Just like the old times

11 0 0
                                    

  Hindi ko maintindihan kung bakit lumalabas ang monster side ni Adriel. Hindi ko magawang tantsahin kung paano at kelan siya nagiging ganito! Pano ako iiwas ngayon!?

       “Adriel, binigyan na kita ng pagkakataong maging kaibigan ko! Sana sapat na sayo iyun! Bitawan mo na ‘ko, please!”

       “HINDI! AYoko!!”

       “ADRI…!!!!!”, hindi natuloy.

   (Biglang may humila kay Adriel at nabitawan na rin ako sa wakas. Ang sakit ng likod at ng batok ko! Pero hindi iyun ang issue. Nakita ko nalang na naka-higa sa lapag si Adriel na parang binalibag. Pagtingin ko sa isa pang nilalang….. si KIM!!!!)

       “K-Kim…. Kim..!!!”

       “Anong….. ginagawa mo…..??!”

   (Parang gulat rin ang ekspresyon ni Kim. Hindi yata siya makapaniwalang napa-tumba niya si Adriel. Bigla niya akong sinulyapan, sabay na tumakbo pa-alis. Ako naman, tumayo rin ako’t tumakbo para habulin si Kim.. )

   Tinulungan ako ni Kim…. Tinulungan niya talaga ako!!! Pero…… pero hindi ito isang senyales na pwede pang manatili samin si Kim. Pero…… hay! Anu bang iniisip ko!? Malamang ililigtas niya ako dahil nga alam niyang kaibigan niya ‘ko kahit hindi niya maalalang nangyari iyun.

  At si Adriel… ANong gagawin ko sakanya…? Malayo na ako sakanya ngayon… Pero natatakot parin ako… Hindi ko siya kayang harapin… Ayokong makita siya, o marinig man lang ang boses niya… Isa siyang halimaw…. Nakakatakot na halimaw…

  Tapos na ang klase. Hindi ko na pinaalam kay Cyrene iyung nangyari. Nawawala pa si Kim, at hindi rin nagpakita si Adriel. Nakonsensya sana siya!

       “Sige na, Cyrene.. Uuwi na ‘ko. ^_^”, sabi ko.

       “Hmm..? Hindi nanaman kayo sabay ni Kim..?”

   (Umiling ako, at nagpaalam na rin sya sakin.)

 Ngayon iniisip ko, bukas na bukas rin, ibabalik ko na siya sa pamilya niya. Wala akong pake kung walang Adriel na tutulong sakin. Alam ko parin naman kung pano pumunta sa mansion niya e. Desperada na ‘ko, kahit pa medyo masama sa loob ko.

       “Mama… Bukas, ibabalik ko na po si Adriel sa mga magulang niya.”, sabi ko.

       “Ha..? Ibabalik…? Sigurado ka bang okay lang iyun.?”

       “Opo, Mama… Kahit magalit pa po sila sakin..”

  (Tumango tango nalang si Mama. Bigla namang dumating si Kim, at pagdating niya, sinabi ko na rin sakanya na bukas ibabalik ko na siya. Wala siyang sinabi na kahit ano, tumango lang siya at pumasok sa kwarto niya.)

    Next Day

May pasok parin naman ngayon. Kaya pag uwian na, saka ko ihahatid si Kim. Inasahan ko namang makikita ko si Adriel kahit ayoko, dahil magka-klase kami. At pagpasok na pagpasok ko pa nga lang e sinalubong niya ‘ko.

       “Cylicia…. S-sorry… Kahapon..”, sabi ni Adriel.

  (Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.)

       “Cylicia, please naman! Hindi ko rin maintinihan iyung sarili ko e.. Pagbigyan mo naman ako…”

       “Napagbigyan na kita noon…”, sabi ko.

  (Hinawakan niya ang braso ko, pero pumalag ako.)

       “O ano?? Gagamitan mo nanaman ako ng lakas mo para hindi ako maka-iwas???”

  (At sa pagkakataong iyun, natakasan ko na si Adriel. Nagtatapang-tapangan lang ako e. >.< Pero natatakot ako, sa totoo lang.)

  Ipina-alam ko na kay Cyrene na mamaya, ihahatid ko na si Kim. Nagulat siya, at halata namang hindi siya masaya sa desisyon ko. Sasamahan niya sana ako, pero sabi ko, wag na.

  At ngayong uwian, napaka-bigat ng pakiramdam ko. Bakit ko ba kailangang pagdesisyunan ang ganito? Pero alam ko ito ang dapat. Wala pa si Kim. Malamang lamang, nandoon nanaman siya sa library at kausap si Yunice. Baka nagpapa-alam na rin??

  Pinuntahan ko na si Kim para hindi na magtagal pa. Pero pagdating ko sa library, wala akong nakitang maputing nilalang na naka-upo sana sa pwestong katabi ni Yunice. Nasaan siya?? Nilapitan ko si Yunice.

       “Si Kim…?”, tanong ko.

       “Ay..! Cylicia, iyun din nga po sana itatanong ko sainyo. Kasi po, kahapon pa po siya hindi nagpupunta dito. Himala iyun dahil araw araw talagang nandito iyun. Akala ko naman po, may sakit. -_-“

Nagulat naman ako. Wala siya dito…? Simula kahapon….? Nasaan siya, kung ganon??

Umalis ako sa library, at sinubukan kong hanapin siya sa buong school. Mahirap siya hanapin, lalo na pag iniisip kong nasa banyo lang ba siya. -_- As if na mahanap ko siya kung nandoon nga siya. Naikot ko na ang buong campus, wala akong nakita. Pero may last choice pa ako… Ang roof top..

  Roof top

Hindi ko naman talaga inaasahang nandito si Kim. Pag dating ko dun, wala naman akong nakitang Kim. Pero nung pa-balik na ako, nasa tabi ng pintuan si Kim na naka-upo’t nakatingin sakin. Alang’ya!! Hindi man lang nagsasalita! Nakita niyang nandoon na ‘ko’t hinahanap siya e nananahimik lang siya!??!

       “KIM! Nandito ka lang pala… Hinahanap kita kanina pa e!”, sabi ko.

       “Nahirapan kang hanapin ako? Hindi ba… dapat ito ang first option mo kung nawawala ako..?”

Nagulat ako.. Teka, Kim….?? Oo alam ko, pero kasi… ang isang may amnesia na gaya ni Kim ngayon… sinong magiisip na dito… TEKA!

       “A-anong ibig mong sabihin…?”

       “Hindi ba, sabi mo sakin lagi akong nasa roof top..?”

Ahh… Iyun lang pala iyun. Sus, kala ko naman nagbalik na ang memorya niya. Ginawa lang pala niya iyung sinabi ko. -_-

       “-_- Hindi ko naman inasahang gagawin mo iyung dati mong gawain ngayong wala ka ngang maalala. Kahapon ba nandito ka lang rin?? Nakakapagtaka kasing wala ka sa library.. Hinahanap ka nga rin ni Yunice..”, sabi ko.

       “Na-realize ko kasi na masarap nga dito…”

 (Tumango ako, tapos pina-tayo ko na siya para maka-alis na rin kami. Sumunod naman siya.)

Hay, anu ba ‘to.. Bakit ganito naman pakiramdam ko ngayon..? Alam ko na ito parin ang may-amnesia na Kim. Pero pakiramdam ko, dahil sa ginagawa niya, siya na ulit si Kim na nakasama ko noon. -_- Nakakapikon… Sumakto ba namang ngayon ko pa siya ibabalik sakanila…

Lost Memories (Angel's Smile)Where stories live. Discover now