Sunday Church Again

12 0 0
                                    

  Sunday ngayon…  At naisip ko na… ayain siya na mag-church gaya nung last time.. Sana kahit konti makatulong ‘to sa pagbabalik ng memorya niya.

       “Kim… Gusto sana kitang isama sa church… Pwede ba?”, sabi ko.

       “Church….??”

       “Oo… Sumama ka na sakin noon papunta dun… Wag kang mag-alala..”

  (Matagal siyang hindi sumagot, hanggang sa tumango siya at sinabing isasama si Yunice.)

       “Ang totoo dapat pupunta kami sa library ngayon. Pero since inaya mo ko, at tingin ko mas mahalaga naman sa church, siya nalang ang isasama ko dun. Okay lang ba sayo na kasama siya..??”

       “(ngumiti nalang ako) Oo naman.. Kung iyan ang gusto mo..”, sabi ko.

Pero siyempre, sa aking pagkaka-alam, AYOKO talaga. Pero sige na, pagbigyan.Malay mo naman maging kaibigan ko pa iyung Yunice na iyun.. >.<

  Ilang oras pa, dumating si Yunice, at sabay sabay kaming pumunta sa church. Left behind, ako, malamang. Bahala na, EWAN.. ang mahalaga bumalik iyung ala-ala niya kahit konti lang.

  Okay lang naman talaga ako, maliban nalang nung pag pasok ba naman namin sa church e punong puno. Sino ba namang matutuwa na sa sobrang sikip, walang tatlong upuang magkakatabi at dalawa lang?? So ibig sabihin mag-iisa nanaman ako sa likuran?? -_- Tinignan pa nila ako bilang pagpapa-alam, pero ayoko nang marinig anumang sasabihin nila, umupo na ko agad para wala nang Sali-salita. Kainis.

    Nakakainis naman sa mismong worship songs, imbes na madama ko iyung kanta, napapa-tingin ako sa dalawang ‘to na nasa harapan ko. Hay… bakit ba.. kahit mas matanda sakin si Kim, at tingin ko ka-edad ko naman si Yunice, pakiramdam ko ako ang pinaka-matanda??? O kaya, baka na-i-istress lang ako?? -_-

  Sa gitna ng preaching, nakikinig naman ako. Glad hindi naging distraction sila Kim sakin.

 .. (After one and thirty minutes, tapos na ang church at lumabas na kami. Nakakapagtaka ang katahimikan ng dalawa sa likod ko. At bigla pa akong inapproach ni Yunice.)

       “Ikaw si Cylicia diba? Ako si Yunice. Pwede po ba mag-tanong?”

       “Okay lang, pero please wag kang mag-po. -_- Magka-edad lang tayo..”

       “Hehe! Sorry. >.< Ahh, si Kim ba… may nililigawan na?”

 (Napa-tingin ako sakanya. Tingin na… ewan! Basta… nararamdaman kong may iniisip siya na hindi ko gusto.)

        “-_- Bakit hindi siya ang tanungin mo??”

       “Hehe! Nahihiya kasi ako e. Baka isipin niya…….. (blushy effect)”

       “Wag kang mag-alala Yunice.. Walang malisya sakanya iyun.. -_-“

       “Talaga? He-he! Sige… Kim!!!”

 (O__O!!!! Nanlake talaga iyung mata ko. Sobrang nagulantang ako kasi, tatanungin nga niya si Kim! Anu bang klaseng babae ‘to!? Napa-tingin ako kay Kim, at tumingin naman siya kay Yunice.)

       “Kim, may itatanong ako.. May nililigawan ka ba?? ^__^”

       “O__O”, iyan lang reaksyon ko. >.<

       “Nililigawan….? Wala.. Bakit..?”

       “Ahh… ^-^ Pwede mo kong ligawan kung gusto mo, okay!!?”

       “o__O An…oo…??!?!?!”, nasabi ko sa sobrang gulantang.

       “^_^ Hehehe! Sige, aalis na ko!!”

  (At nagtatatakbo palayo si Yunice. Sobrang nagugulantang talaga ‘ko. Napa-tingin naman ako kay Kim, at humagikgik siya. Hala…. Natuwa pa siya….)

       “Nakakatawa talaga siya…”, sabi ni Kim.

  (EWAN.. Napa-ngiti ako kahit ayokong ngumiti. KAINIS… Hindi nalang ako magsasalita tungkol dun.)

       “Masaya bas a church….?”, tanong ko nalang.

       “…Ah… oo naman..”

       “Sasama ba kayo ulit sakin next Sunday?”, tanong ko.

       “….”

       “E, he-he.. Okay lang kahit hindi na kayo sumama no. Nag-aaya lang ako, baka sakaling gusto niyong sumama ulit.. Umuwi na tayo..”

  (Tapos nauna na kong naglakad. Nakapagtataka naman. -_- Bakit parang hindi siya nag-enjoy… Wala na talaga akong magagawa.. Kim na walang maalala ang kasama ko e.. Pero kahit anong ‘bahala na’, ‘okay lang’, o ‘wala na kong magagawa’ ang sabihin ko, nalulungkot talaga ‘ko….)

       “Cylicia.. Iyung nangyari sayo.. Bakit ayaw mong sabihin sa Mama mo..?”

       “..Ha..? Ah… Ito ba? Ayoko namang magalit siya lalo kay Adriel.”

       “Ano bang… ginawa niya sayo?”

       “Ah… wala. Medyo nagalit lang siya, tapos, ako, tumalon ako mula sa ferries wheel, at nagtatatakbo ako pauwi kasi walang taxi..-_- Iyun lang..”

       “Sorry ha…”

       “….Okay lang… Pero bakit mo ba kasi ginawa iyun? Anong sinabi niya sayo..?”

       “Sinusubukan ko lang naman na pagbatiin kayo e.. Hindi ba, dati mo siyang boyfriend..?”

  (Ayan na, nagsimula na ang hindi ko maintindihan kung galit o inis o what…)

       “Totoo iyun… pero…”

 Sa hindi ko maintindihan kung anong klaseng pakiramdam to, hindi ko na nagawang sabihin iyung sasabihin ko. Naglakad nalang ako ng pagka-bilis bilis para iwanan siya. Na-mimind block ako… 

Lost Memories (Angel's Smile)Where stories live. Discover now