Chapter 31- She's back

6.1K 165 2
                                    

Ronalyn POV
It's been 2 weeks after we trained in the Palace. At sa 2 weeks na nasa Palace kame ay para na din kameng nasa hell. Napakahigpit ni Steph sa pag tetraining. Pati kame ay pinahirapan nya. Pero ayos lang, ramdam naman namen na lumakas kame.

Simula din nung matapos ang pag tetraining namin sa Palace ay iniiwasan nya na kame. Actually, simula pa nung kinuasap namen sya tungkol sakanila ni John hindi nya na kame kinakausap. Kakausapin lang nya kame kung may ipapagawa sya.

Simula din nung umalis kame sa Palace madalang na namen syang makita, lagi syang gabi umuuwe tapos napakaaga namang umalis sa bahay pag umaga. Hindi din sya pumapasok sa JA. Sabe ni Jm busy lang daw.

Hindi namen alam kung ano na bang nangyayare sakanya. Pero alam namen na meron pa syang ibang problema bukod sa nangyare sakanila ni John.

Nakausap na din namen si John tungkol sa nangyare at sabe nya hindi nya daw sinasadya yun. Nadala lang daw sya sa galit nya. Sinubukan nya daw mag paliwanag kay Steph pero hindi sya neto pinapansin.

Nag lalakad kame sa loob ng JA. Wala kase kameng teacher kaya naisip namen na mag gala muna. Tsaka nasabe samen ni Jm na andito si Steph. Nag babakasakali kameng makita sya.

At hindi nga ako nag kamali. Nakasalubong namen sya pero may kasama sya. Si Ivan at si Arvin.

Kagang sila ni Joaquin at pinsan ni ko tsaka Paula. Baket kaya sila mag kakasama?

Kita kong napatingin sya samen kaya hinarap nya sila Ivan at Arvin tsaka may ibinulong sa mga ito.

Nakita din namen na tumango yung dalawa tsaka umalis. Tumingin lang sya samen ng sandali at mag lalakad na sana ng hawakan sya ni Janrose sa kamay.

"H-hey! Anong nangyayare sayo?" Mangiyak ngiyak na sabe ni Janrose sakanya.

Pero imbis na sagutin nya ang tanong ni Janrose ay tinanggal nya lang ang pag kakahawak ni Janrose sakanya.

Hindi namen sya nakitaan ng kahit na anong emosyon sa muka nya ng muli nyang sulyapan ng tingin si Janrose tsaka sya tuluyang umalis.

Nakatulala lang kame habang nakatingin sa likudan nya na papalayo. Kahit hindi na namin sya matanaw ay nakatingin pa din kame sa dinaanan nya.

"I think She's back. "Chris Ann habang nakatulala.

"Panong bumalik na sya?"tanong ni Alex.

Napatingi naman kame sakanya tsaka kame nag katinginan nila Chris Ann. Tingin ko kailangan na nilang malaman.

"Ang totoo,hindi naman talaga sya ganyan dati eh. She's jolly,happy go lucky, childish, friendly. Pero nabago yun simula nung mamatay ang mama at kakambal nya sa mismong birthday nila. Sinisi nya yung sarili nya kase wala man lang syang nagawa."

"Sobrang miserable nya nun. Hindi nya matanggap na nawala ang mga pinakaimportante sakanya. Tapos yung daddy nya wala pang oras sakanila. At yung bestfriend nya na sobrang malapit sakanya ay biglang nawala kasabay ng pag kamatay ng mama at kambal nya."

"Sa sobra sigurong sakit ng nararamdaman nya natuto syang mag rebelde. Naging lasinggera sya kahit ng 13 pa lang sya nun, lagi syang napupunta sa kulungan. Pero dahil sa minor age sya ay pinapalaya din sya agad. Naging play girl din sya. Kung si Keith iba iba ang lalaki linggo linggo, sya araw araw. Naging patapon yung buhay nya.Iniiwasan nya din kame nun."

"Yun ang dahilan kung baket kame andito. Pinabalik sya ng daddy nya dito dahil nga sa mga pinaggagagawa nya. Kala namen nag bago na sya. Pero hindi pala." Malungkot na sabe namin.

"Pero diba? Nag bago sya dati because her mom and twin died? Ano naman kaya ang dahilan nya ngayon kung bakit sya bumalik sa ganung ugali nya?" Tanong ni Kenneth.

"Hindi namen alam."

Pero kung ano man yun, sana wag nun palalain si Steph.

____________
EDITED!!!!

CoLd Vs. HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon