Chapter 32- The upcoming concert

6.1K 168 9
                                    

Alex POV
Andito na kame sa room namen at nag didiscuss na ang Prof tungkol sa kung ano ano. Wala din si Steph.

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang sinasabe. Lumilipad kase ang isip. Iniisip ko kung ano ba ang dahilan ni Steph at bumalik sya sa dati.

Kahit naman kase ganun yun si Steph na laging cold at halos di na kame pansinin ay mahalaga pa din saken yun. Kaibigan namen yun eh.

Nabalik lang ako sa wisyo ng may kumatok sa pintuan namen. Lahat kame napatingin kung sino ba yun.

Pero nadisappoint kame ng makitang isang studyante lang pala. Akala ko kase si Steph eh.

Tumingin samen yung Prof namen pag katapos nyang kausapin yung studyante.

"Pinapapunta kayo ni Mr. Kang sa opisina nya Ms. Chris Ann kasama ang mga kaibigan mo. Ganun din kayo Mr. Jeon. Excused na kayo sa klase ko. You may go. "Prof.

Nagtaka naman kame sa sinabe nya. Baket kaya ke pinapatawag ni Jm?

Tumayo na kame kahit nag tataka pa din kame tsaka pumunta sa office ni Jm.

"Oh?  Baket mo kame pinatawag? "Bungad ni John kay Jm pag kapasok na pag kapasok namen.

"Oo nga. Nasa klase kaya kame. "Keith.

"Just chill guys. Kulang pa kayo. Kailangan kompleto kayo pag sinabe ko to sa inyo. "Jm.

Kulang? Mag tatanong pa lang sana ako kung sino pa ang kulang samen ng biglang bumukas yung pinto at pumasok si Steph. Halata mo sakanya na badtrip sya.

"Jm! Siguraduhin mo lang na mahalaga yang sasabihin mo kung hindi lagot ka saken. Kahit pinsan kita babalian kita. Alam mo namang busy ako sa pag hahanap sakanya. "Steph.

"Chill lang insan. Importante to. Maupo ka muna. "Jm.

Dumiretso si Steph sa mahabang couch at nahiga don tapos pumikit.

Nakatitig lang kame sakanya. Halata mo yung pagod sakanya tapos ang laki na ng eyebag nya. Ganun ba sya ka busy at parang pagod na pagod sya?

"Alam nyo naman siguro ang kasabihang 'Starring is rude' diba?" Tanong nya sabay dilat kaya napaiwas kame ng tingin sakanya.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na bumangon sya sa pagkakahiga nya. Tsaka tumingin kay Jm.

"So,what's the reason behind this fvcking meeting? "Steph.

"Malapit na kase ang Intramurals naten. It's two weeks from now. Kaya naisip ko na mag karoon tayo ng isang mini program. At dahil ang grupo nyo ang pinakasikat dito sa JA. Naisip ko na kayo na lang ang mag perform tiyak matutuwa ang mga studyante pag nag performs kayo. At alam kong alam natin parepareho na magagaling kayo mag perform. So, what do you think? "Paliwanag samen ni Jm.

CoLd Vs. HotWhere stories live. Discover now