Chapter 57- Ruin

4.4K 109 1
                                    

Third Person POV
Agad na napasugod si Steph sa J. A dahil nabalitaan nya na nandun ang Dark Thunder upang sirain ang paaralan.

Pag dating nya sa JA ay agad syang nanlumo sa nakita.

Sunog na mga buildings, basag na mga salamin, at mga studyanteng nag kalat na may mga sugat.

Walang ibang maririnig sa paaralan kundi mga pag sabog at sigawan.

Agad umusbong ang galit sa dibdib nya. Dahil hindi nya akalaing mandadamay ng inosente ang mga kalaban nya.

Pinaligiran sya ng mga miyembro ng DT at may iba't iba itong armas.

Nag labas din sya ng baril nya. Hindi lang ito ordinaryong baril dahil sya mismo ang gumawa nito.

Hindi ito nauubusan ng bala at may chemical lahat ng bala nito. Agad kang mamamatay pag natamaan ka nito. Kahit daplis lang.

Agad nyang pinag babaril lahat ng makikita nyang kalaban at hindi sya nag mimintis. Pinapatamaan nya ito sa noo o sa dibdib kung nasaan ang puso.

Dumating na din sila John upang tulungan si Steph. Agad nilang nilibot ang paningin upang makita si Steph.

Nanigas sila sa kinatatayuan ng may makitang isang babae na nababalutan ng sobrang itim na aura at walang awang binabaril ang kung sino mang nag tatangkang lumapit sakanya.

Napalingon naman si Steph sakanila at lalo silang nangilabot ng makita nila ang nakakatakot na ngisi sa labi nito.

"They ruin my school. My property. Kaya hindi ako papayag na hindi nila makita yung isa ko pang kakambal. Si Lucifer. "Sabe nya suot pa din ang nakakatakot na ngisi.

Bumalik na si Steph sa pakikipag barilan. Sumali na din ang mag kakaibigan sa pakikipag barilan.

Yung iba ay tinulungan ang mga studyante na madala sa Hospital.

Nilibot nila ang school upang masiguradong wala ng makakalaban.

Biglang nabitawan ni Steph ang baril nya kaya nilabas nya ang baseball bat nya na nakasabit sa likod nya.

Lahat ng madadaanan nya ay pinapalo nya sa ulo. Wala na syang pake sa paligid nya. Basta ang alam nya lang ay galit sya .

Ang mga kaibigan naman ni Steph ay patuloy lang ding nag papaputok at pag asinta sa mga kalaban.

Napatigil lang sila ng makita nilang may sasaksak kay Steph mula sa likod.

"STEPH! SA LIKOD MO! "Sabay sabay na sigaw ng mag kakaibigan kay Steph.

Pero nagulat sila. Dahil nawalan ng ulo ang taong dapat ay sasaksak sakanya.

Dun lang nila nakita na may hawak itong katana na ginamit nya sa pag pugot ng ulo nung lalaki.

Bumalik na din sila sa pakikipag laban. Ngunit unti unti na silang napapagod.

Dahil sa busy sila sa pakikipag laban hindi nila na pansin may tao pala sa likod nila at bigla na lang pinalo ng matigas na bagay si JanRose tsaka Austine.

Nang makuha na sina JanRose ay agad na itong nagsialisan.

Nag taka naman sila kung baket ito nag alisan. Ang akala nila ay natakot lang ang mga ito.

Pumunta sila kay Steph na ngayon ay punong puno na ng dugo ang damit .Kanina ay puti ngayon ay naging pula.

"Where's Janrose and Austine? "Agad na tanong ni Steph pag lapit nila.

Dun lang din napagtanto ng magkakaibigan na kulang nga sila. Agad silang nag panic dahil alam nilang hawak ito ng kalaban.

"Ginagalit talaga nila ako. Oras na may mangyare sa dalawang yun humanda sila saken."nanggagalaiting sabe nito.

Nilibot ni Steph ang tingin at nakita nyang may isang lalaking nagtatago sa mga halaman.

Napangisi naman sya at nag lakad papunta doon. Itinutok nya ang katanang hawak nya sa leeg nung lalaki.

"John and Nic dalhin nyo tong lalaking to baka alam nya kung saan dinala sila Janrose. "Sabe nito.

Agad naman na silang umalis sa JA upang malaman na nila kung asan ba ang mga kaibigan .

"Humanda kayo sa pag dating ng Demonyong sinasabe nyo." Nakangising bulong ni Steph sa sarili.

_____________
EDITED!!!!

CoLd Vs. HotWhere stories live. Discover now