Chapter 10- Match

7.8K 225 3
                                    

Jessica POV
Andito ako sa van. Kasama ko sila Steph. Napagusapan kase namin na sabay sabay na kameng pumunta ng JA.

Ngayon kase yung laro namen laban kela John at Nathalie. Hindi kame nag woworry na baka matalo kame. Varsity players kame sa dati nameng school at kameng lima ang pambato ng school.

Halos lahat ng sports ay kaya naming anim. Nahawa kase kame kay Steph sa pagiging sporty. Kung kame halos lang. Sya lahat talaga.

Nag paturo kame sakanya para maging katulad namen syang sporty at hindi naman nya kame tinanggihan.

Nung makadating na kame sa J.A nag park lang kame at bumaba na sa van namen.

Napatingin samen yung mga studyante kase naka jersey na kame na kulay black.

Wala nga din palang pasok ngayon. Para daw makapanuod yung mga studyante . Kaya kahit walang pasok madami pa ding tao.

Pumunta na kame sa gym at pag pasok namen nagulat kame kase biglang nagsigawan yung tao sa gym.

Ang dame palang manunuod. Andito na din yung grupo nila Nathalie. Naka pink jersey sila .

"Kala namen di na kayo dadating eh. Baka kase natakot na kayo. "Sabe ni Nathalie.

"Wag kang mayabang."sabe ko.

Nag start na yung laro. Ang maglalaro sa team namen ay si Ronalyn, JanRose, Paula, Keith tsaka ako .

Kela Nathalie naman ay sila Nathalie, Rheann, Venus, Erica at Zylyn. Saktong lima sila eh.

Unang bola ay samen. Nagkunyari kameng hindi kame marunong maglaro ng basket ball.

May plano kase kame eh. 1st and 2nd quarter hindi muna kame mag soshoot. Aalamin muna namen yung techniques nila.

Pag 3rd and 4th quarter naman tsaka namen sila tatalunin.

At tulad ng inaasahan nung tapos na yung 1st and 2nd quarter nagyabang na sila Nathalie.

"Ang lakas pa ng loob nyo na hamunin kame ah? Wala naman kayong binatbat." Hindi kame nagsalita.

10-78 kase ang score kaya nag yayabang. Pero kaya pa nameng habulin yan.

Nagstart na ang 3rd quarter at si Nathalie ang may hawak ng bola pero agad yun na naagaw ni Ronalyn.

Nasa gitna pa lang sya ng court nag form na sya na mag soshoot. Tumalon sya at binitawan yung bola. SHOOT!

Nagsigawan naman yung mga tao dito sa gym na kanina lang ay ang tahimik.

Sila Nathalie naman ay halata sa muka nila ang pagkagulat.

Nagpatuloy lang ng puro ganun ang nangyayare. Hindi na nakashoot sila Nathalie.

Hanggang sa Last 2 minutes na lang ang oras at ang score ay 77-78. Lamang sila.

Kanila ang bola at inuubos na lang nila yung oras. Pero naagaw yun ni Keith . 10 seconds na lang.

Kahet nasa kabilang dulo palang si Keith ay hinagis na nya yung bola papunta dun sa pag soshootan namen.

At PASOK! PANALO KAME!

Lalong umingay ang tao sa gym. Sila Nathalie naman ay halata ang gulat sa mga muka nila .

Lumapit kame kela Steph at Chris Ann na naghahanda na. Sila na kase ang next at alam kong kaya nila yan.

Kenneth POV
Nagulat talaga kame kase natalo nila JanRose sila Nathalie.

Andito lang kame sa isa sa mga bleachers dito sa gym. Laban na kase ni Chris Ann at Nic.

Ang usapan paunahan lang makascore ng 5 .

Nag start na sila at katulad ng ginawa kanina nila JanRose na strategy ganun din yung ginawa nya.

Hinintay nyang makascore si Nic ng 4 at dun na sya bumawe ng shoot kaya in the end nanalo na naman si Chris Ann.

Nung sila Stephanie na at si John ang nag laban ay akala namen ganun din yung techniques na gagawen nya tulad ng ginawa ng mga kaibigan nya pero mali kame.

Shoot lang sya ng shoot kahet na ang layo nya sa court. At ang mas nakakagulat nashoshoot yung mga tinitira nya.

Kaya nanalo sya ng hindi man lang nakakascore si John.

Tulala lang kame kase hindi kame makapaniwala na talo sila John at Nic.

Napatingin kame kala Stephanie kase papunta sila sa kinaroroonan namen.

"Nice game. But unfortunately you lost and kailangan nyo ng tumigil sa pambubully . Or else....." putol nya sa sinasabe nya sabay pakita samen ng phone nya.

Nanlaki yung mata namen nung makita namen yun.

Video yun ng naging laban nila kanina at kitang kita kung pano nila natalo sila John.

"Ano kayang sasabihin ng mga tao pag nakita nila to? Na yung rank 2 sa WOG ay natalo ng mga babae? " sabe ni Steph ng nakasmirk.

"Hindi ko ilalabas ang video nyo basta tumupad kayo sa usapan. Tumutupad ako sa usapan kaya sana kayo din. "Sabe ni Stephanie at umalis na sila.

Habang kame nakatulala pa din sa mga sinabe nila.

Sino ba talaga kayo Stephanie? At pano nyo nalaman ang tungkol sa WOG?

Dahil kahit kilala kameng gangster walang nakakaalam ng tungkol sa WOG. Pwera na lang kung.....

GANGSTER DIN SILA.

___________
EDITED!!!

CoLd Vs. HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon