Chapter 61- She's Gone

5.7K 128 4
                                    

Third Person POV
*Teeet. Teeet*

Agad nilang hinanap ang pinanggalingan ng tunog at nakita nilang may bomba doon.

"F*CK! MAY BOMBA! "sambit ni Grae na syang nakakita ng bomba.

Nag panic naman sila at nilapitan si Steph tsaka sana bubuhatin ito.

"N-no. Makakasagabal lang ako sa inyo. Mas mapapabilis kayo kung maiiwan ako dito. "Sabe ni Steph ng nanghihina.

"Hindi ka namen iiwan. "Protesta ni John.

Hinawakan ni Steph ang pisngi ng taong mahal nya.

"Shhh! Kahet makalabas ako dito hindi ko na din kakayaning makapunta pa sa hospital. Tsaka tanggap ko na ang kapalaran kong ito. Atleast alam kong hanggang kamatayan ko naprotektahan ko kayo. Always remember that I love you. "Sabe ni Steph.

Tumingin si Steph kala Nic na nakatingin lang sakanila.

"Ilabas nyo na sila hangga't may oras pa kayo. Take care of this girls for me alright? Kampante ako na iwan sila sa inyo dahil alam kong aalagaan nyo sila. "Sabe ng dalaga ng nakangiti.

Tututol pa sana sila pero nakita nila ang bomba na malapit ng sumabog kaya naman agad nilang hinila ang mga babae at si John palabas kahit ayaw ng mga ito.

Pag kalabas na pag kalabas nila ay....

*BOOOOOOMMMMM!!!!!! *

Lahat ay nagulantang sa pag sabog sa lumang gusali kung saan nanggaling sina John.

"STEEEPPPHHH! "sigaw nila Chris Ann.

Umiiyak sila habang nakatingin lang sa gusali. Samantalang si John naman ay nakayuko habang nakaluhod.

"H-hindi! S-steph! "

Yan ang nasa isip ng lahat.

Biglang may dumating na mga sasakyan at doon bumaba ang rank 3- 5 . Hindi sila pinasali sa nagganap na gang war dahil ang gusto ni Steph ay maging Back up sila.

Kasama ng mga ito ang mga magulang ni Steph. Si Stephen, si Joaquin, Jheycee, Jm at ang Emperor na lolo ni Steph.

Nag taka naman sila dahil sa nakita nilang pag iyak ng mga ito. Wala silang kaalam alam sa nangyare.

Pero ng makita nilang kulang sila ay bigla silang kinabahan. Kaya agad silang napatakbo kala John.

"B-baket kayo umiiyak? "Tanong ng mama ni Steph na si Shy.

"Tsaka asan si Hime? Baket di nyo sya kasama? "Tanong ni Jm.

Patuloy lang sila sa pag iyak at hindi sinagot ang mga katanungan nila.

"ASAN SI SHANE!!? MAG SALITA KAYO!!! "sigaw na ni Stephen.

Dahil lalo silang kinakabahan dahil sa katahimikan ng mga ito.

"W-wala n-a. "Nauutal na sabe ni Janrose dahil sa kakaiyak.

"A-anong wala na? Asan sya?!!"sabe ni Joaquin.

"Wala na sya. K-kasama sya sa sumabog na bodega. N-niligtas nya kame. "Sabe ni Rossenne.

Parang biglang nanlumo ang mga ito sa narinig. Hindi sila makapaniwala sa narinig.

Nag simulang umiyak ang mama ni Steph at si Nathalie.

"N-no! Hindi pa patay ang kakambal ko! Hindi to pwede! Hindi pa patay ang Prinsesa ko! "Sabe ni Stephen at biglang napaupo.

"N-no. Our Hime. Ngayon ko na lang ulit sya nakakasama. Ngayon pa lang kame babawe. Steph." Sabe ng papa ni Steph.

Lahat ay hindi makapaniwala sa sinapit ng dalaga.

Lahat ay hindi matanggap na wala na babaeng gagawin ang lahat para lang maprotektahan nila.

Umiyak lang sila ng umiyak hanggang sa may dumating na ambulance at bumbero.

Nang maapula ang apoy na nanggaling sa gusaling sumabog ay pumasok ang mga bumbero at nilabas ang mga bangkay na naruruon.

Hanggang sa huling bangkay na lang ang nilabas.

May nakita silang bracelet sa kamay ng bangkay na hindi nasunog ay lalong napahagulgol ang lahat.

Dahil na kumpirma nila na ang bangkay na iyon na halos hindi na makilala ay ang bangkay ng pinaka mamahal nilang si Stephanie Shane Jung o mas kilala bilang Ice Queen.

______________
EDITED!!!!

CoLd Vs. HotWhere stories live. Discover now