Lost Memories (Angel's Smile)

126 1 0
                                    

  Hindi ko alam kung gaano katagal ang inabot bago ako nagkaron ng kakayahang dumilat. All-white… Iyun ang una kong nakita… Malamig… Tapos may isang pinaka-nakakasilaw sa lahat ng white na nakikita ko. Biglang sumakit iyung mata ko at napa-pikit ako. Pero puti parin iyung nakikita ko… At saka biglang nag-appear ang imahe ni Kim sa utak ko… Napa-dilat ako ulit, at nag-flash back ang huling nangyari…

  Wala akong naramdaman… Sigawan at sasakyan…

Iyun palang ang naaalala ko sa huling nangyari. Bigla ko ring naalala na alam na ni Cyrene ang totoo. At saka ko naalalang tumakbo nga pala siya, at sinubukan ko siyang iligtas…. Biglang nagkaron ako ng impulse na bumangon, alamin kung buhay ba si Cyrene..

  Saka ko lang napag-tanto na nasa Ospital pala ako. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto, may vase sa tabi ko na may magandang bulaklak. Napa-tingin ako sa orasan at 8:00 pala ng umaga. Tatayo dapat ako, kahit nanghihina pa ko, pero hindi ako naka-galaw ng maayos dahil may dextrose na naka-kabit sa wrist ko. DEXTROSE?!! O__O

      (Biglang bumukas iyung pinto, pumasok si Mama. Nabitawan niya iyung dala niyang plastic na sa tingin ko e damit ang laman, tapos tumakbo siya sakin at niyakap ako ng sobrang higpit.)

           “LYCIA!! Buti naman! Buti naman at nagka-malay ka na!!!”

           “Mama…. A-ano bang nangyari…? Si Cyrene? Anong nangyari? Nasaan silang lahat…?”

     (Lumingon si Mama sa pintuan, at nakita ko dun si Adriel. Nagulat ako, at kinabahan ako.)

           “Pareho silang ligtas…”, sabi ni Adriel.

           “Gusto kong…. Makita si Cyrene..”

      (Nagpupumilit akong tumayo, pero mahina talaga ako.)

           “Wag mo nang pilitin, Lycia.. Halos dalawang linggo ka rin na walang kinakain.”, sabi ni Mama.

           “Dalawang…linggo…??”

           “Oo.. Ikaw lang iyung matagal bago nagka-malay. Isang araw lang na walang malay si Cyrene, at mas nauna lang si Kim sayo ng ilang araw…”

Nagulat ako. Nagtataka ako. Inalala ko iyung nangyari. TEKA… Anong ibig sabihin nun?!

           “Anong… Anong ibig mong sabihin na….”

           “Lycia, sinubukan ka ring iligtas ni Kim..”

           “A-a…ano…!??!?! NASAAN SIYA?!? Gusto ko siyang makita! Kailangan ko siyang puntahan!”

   (Nagpupumiglas ako na parang baliw, pero mahigpit akong hinahawakan ni Mama. Siyempre, mahina nga ako, so kahit nanay ko lang iyun e hindi ko magawang pumalag.)

           “…Hindi mo.. magugustuhang makita si Kim…”, sabi ni Adriel.

           “Anong sinasabi mo diyan?! Gusto ko silang makita! Please…..”

Tapos, tumulo na iyung luha ko. Wala akong kaalam-alam sa anumang nangyari matapos ng halos dalawang linggo..

           “Hahayaan kitang makita si Cyrene… Pero hindi ikaw ang pupunta sakanya. Siya ang pupunta. Tatawagan ko siya..”, sabi ni Adriel, sabay lumabas siya ng kwarto.

    Tinignan rin ako ng doctor, at sinabing maayos na daw ang kalagayan ko. Pinakain nila ako, at ewan ko ba! Dun ko sobrang na-appreciate ang pagkain! Pakiramdam ko isang buong taon akong hindi kumakain! Unti unti ko na ring naibabalik iyung lakas ko.

  Hapon na nung dumating si Cyrene. Sobrang saya ko nung makita ko siya, kahit mukang may pilay siya sa braso. Naiyak siya, ako rin. Tapos niyakap niya ko.

           “Cylicia! I’m so sorry!! Kasalanan ko kung bakit nangyari ‘to sayo!! Kasalanan ko!!”

           “Hindi, Cyrene… Kasalanan ko rin, kasi… maraming bagay iyung hindi ko ipinaalam sayo..”

Masaya talaga akong ligtas si Cyrene… Pero iyak talaga siya ng iyak. Pinapa-tahan ko siya, pero sorry siya ng sorry..

           “Baka bukas…. Baka bukas hayaan ka na nilang puntahan si Kim sa kwarto niya… Pero, Cylicia… Anumang malaman mo sa nangyari sakanya, okay lang kung ako ang sisisihin mo… Okay lang talaga!!”

           “…Kanina… sabi ni Adriel hindi ko gugustuhing makita siya.. At ngayon… Ano ba kasing nangyari sakanya….??”, tanong ko.

  Nagsisimula na kong kabahan. Ang wirdo nila, at hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Ano bang nangyari kay Kim…????

  Start of Part II

Lost Memories (Angel's Smile)Where stories live. Discover now