dahil magsisinungaling ako sa kabilang banda.

"Oo, nagkagusto ako sa kanya." Yun nalang ang naging sagot ko para di na mas maging komplikado ang lahat. Hindi pa ako ready at di ko pa napagpraktisan kung pano ko aaminin na siya na ang gusto ko ngayon, ang ibig kong sabihin siya na ang mahal ko ngayon.
  
      Ipinatong niya ang ulo  niya sa kamay niya na nasa mga tuhod niya habang  nakatingin ng diretso sa may zipper ng tent.

"Pano mo siya nagustuhan?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil parang nakakahiya naman na sagutin ang bagay na yun kung bukas ay aaminin na rin ako sa kanya.

"Bakit ba natin pinag-uusapan to?"

   Bakit niya ba tinatanong ang mga awkward na tanong na yun? Pwede na rin kong iassume na nagseselos siya. Pero ewan ko!

"Matulog na tayo." Malumanay siya ngayon ah.  Anyare? Wala sa mood? Daig pa ako nito sa mood wings ko

*********

      Natapos ang buong araw  namin na puro activity lang ang ginawa pero syempre lahat  kami ay may natutunan.  Magaling talagang leader si Calvin dahil napapasunod niya ng maayos ang mga tao niya.

     This is the third day of our team building and speaking of third day! This is our last day and this is the day that I will confess my true feelings to  Khian. I'm so nervous coz I know in our contract we should not love each other.  I'm very confuse but I really want to him.

Unexpected Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon