Chapter 40- Revelations

5.6K 166 2
                                    

Paula POV
Nagulat kame ng makita kung sino ba yung nasa stage. Napatingin kameng lahat kay Steph na nabitawan ang wine glass nya sa sobrang gulat.

Nakita namen na nakatayo si Shy Jung at Stephen Shaun Jung na nakatayo sa stage. Ang mga taong inaakala naming matagal ng patay, ngayon ay nasa harap naming lahat at buhay na buhay.

Nakita namin kung pano bumakas ang sakit sa muka ni Steph at unti unting pag tulo ng mga tubig na nanggaling sa mga mata nya.

Bumaba ng Stage si Tita at Stephen at nag lakad papunta sa direksyon ni Steph. Ngunit lumalayo lamang ito kaya napahinto na lang sila Tita.

Lahat ay ng atensyon ay nakatuon lamang sa tatlong tao na nasa harap naming lahat. Pero napaiwas kaming lahat ng tingin dahil sa mga ipinukol na tingin ni Steph saamen.


"Party is over. Pwede na kayong umalis."Mahinahong sabe nya.

Nagsialisan na yung mga tao.Ang natira na lang ay kaming nila John, Emperor, Joaquin, Tita Shy, Tito Steven at Shaun.

Mag lalakad na din sana kame nila John para umalis ng pgilan kame ni Steph.

"Stay. "Cold na sabe nya kaya huminto kame sa pag lalakad.

Humarap sya sameng lahat. May bahid pa ng luha ang muka nya. Buti na lang ay water proof ang make nya kaya hindi kumakalat.

"Now, Explain. Pano kayo nabuhay? Bakit inilihim nyo saken?"Tanong ni Steph.

"Nung nasunog yung bahay nasa loob din ako ng bahay nun. Nag hanap ako ng malalabasan. dun ko nakita si Stephen na buhat buhat si Shy na walang malay. Inalalayan ko din sila. Nag hanap pa din kame ng malalabasan pero sunog na yung 1st floor ng bahay kaya hindi na namen alam ang gagawin namen. Pero nakita ko yung room mo Steph. Alam kong meron kang secret passage papuntang WOG kaya dun kame dumaan para makaligtas." Pagpapaliwanag ni Emperor.

"Pero may nakitang bangkay dun sa nasunog na bahay. "Daddy ni Steph.

"That was your maid and your driver. Natrap din sila sa loob ng bahay nyo."Emperor.

Biglang napatayo si Steph sa kinauupuan nya.

"All this time alam nyong buhay sila.Alam nyo yung pinag daanan ko nung mga panahong akala ko ay patay na sila. Nagrebelde ako, pabalik balik ako sa kulungan. Naisip ko ding mag suicide dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko at para makasama ko ulit kayo. Sinisi ko yung sarili ko dahil wala man lang nagawa para mailigtas ko kayo. Naging impyeno ang buhay ko dahil dun. Sobrang sakit kase inilihim nyo saken to. Araw araw akong nag dudusa tapos malalaman ko na buhay kayo at hinayaan nyo lang masira ang buhay ko? ang sakit sakit."Puno ng hinanakit na sabe ni Steph habang tuloy tuloy na umaagos ang mga luha nya.

Iyak sya ng iyak at sobrang sakit samen na nakikita syang nasasaktan, umiiyak at nahihirapan. Tumingin sya samen kaya medyo napaatras kame.

"Alam nyo ba to?"Tanong nya kaya sabay sabay kaming umiling.

"Tell me. Baket nyo tinago saken to? "Sabe nya at muling ibinaling ang tingin sa lolo nya.

"Kase alam nameng mag papadalos dalos ka kapag nalaman mong sinadyang sunugin ang bahay nyo. Susugod ka agad sakanila ng wala man lang plano. Kilala ka namin Stephanie. Pag dating sa mga taong mahal mo hindi ka na nakakapag isip ng maayos. "Paliwanag ni Emperor sakanya..

"Si Rossenne ba ang may gawa nito?"may galit na tanong nya.

Tumango naman sila Emperor bilang sagot. Nakita namin kung pano mag iba ang timpla ng muka ni Steph. Nanginging syang tumayo at lumapit sa lamesang malapit lang samen at pinag hahagis ang laman nito.

Lahat ng makita nya binabalibag nya at lahat yun ay nasisira. Kitang kita namin na galit na galit sya.

"Aaaaahhhh!!!! Pinag katiwalaan ko sya. I treat her as my sister! She betrayed me."Galit na galit nyang sabe.

Pero nagulat kame ng tumigil sya sa pag hahagis ng kung ano ano at biglang ngumisi ng nakakakilabot.

"Gusto nyang makipag laro? Pwes! Ibibigay ko sakanya ang larong gusto nya. May the best player win my Ex Bestfriend."

___________

EDITED!!!!

CoLd Vs. HotWhere stories live. Discover now