Chapter 15- Sorry

7K 188 2
                                    

Austine POV
Andito kame sa condo ni Tyler. Dito kame dumiretso pagkagaling namen sa Starbucks .

Nakatingin lang kame kay Tyler na kanina pa ikot ng ikot mula nung dumating kame dito.

"Maupo ka nga! Nahihilo kame sayo eh. Baket ba kase hindi ka mapakale? "Sabe ni John.

Napatigil naman si Tyler sa pag ikot ikot at tumingin samen ng masama .

"Kasalanan nyo to eh! Baket nyo ba kase kame sinundan at baket nyo ba sinabe sakanila yun? "Galit na sabe samen ni Tyler.

Nagulat kame sa sinabe nya kase first time nya magalit samen. Sya kase yung pinaka understanding samen.

"All this time! Kayo na lang lagi yung kasama ko. Gusto ko naman magkaroon ng mga kaibigan bukod sa inyo! Gusto ko din makipag halubilo sa iba hindi yung parati na lang kayo yung kasama ko!"Sabe pa ni Tyler.

Ganun nya ba talaga kagustong maging kaibigan yung mga yun at nagawa nyang magalit samen ?

"You don't even know them to judge them. Kaya hindi ko maisip kung saan nanggaling yung mga sinabe nyo sakanila. "Tuloy pa nya.

"Yun na nga! Hindi naten sila kilala! Baka may gawin silang masama sayo! Tsaka nakalimutan mo na bang napabagsak nila tayo at alam nilang rank 2 tayo sa WOG! Baka kalaban sila at kinukuha lang ang loob mo para makakuha ng impormasyon na pwede nilang ipang laban saten ! "Sabe ni John.

Lalong bumakas sa muka ni Tyler ang galit dahil sa sinabe ni John

"Ayan ka na naman eh. Nanghuhusga ka na naman. Hindi pa nga natin sila kilala. Kaya ko nga sila kikilalanin at kakaibiganin para malaman kung masama ba sila o hindi. Pag napatunayan kong masama nga sila at may balak nga silang masama saten ako na mismo ang kusang lalayo sakanila.  "

"Hindi na ko bata. Kaya ko na ang sarili ko. Kilala nyo ko. Hindi ako lumalapit sa mga taong alam kong ikakapahamak ko. Hindi ako tanga para hindi ko maramdaman agad kung may masama ba silang balak saken. Baka nakakalimutan nyo? Rank 2 tayo at kasama sa naging training naten ang kumilatis ng mga taong nakakahalubilo naten. Kaya wag nyo kong binebaby."Tyler.

"Eto ang tatandaan nyong lahat. Makikipag kaibigan pa din ako sakanila sa ayaw at sa gusto nyo. Walang makakapigil saken kahit kayo pa. "Sabe nya tsaka pumasok sa kwarto nya at iniwan kame na nakanganga.

Nag katinginan kameng anim at tsaka sabay sabay umalis.

Grae POV
Andito na kame sa room. Hinihintay namen pumasok sila Steph. Hihingi kame ng sorry. Tama si Tyler. Hinusgahan agad namen sila Steph kahit na hindi pa namin sila kilala.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sila Steph kasama si Tyler.

Tumayo kame at nilapitan sila. Napatingin naman sila samen dahil doon.

"WE'RE SO SORRY! "sabe nameng anim.

"Tama si Tyler. Hindi dapat namen kayo hinusgahan agad. Hindi pa nga namen kayo kilala eh. "Sabe ni John.

Tumingin lang samen si Steph tsaka umupo at umubob sa upuan nya. Hindi man lang kame pinansin?

"Pag pasensyahan nyo na yun si Steph. Ganun lang talaga yun. Walang pakialam sa mundo. Pero wag kayong mag alala kakausapin namen sya. Ayaw nya lang kase na hinuhusgahan kame." Sabe ni Chris Ann sabay ngiti samen

Napatango naman kame. Ang bait naman nya. Kahit may nagawa kame kinausap nya pa din kame.

"Friends? "Sabe ni Nic sabay lahad ng kamay nya.

Ginaya namen sya at nilahad din namen yung kamay namen.

"Friends"sabe ng girls sabay abot sa kamay namen.

Nilapitan kame ni Tyler at inakbayan.

"Salamat mga tol. "Sabe nya.

"Wala yun. Tsaka mali naman talaga yung sinabe namen sa kanila eh. "Alex.

Ngumiti lang sya samen. Lumapit ulit kame kila Chris Ann at mabait nga sila! Kaso si Steph cold talaga sya. Nakadukdok lang sya at hindi kame pinapansin.

Hindi nga halatang kaibigan nya to sila Chris Ann. Masayahin kase sila Chris Ann samantalang tahimik si Steph at halos di na namamansin.

Nagkwentuhan lang kame ng nagkwentuhan buti wala kameng teacher sa first subject namen.

Kaya mas madami pa kameng napagkwentuhan tungkol sa isa't isa.

____________
EDITED!!

CoLd Vs. HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon