BitterSweet

1.4K 41 22
                                    

BitterSweet

PROLOGUE:

Sabi nila pag magmahal ka, huwag bigay todo. Magtira para sa sarili. Ang sabi ko naman, ang sarili nandyan lang yan. Kapag magmahal ka dapat ibigay mo ang lahat – lahat kahit wala nang matira pa sayo.

Sabi rin nila pag magmahal ka dapat huwag kalimutang mahalin ang sarili kasi kapag nangyari yun, sa huli pagsisisihan mo. Sabi ko naman, okay lang ang mawala na ang lahat huwag lang mawala ang minamahal ko dahil lang sa mas inuna ko ang sarili ko. Mabuti nang ako ang magsisi dahil ginawa ko ang lahat kesa naman magsisi ako kasi may magagawa pala ako eh hindi ko naman ginawa.

At sabi rin nila, dapat daw pag iniwan ka, dapat ayusin mo ang sarili mo para magsisi sila. Sabi ko naman, bakit ko kaylangan ayusin ang sarili ko para sa taong iniwan naman ako? Ang dapat dun, aayusin ko ang sarili ko hindi para sa kanino man, kundi para mas maging maayos ang buhay ko. At kung dahil sa kanya kaya ka nagpapaganda, nagpapagwapo, nagpapa sexy, nagpapa macho o ano pa man yan, ibig sabihin, naka attached ka pa rin sa past mo.

Sabi nga nila masyado akong salungat sa kanila, sabi ko naman, HINDI. Masyado lang ako sumasang ayon sa kung ano ang tama at nararapat.

Pero tanong nila, paano kung dumating ako sa punto na tama ang mahalin siya pero mali rin ang desisyong mahalin siya?

Magulo ba?

Parang magulo nga, pero ewan ko ba.

Basta kung karapat dapat ipag laban, bakit naman hindi.

BitterSweet by: XeltrahbladeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ